Shit! Kalalabas ko palang ng taxi at ngayon lang ako nakatapak sa bahay namin pero bigla akong pinawisan na hindi ko alam kung bakit.
"Salamat kuya, ito na po ang bayad." Binayaran ko siya pagkatapos ay pinasibad na niya ang kotse.
Huminga ako nang malalim para doon kumuha nang lakas-loob. Hinigpitan ko ang hawak ko sa bagahe ko, iniinda ko parin ang sugat ko sa balikat.
"Anak, oyy! Jusko, ikaw ba iyan? Nakauwi ka na kaagad?" Natatawang lumapit sa akin si mama Lozila. Hindi ko rin maiwasang ngumiti. She isn't my mom but I treat her like my real mom the day she resigned fro her job just to help me.
Niyakap niya ako, ramdam ko ang sunod-sunod na hininga niya sa leeg ko dahil sa pagtatakbo. Hindi ko maiwasang tumawa sa reaksyon niya. Mukha namang hindi niya ako nakita ng ilang years.
"Miss ka namin, lalo na si Bethany. Lagi ka niyang binabanggit."
"Mo- Cean!" Lumingon si mama saka tumagilid para masilayan ko ang mukha nang anak ko. Automatikong dumulas sa mga kamay ko ang hawak kong bagahe ganoon din ang pagpatak ng aking luha.
I motioned her to walk towards me, sa una ay ayaw kasi nakikita ko parin na nandoon parin ang takot sa mga mata niya at naiintindihan ko iyon. Pero hindi na ngayon.
"Po?" Tumingala siya sa akin at curious na nakatingin. Akap-akap niya ang isang barbie doll na napansin kong bagong laruan niya pala. Saan iyon galing?
Lumuhod sa harapan niya para makapantay ang mukha niya. Hinawakan ko siya sa batok niya habang nakangiti kahit na patuloy na umaagos ang mga luha ko, kahit na hilam ang mga mata ko at hindi ko gaano nakikita ang reaksyon niya.
Hinawakan ko ang magkabilang kamay niya at hinalikan ang likuran nang palad niya. "I'm really very sorry for everything that I did to you. I blamed you for your father's wrath, I didn't give you the chance to feel my love, my warmth hug but I love you. I have always love you, my daughter."
I cupped her face then I wiped her cheeks.
"Takot lang si mommy na baka ma-fail kita... Hindi ko alam kong paano kita alagaan noon, hindi ako handa noong dumating ka sa buhay ko, sunod-sunod ang naging problema ko noon. I'm sorry if I failed you, forgive mommy, will you?"
Hinaplos ko uli ang pisngi niya bago inilapit ang bibig ko sa noo niya para halikan siya doon. Pumikit ako at akmang yayakapin siya pero itinulak niya ako at tumakbong pumasok sa loob ng bahay. Tumingin muna sa akin si mama bago sinundan si Bethany sa loob ng bahay.
Nanghihina akong napaupo sa damo habang nakakuyom ang mga kamay ko.
Sinaktan ko ang anak ko at hanggang ngayon parin ay masakit sakanya ang lahat.
I realized that I wasn't a very good mother, hanggang ngayon parin. Hindi ako naging magandang halimbawa sa anak ko, naging makasarili ako. Sinisisi ko siya sa kahayopang ginawa ng ama niya sa akin na hindi dapat.
"Masyadong sariwa sakanya ang lahat. Just give our daughter a time, cutie pie."
Mabilis pa sa alas-kuwatro na tumayo ako mula sa pagkakaupo. Iminulat ko ang mga mata ko at tumingin sakanya. Napalunok ako dahil totoong nasa harapan ko siya, ang mga kamay ay nasa bulsa. Nakasuot siya nang white v-neck shirt, ripped jeans and a black boots. He is like a Greek God! Kung tutuusin ay parang wala siyang dugong Pilipino, pagkakamalan siyang foreigner.
Bumuka ang bibig ko dahil mas lalong nagiging visible sa aking paningin ang abs niya dahil sa biglang pumatak ang malakas na ulan.
"It's raining again! Dammit!" He cursed sexily. Naramdaman kong hinawakan niya ako sa braso at kinuha niya ang bagahe ko, hinila ako papasok sa loob ng bahay.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Ex-Lover (Completed)
AcakTHE BILLIONAIRES SERIES #2 Some people changed because of the word love, like Cailliegh Cean Wayne Almarinez, she was hurt after learning that her first love, Cohen Joao Valderrama, did cheat on her. Cailliegh cannot accept that she fell into Cohen...