Chapter 13: Matured

536 20 0
                                    

"Angelique Bethany, huwag kang aalis nang hindi nagpapaalam kay mama-la mo, naiintindihan mo ba ako? Kasi kung hindi, ipapaliwanag ko sa iyo nalang. Alam mo kasi, kapag lalabas ka nang hindi nagpapaalam, mag-alala kami...paano nalang kung may kumuha sa iyo doon na masama ang ugali tapos... Tapos..." Lumunok ako dahil hindi ko kayang sabihin ang dapat kong sabihin. "Basta huwag basta aalis ng bahay."

Nakayuko lang siya habang nilalaro ang spaghetti gamit ang tinidor. "Sorry po."

Naramdaman kong napasulyap sa akin si Mama Lozila saka tumingin ulit sa pagkain niya. Alam kong nakikinig siya sa usapan namin ng anak ko.

"Finish your food then go home with mama-la later okay? Uuwi ako kasi baka hinahanap ako ng mga kapatid ko."

Gulat siyang tumingin sa akin bago umiwas ng tingin saka tumango kapagkuwan ay tumayo bigla kaya nag-ingay ang upuan. "Cr po ako." Nagpaalam siya, sinundan ko siya nang tingin at patakbo siyang pumasok sa cr ng female.

Rinig kong bumuntong-hininga si Mama Lozila saka uminom ng tubig. "Alam mo kung bakit ganoon ang hitsura niya, gusto niyang umiyak at alam kong nakita mo iyon."

Napahilot ako sa noo ko. "Nakita ko."

"Anong pakiramdam?"

"Naaawa."

"Eh iyan naman pala eh, gusto niyang matanggap mo siya ng buo pero hindi mo iyon magawa at naiintindihan ko kung dahil iyon sa nakaraan mo pero sana naman Cean, anak mo parin siya, may dugo kang bumabalatay sakanya!"

"Iyon na nga eh! Galing siya sa akin pero hindi matatanggal sa akin ang nakaraan, kapag nakikita ko siya, paulit-ulit na bumabalik sa akin ang nakaraan kahit anong pilit kong itapon ang nakaraang iyon pero hindi parin saka maiintindihan naman niya kung bakit hindi ko muna siya pwedeng ipakilala sa mga kapatid ko!" Mahinang sabi ko.

Natahimik kami ni Mama Lozila dahil doon lumabas si Bethany pero magang-magang iyong mga mata. Nakayuko siyang bumalik sa upuan niya at ipinagpatuloy ang pagkain ng spaghetti.

I cleared my throat before looking away. Ganoon na yata talaga ako kasamang ina, I don't deserve to be a mother to her.

"Pasensya na kung hindi muna kita pwedeng ipakilala sa mga kapatid ko, hindi pa nila alam na may anak ako, pero pagkatapos ng lahat ng problema ni mommy, saka na kita ipapakilala sakanila."

Tumango siya at ipinagpatuloy na kumain. Pagkatapos kong kumain ay umalis ako sa bahay ni Mama Lozila. May sarili siyang bahay pero walang asawa at anak manlang.

Naaalala ko noon na siya ang tumulong sa akin sa noong muntik akong makunan. It all started in a gym. Yes, I went to a gym nearby our school to loose weight after the broke up and sad to say... I was just in the middle of exercising when my tummy suddenly aches, akala ko normal lang kaya nagpatuloy ako sa pag-ji-gym ng dalawang araw kasi desidido talaga akong magpapayat pero kinabukasan niyon ay dinugo ako.

Iyong dalawang tauhan ni ama ang nagbuhat sa akin papunta sa hospital kung saan nagtratrabaho si mama Lozila. Iyong akala kong normal lang na okay lang talaga pero isang araw nalang ay nalaman kong buntis ako.

I wanted to hate our father that time, I hated myself, I don't know how to process that I am pregnant that time. I thought of killing myself and I also thought of killing the child in my womb but I always ended up with nothing. Kasi hindi rin naman kaya ng konsensya ko na pumatay ng bata.

Sinisisi ko ang sarili ko dahil nagpa-rape ako, sinisisi ko ang sarili ko dahil nagpaniwala ako sa tao na mahal niya ako at higit sa lahat, sinisisi ko ang sarili ko dahil muntik nang mawala ang bata sa sinapupunan ko doon sa gym na iyon and because of those; I had a mental health breakdown.

The Billionaire's Ex-Lover (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon