Chapter 1

1.5K 18 3
                                    

Back when I was a kid, I always thought that fairytales do exist, maybe because Tita Juliana mostly told me about it. But she didn't even warn me that some story might end up not being happy ever after.

I put back my small pouch for makeup after I'm done applying a lip gloss. Nag-angat ako ng aking tingin ng bigla na lamang sumulpot mula sa aking gilid si Daniella, pagkatapos ay niyugyog ang aking balikat.

"Bakit ba?"

"Halika doon sa labas at tingnan mo iyong magaling mo na ex-boyfriend!" sambit niya. Pagkatapos ko isara ang aking bag ay nagpahila na rin ako sa kaniya. At doon ko nakita si Rio na ibinibigay ang isang pula na teddy bear at mga tsokolate sa isang babae.

"Hindi ba ay kakatapos pa lang nila magbreak ni Judith?"

"Kawawa naman si girl, tingnan mo hanggang tingin na lang siya." Ngumiti ako sa ibang estudyante na nasa aking paligid.

"Bakit naman kasi sila nagbreak?"

"Siguro dahil na din sa nagsawa si Rio sa kaniya."

"Come on guys! Don't pity me, and stopped waiting for me to be dramatic just because I am seeing them in that situation." Sandali akong huminto sa pagsasalita at tinapunan muli ng tingin si Rio at ang bago niyang nililigawan na si Vanessa, na kalaunan ay nagyakap pa, tila mas napapasaya pa sila sa atensyon na nakukuha nila ngayon sa ibang estudyante.

"Well, he's just Rio Dela Cruz. He's nothing. I'm too pretty to worry about him having a new girlfriend. Let's go back to our classroom, Daniella."

"Kasi naman kayo mga marites!"

The scenic view of the horizon makes me put my sight totally out of the car. I smiled when I remembered the old days. I'm in my 10th grade, Rio was a cousin of my friend Collin. Palagi siyang nasa classroom namin noon tuwing vacant time nila at wala pa ang teacher namin.

Nang una, wala akong pakialam sa kaniya. May sarili akong mundo. Madalas kapag may iba na pinagkakaabalahan ang mga kaibigan ko ay nagi-isip ako kung ano ang mga bagong pamagat na siyang gagawan ko ng tula para i-post sa aking YouTube channel at personal page sa Facebook. Hanggang sa isang araw, biglaan na lang kami inasar ng mga kaklase ko dahil sa nahuhuli raw nila si Rio na palagi sa akin nakatingin tuwing naggi-gitara, at sa simula noon palagi na kami tinutukso sa isa't-isa.

"Jury, pwede ba kita ligawan?" Namayani ang tilihan sa buong classroom namin. Hindi ko maitatanggi na ng oras na itanong niya ito sa akin ay may gusto na rin ako sa kaniya, kaya naman hindi na rin ako tumanggi.

"Thank you!" Hindi ko na pinatagal, dahil napapasaya niya naman ako, aaminin ko rin na sa tuwing nasa tabi ko siya ay palagi akong masigla at kinikilig.

"Pangako, hindi ka magsisisi na sinagot mo ako sa panliligaw ko sa iyo." My heart belongs to him, when I give my sweetest yes. Hindi naman ako nagsisi dahil sa bawat araw, palagi ko nararamdaman na mahal niya ako.

"Say smile!" Mas lalong lumaki ang ngiti sa aking labi ng hinapit niya pa ako palapit sa kaniya.

"I'm happy to be with you, Jury. Sa wakas graduate na tayo ng grade ten." Masaya ako na yinakap siya.

"Congrats, hijo!" pagbati sa kaniya ni Daddy, habang si Mommy naman ay nanatili na tahimik at tila sinadya na abalahin ang kaniyang sarili.

He's the first one I trusted to give my heart. Kilala siya ng aking buong angkan. Ipinakilala ko siya dahil ganoon ako ka-proud na nakatagpo ako ng isang katulad niya sa ganito pa lang na edad ko, kahit pa palagi sinasabi sa akin ni Mommy na hindi ganoon kagaan ang loob niya para kay Rio. But then, I can say that I just made the right decisions, but then at the end I realized that it's my mistake to love him more than what he loves me.

Against The Boundaries (NEUST Series #4) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon