Chapter 7

457 7 0
                                    

Sa ibabaw ng isang malambot na unan ay nakapatong ang aking kaliwa na kamay habang ang isa naman ay nagi-scroll sa aking cellphone.

Sa tingin ko ay tama nga si Daddy. I visited the Facebook timeline of Sir. Espinoza and I came up with his upload post years ago. I see his bunch of achievements, pati na rin ang ilang mga bata na kasama niya sa litrato na napagtanto ko na mga tinuruan niya at tinulungan para manalo sa mga contest.

Hindi rin nakalampas sa aking mga mata ang ilang litrato niya noong bata pa siya. At aaminin ko na mag-isa akong napatawa rito sa loob ng aking kwarto.

"Hindi naman ganoon kagwapo si Sir," pagsasalita ko pa at napahagikgik.

"Wala siyang matangos na ilong. Ang nerdy niya tingnan, hindi rin siya iyong tipo na may abs. Hindi siya matangkad, kaya hindi ganoon kadali na magkagusto sa kaniya," dagdag ko pa at napaupo na mula sa aking pagkakahiga.

Sa pagpapatuloy ko sa pagi-scroll sa kaniyang Facebook newsfeed ay nakita ko rin ang ilang litrato ng tatlo pa na lalaki na kahawig niya, marahil ay kapatid niya ang mga ito. Ilang sandali lang ng mangawit na ako kaka-scroll ay bumalik na ako sa present timeline niya. Napatitig ako sa kaniyang profile picture pagkatapos ay sumunod na natuon ang aking paningin sa friend request button sa ibaba ng kaniyang profile picture. Ilang sandali lamang ay napagtanto ko na lamang na napindot ko iyon.

Ibinagsak ko muli ang aking sarili sa may kama at at dumapa dito. Itinaob ko ang aking cellphone at ibinaon ang aking mukha sa malambot ko na unan, habang ang aking mga paa ay tila lumalangoy sa kailaliman ng tubig.

Sa tingin ko ay dalawang minuto ang lumipas ng marinig ko ang ringtone ng aking cellphone na ang ibig sabihin ay mayroon akong bagong notification, at ng ibinukas ko muli ang aking cellphone ay doon ko nabasa ang mga salitang…

Aldren Espinoza accepted your friend request.

Hindi ko mawari kung normal pa nga ba talaga, sapagkat sa aking isipan ay alam ko kung anong klaseng pakiramdam ang namumuo sa aking damdamin ngayon. Naramdaman ko na rin ito noon, sa tuwing nakikita ko sa aking Facebook notification ang pangalan ni Rio.

Napapikit ako ng mariin, nag-umpisang gumulo ang aking payapa na isipan kanina. May parte pa rin sa akin na sa tuwing may nagbabanggit sa pangalan ni Rio ay tila kinukurot ang aking puso, ngunit aaminin ko na hindi ko na siya masiyadong nai-isip. Muli naman akong napamulat ng aking mga mata ng tumunog na naman ang aking cellphone ngunit nagsalubong agad ang aking kilay ng makita ang mensahe na nagmula kay Demus.

Kaagad kong tiningnan ang aking friend list, at hindi ko inaasahan na dati pa pala kaming friends sa Facebook. Labag man sa aking loob ay pinindot ko ang mensahe nito.

Demus Madrid

yung napagusapan natin ahh?? :D

seen • 8:48 pm

Kusang tumaas ang aking kaliwang kilay, sa isang iglap lang ay tila may puputok na ugat sa aking ulo dahil sa pagka-asar ko sa kaniya. Naging madiin ang pagtipa ko ng mensahe.

Judith Ryca Cabrera Salazar

Ewan ko sa iyo!

Wala pa man isang segundo ng makita ko na agad na tatlong bilog sa ilalim ng tugon ko sa aking mensahe, ngunit nagtaka ako ng nawala iyon at muntikan ko na maibato ang aking cellphone ng lumitaw sa aking screen ang kaniyang pangalan. Tumatawag siya ngunit hindi ko iyon sinagot, sa pangalawa naman ay pinatayan ko siya at ng nagpatuloy pa rin ang pagtawag niya ay inis na akong sinagot iyon.

"Ano ba ang problema mo? Hindi mo ba naisip na busy ako at nakakaabala ka?" ito ang naging bungad sa kaniya, at ang halakhak niya ang una niyang naging sagot sa akin.

Against The Boundaries (NEUST Series #4) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon