Chapter 26

341 4 0
                                    

"Basta sa susunod ay huwag ka na aalis ng ganoon, mamamatay ako sa paga-alala, Jury." Muli kong yinakap ng mahigpit si Mommy.

"Ako naman ang akala ko ay sasabay sa akin sa paliligo si Jomaika dahil sa pagkatok niya sa pintuan ng bathroom habang naliligo ako, si Daddy pala tumatawag, nawawala ka at sa akin ka hinahanap."

"At saka, ikaw ah, kapag sumweldo ako ay hindi na kita ililibre dahil may sama ka pala ng loob sa akin." Napanguso ako.

"Tatawag na nga sana kami ng pulis, dahil hindi talaga namin alam kung saan ka nagpunta. Tinawagan na namin ang mga kaibigan mo, kahit sa Demus, ngunit wala rin silang ideya. "

"I'm really sorry, anak. Pasensiya ka na kung naramdaman mo na wala kaming tiwala sa iyo. But we already know the truth."

"Sinabi po ni Demus?" Napatingin ako kay Daddy ng siya ang sumagot sa aking katanungan.

"Tumawag si Daniella, umiiyak. Sinabi niya sa amin ang totoo." Dumaan ang kirot sa aking puso, unti-unting namanhid ang aking damdamin.

"I hate her," sambit ko. Saktong paghinto ng aming kotse dahil sa traffic. Unti-unti naman pumatak ang ulan.

"Hindi ko gusto ang ginawa ni Daniella, Jury. But you should understand her reason."

"I don't think so, Mommy. I've done my part understanding her. Sa tingin ko ay siya na ang dapat umintindi sa kaniyang sarili." Malalim akong napabuntong-hininga.

"Mommy, Daddy, Kuya. I'm sorry."

"You're forgiven, Jury. Mahal na mahal ka namin."

Dalawang araw matapos ang mga pangyayari ay nagkita kami ni Collin, sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap.

"Humihingi ng tulong sa akin si Daniella, para mapatawad mo si—" Napabitaw ako kaagad sa yakap namin sa isa't-isa, kaagad ko sinubukan na ibahin ang usapan.

"May ike-kwento ako sa iyo, nagkita kami ni Sir. Es—"

"Jury, ano? Friendship over na ba talaga kayo ni Daniella?" Naitikom ko ang aking labi at napatitig ako sa kaniya, pagkatapos ko itapat sa aking ang electricfan at umupo sa gilid ng kaniyang kama.

"Masakit iyong ginawa niya sa akin, Collin. Siya iyong dahilan kung bakit nag-away kami ng pamilya ko." Kunot ang aking noo ng sabihin ito.

"Pero kahapon, pinuntahan ako dito ni Daniella, iyak siya ng iyak, halos lumuhod sa harapan ko, humihingi siya ng tulong sa akin para makapag-usap kayo at makahingi siya ng sorry." Mas naningkit pa ang aking mga mata na nakatingin sa kaniya.

"Sorry? Hindi gamot ang sorry, Collin. Hindi iyan isang klase ng panahi na kayang itikom iyong sugat na nagmumula sa puso." Nanggigilid ang luha sa aking mga mata ng mag-umpisa siyang humikbi.

"Jury naman!" Pinunasan ko ang luha na tumulo sa aking pisngi. Galit lamang ako dapat ngayon kay Daniella, ngunit hindi ko talaga inaasahan na ganito kasakit kapag mas pinili ng kaibigan mo ang isang lalaki kaysa gawing mas matatag ang inyong pagkakaibigan.

"Since we're in highschool? M-Magkakaibigan na tayo, hindi ba pwede na iyon nalang ang isipin natin, iyong mga pinagdaanan natin na magkasama tayong tatlo, iyong mga happy memories?" Napatitig ako sa kaniya, sabay kaming napahikbi at yinakap ang isa't-isa.

Tatlong araw, bago magpasko ay hindi ko rin natiis na tanggihan pa si Collin. Dito kami nagkita-kita sa may manggo plantation namin, ngunit hindi ko naman inaasahan na mula sa bandang likuran ni Daniella ay si Demus, na makailan ulit din ako sinubukan na tawagan nitong mga nakaraan na araw simula ng mangyari ang gulo sa pagitan namin magkaibigan at pamilya.

Against The Boundaries (NEUST Series #4) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon