Chapter 11

370 3 0
                                    

It's Tuesday, pagkatapos kami i-dismiss ng aming professor sa subject namin na PROF ED 2 ay lumipat na kami sa panibagong silya kung saan nakaayon iyon sa alphabetic order.

"Excited iyong isa riyan oh!"

"Ilang araw ba naman niyang hindi man lang nasilayan eh," dagdag naman ni Daniella. Tiningnan ko ang oras sa aking cellphone lagpas 10:30 na ng umaga, dati naman ay sakto sa oras ang pagpasok niya sa aming klase.

"Guys, doon daw tayo sa student center sabi ni Sir," ito ang announcement ng aming class president, kaya naman lahat kami ay nagsitayuan na mula sa pagkakaupo.

"Sandali lang nai-ihi ako, samahan niyo muna ako." Napahimas ako sa aking sintido at itinulak na sa loob ng restroom si Collin.

"Dalian mo baka mawalan tayo ng uupuan." Pagdating nga namin sa student center ay halos wala na kaming malugaran. Hindi naman kasi kami talaga kasya dito.

"Judith Ryca!"

"Jury, raw." Inabot sa akin ni Daniella ang papel, nagtaka pa ako kung ano ito hanggang sa nakita ko na ito pala iyong activity na ipinasa namin noon at ngayon pa lang naibalik sa amin ng may score na.

"Are you all here? Ms. President, naibigay mo na?"

"Wait lang po, Sir."

My sight stops from the entrance of the student center where he was standing right now, so fresh to look at.

"Hindi na kasya iyong iba 'no?"

"Yes, Sir."

"Opo Sir, kulang ang silya." There are so many voices here, but his voice sounds different. Sa nakalipas na mga araw bakit parang may nagbago o sadyang ngayon ko lang napapansin ang hiwaga sa kaniyang bawat pagngiti at pagtawa?

"I'll check the other room, if it's vacant then we can go there."

"Ang gwapo ni Sir," bulong sa akin ni Collin at saka siya humagikgik.

"Kaya lang ay suplado," dagdag naman ni Daniella. Makalipas naman ang ilang minuto ay may nagsabi na sa amin na doon na kami sa classroom na sinasabi ni Sir. Espinoza. Habang naglalakad kami patungo doon ay hindi mapakali si Collin, panay ang dunggol niya sa akin at kiliti sa aking tagiliran.

Pagkarating naman namin doon ay nakatayo si Sir. sa may harapan at nilalaro ang dulo ng kaniyang mga daliri sa ibabaw ng lamesa. Sa ikatlong hilera naman ng mga silya ay sa bandang gilid na sana ako ng pader uupo, dahil kung sa bandang kabila ay tanaw na tanaw ko ang kabuuan ni Sir. Espinoza, kapag ganoon ay baka hindi ako makapagfocus sa quiz namin, ngunit nakipagpaunahan sa akin si Collin at Daniella, pagkatapos ay pinagtawanan pa nila ako.

Gusto kong mainis sa dalawa dahil hindi nga ako nagkamali, kahit na nakatingin ako sa test paper ay si Sir. Espinoza na nakaupo sa kaniyang silya sa may bandang harapan ng classroom ang aking nai-isip, kaya naman kahit ng nagche-check na kami ay hindi pa rin ako makapagfocus, lalo na at huminto siya sa aking bandang gilid at doon nagdikta ng mga sagot, kahit na iharang ko ang aking buhok ay tila hindi ko mapigil ang kung ang kiliti na naglalaro sa aking tiyan.

"Ms. Salazar, you're checking the test paper of your classmate wrong. Letter a is for number 3, and letter b is for number 4." Naghagikgikan sina Collin at Daniella. Nag-init ang aking magkabilang pisngi. Tiningnan ko kung may mali ba akong na-check ngunit tama naman iyon.

"Okay na, Judith Ryca?"

"Yes, Sir." Malaki ang pasasalamat ko sa aking sarili dahil hindi ako nautal. Ganoon pa man ay pigil na pigil na matawa ni Collin.

"Padunan."

"46, Sir."

"Pascual."

"23 po."

Against The Boundaries (NEUST Series #4) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon