Chapter 20

329 4 0
                                    

Pagod ako na umupo sa may grandstand dito sa may closed-gym, kakatapos lamang magperform ng aming grupo sa may rhythmic dance activity namin. Ilang minuto lang din ay natapos na ang iba pa namin na kaklase at pagkatapos sabihin ng Professor namin ang group score ay tinapos na rin nitong tuluyan ang aming klase.

"Napagod ako doon, tapos may last subject pa tayo hanggang ala-singko," sambit ko habang si Collin at Daniella ay pinapaypayan ang kanilang sarili gamit ang mga kamay nila.

"Tara sa canteen, bumili tayo ng mai-inom." Sumang-ayon ako sa sinabi ni Collin.

Pagkabili namin ng malamig na tubig ay pabagsak kaming umupo sa mahaba na upuan dito sa may food court ng COED. Umiinom pa ako ng tubig nang may biglang pumatang na kamay sa ibabaw ng aking magkabilang balikat kaya naman nasamid ako.

"Mukhang pagod na pagod ang tatlong Maria ah!"

"Demus!" masayang pagbati ni Daniella na umaliwas ang buong mukha at tila sa isang iglap ay nawala lahat ng pagod na kaniyang nararamdaman.

"Hi there, Dani!" Napansin ko ang pagtawag niya sa aking kaibigan na ngayon pinamumulahan ng pisngi.

"Kabute ka ba at bigla ka na lang sumusulpot? Umiinom ako tapos manggugulat ka." Humalakhak siya at naglakad sa aming bandang harapan. Bahagya pa siyang yumuko upang magpantay ang aming tingin.

"Paano iyong gulat?" mapang-asar pa na tanong niya.

"Ganito!" Tinapakan ko ang sapatos niya kaya naman napalayo siya kaagad sa akin, napasimangot pa ng makita na nadumihan iyon.

"Oh, paano naman iyong pagkabigla?" Nanliit ang kaniyang mga mata sa akin ako ako naman ang tumawa ngayon, natigil lang ako ng marinig ko ang pagtikhim ni Daniella.

"Demus, halika muna dito at magkwentuhan tayo. Ito nga pala, tubig gusto mo? Hindi ka ba nauuhaw, para kasing pagod na pagod ka."

"Thank you, Dani. Kakainom ko lang din, paalis na sana ako dito sa food court at babalik na ulit sa loob ng COED kaya lang nagliwanag iyong paligid ng matanaw ko itong si Jury." Kumindat siya sa akin at ako naman ay inirapan na lang siya.

"Sipain kita riyan eh!" Uminom akong muli, kasabay ng pag-iwas ko ng aking tingin. I need to put invisible boundaries, because I want to protect our friendships.

Panay ang himas ko sa aking mga braso, si Collin at Daniella naman ay paulit-ulit na pinagkikiskis ang kanilang mga palad.

"Dapat pala nagdadala tayo ng arinola para tuwing subject natin dito kay Ma'am ay tuloy ihi na lang tayo." Natawa ako ng dahil sa sinabi ni Collin.

"Should I turn-off the AC?" natatawang tanong ng aming Professor.

"Yes, Ma'am."

"Ma'am, naninigas na po kamay ko hindi na ata makakapagtaas mamaya sa class recitation." Naghalakhakan ang mga nasa bandang likuran namin na kaklase, habang inihina naman na ng aming Professor ang aircon.

"Chill lang naman kayo ngayon, class. All you need to do is to watch how playboy Zeus is." Nagtawanan kami sa sinabi ng aming Professor.

"Oh, hindi aabot. Can someone borrow an extension to Sir. Aldren Espi—"

"Ma'am!" Kaagad akong nagtaas ng aking kamay. May ilan sa aking mga kaklase na kinantsawan pa ako.

"Okay, Judith."

"Ma'am, sasama po kami!"

"Hindi na Collin. Hindi naman kasing bigat nitong buong COED ang extension." Natatawa akong nilingon sa aking tabi si Collin.

"Malalapitan ko si Sir," may tono ng pananabik sa aking boses ng ibulong ko ito kina Collin.

Hindi matanggal ang ngiti sa aking labi ng makalabas na ako sa aming classroom. Sa may faculty na dapat talaga ako tutuloy, ngunit nahagip siya ng aking tingin sa isang classroom bago ang hallway paliko papanhik ng second floor ng COED.

Huminto ako sa aking paglalakad, itataas ko sana ang aking kanan na kamay para kumaway at tawagin siya ng mapagtanto ko na marahil isipin ng iba na wala akong galang. Kaya naman sa halip na gawin iyon ay naglakad pa ako papunta sa pinaka-pintuan ng classroom at mahina iyong kumatok dahilan upang matigilan siya sa pagpapaliwanag sa kaniyang klase.

"Good Afternoon, Sir!" Ibinaba niya ang hawak na libro at bahagyang inayos ang suot na salamin.

"Yes?" Hindi siya lumapit sa akin, hindi rin naman ako pumasok sa loob ng classroom.

"Ma'am Pia, ordered me to borrow your wire extension." Hinarap niyang muli ang mga estudyante at saka nagsalita.

"Continue to read and comprehend the next page of our topic, class. I'll be back." Seryoso siyang naglakad palabas ng classroom, napasandal pa ako sa may pintuan, madiin na napakagat sa aking pang-ibaba na labi at pinigilan na mapatili.

"Judith Ryca?" Bahagyang salubong ang kaniyang mga kilay. Naibaba ko naman ang aking kamay na nakatakip pa sa aking bibig ng huminto siya sandali sa paglalakad at nilingon ako.

"Y-Yes Sir!" Sumunod na ako agad sa kaniya. Habang naglalakad kami papunta sa faculty ay tila lumulutang ako sa kalangitan.

I smiled, knowing that I'm just behind him. I am aware of our boundaries. The time isn't right because I am still a student while he's already a professor. But there's a part in my heart hoping that one day, our levels will align and everything will eventually be possible between us.

"Sir?" Hindi siya kumibo.

"Sir," pag-uulit ko, ngunit nanatili pa rin siyang walang kibo habang naglalakid kami. Sandali kong kinagat ang aking pang-ibaba na labi.

"May nakita ka ba sa Purposive Communication book na ginagamit mo para sa pagtuturo?"

"What do you mean, Ms. Salazar?" Nilakihan ko ang aking paghakbang para magkasabay kami sa panibagong baitang ng hagdan papanhik.

"I mean, something like a little yellow green envelope?"

"Wala," tipid na sagot niya. Napahimas ako sa aking sintido, hindi ko maiwasan na mapasimangot.

"Paanong wala? May ini—" Naitikom ko ang aking bibig ng huminto siya sa kaniyang paglalakad. Nang lingunin niya ako sa kaniyang bandang gilid ay nagtatanong ang kaniyang mga tingin. Naiilang akong napa-iling ay bahagyang tumawa at sa huli ay binawi na lang ang aking mga naging katanungan sa kaniya.

Nakakapanghinayang lang dahil sa tingin ko ay hindi niya nakita at nabasa ang inipit ko na envelope kung saan nandoon sa loob ang papel kung saan ko isinulat ang tula na ginawa ko talaga para sa birthday niya.

Pagdating namin sa faculty ay nakita ko doon si Daddy, wala na siyang klase, tiyak ako na hinihintay niya na lang ang uwian namin dahil sabay kaming umuuwi. Sandali akong kumaway sa kaniya, habang nanatili ang tingin niya sa amin ni Sir. Espinoza.

"May klase ka na rin ba sa kanila Aldren?" tanong ni Daddy.

"Wala, Clifford. Nautusan lang daw itong si Judith Ryca ni Pia na humiram sa akin ng wire extension."

"Here." Inabot ko iyon,at dahil kaunti na lang ang tao sa faculty ay nilapitan ko si Daddy para magpaalam at mabilis na sinundan si Sir. Espinoza palabas ng faculty.

"Sir. Thank you!" sambit ko, ngunit hanggang sa makabalik na siya sa classroom ng kaniyang tinuturuan ay nanatili siyang walang imik.

Dumating na ang second semester, nakakalungkot lang na hindi ko na naging Professor pa si Sir. Espinoza. Mas nagfocus din ako sa aking paga-aral dahil napapansin ko na mas lumalaki ang tiwala sa akin ni Daddy lalo na si Mommy. Despite that we still find enjoyment during that semester, may mga linggo nga lang talaga na natatambakan kami ng gawain.

He became one of my inspirations. Ang kaniyang mga salita ang aking nai-isip tuwing nai-stress ako sa paga-aral. Sa paglipas ng mga araw, ang simpleng pagkakataon na nakikita ko siya o nagkakalapit kami ay naghahatid sa akin ng saya.

Minsan, kapag nagtatama iyong tingin namin sa hallway ng COED, sa classroom kung saan siya nagtuturo, sa kahit saan parte ng NEUST ay hindi niya ipinagkakait sa akin na masilayan ang kaniyang nakakaakit na pagngiti at kapag ganoon ang nangyayari ay panay ang paghampas ko kina Collin at Daniella.

Against The Boundaries (NEUST Series #4) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon