Chapter 5

544 10 0
                                    

I was just staring at the PowerPoint presentation. I don't feel any hardships in comprehending our first topic now. Sa pagkakatanda ko ay napag-aralan na namin ito sa subject naman na oral communication.

"We've tackled verbal communication."

"How about when you don't say any words, it is still possible to communicate? For example, my co-teacher bid his goodbye and before he finally went outside the faculty I raised my hand and waved it a little. Can we still consider that there's a communication that happened?" The class remained silent. When no one tries to answer he picks the index cards that's on the table behind him.

"Nai-ihi na naman tuloy ako," bulong sa akin ni Collin, bahagya ko naman siyang siniko ng pabiro.

"Tumahimik ka na lang, mamaya niyan ay ikaw pa ang matawag," mahinang sambit ko naman.

"Ms. Cenon?" Tumayo si Bella, makailan pa napahimas sa kaniyang sintido. Nagsalita naman muli si Sir. Espinoza.

"Ms. Cenon, what's your answer?"

"Ano po, Sir…"

"Please, try to speak in English." Naghagikgikan ang ilan ko na mga kaklase.

"Sir. There's still communication." Uupo na sana si Bella ng magtanong pa muli si Sir. Espinoza.

"Are you sure?" Tama naman ang sagot ni Bella, sa tingin ko ay hinuhuli lang ni Sir. kung sigurado ba talaga siya sa kaniyang isinagot.

"Y-Yes, Sir."

"Then justify your answer, Ms. Cenon."

"Um, because there are different types of communication, Sir. It can be verbal, non-verbal, oral and written."

"Exactly. You may sit again, Ms. Cenon."

"Interpersonal communication is inevitable. Not only with words 'no, but also with actions. Through means of voice tone and by way of gesture and posture expression of the face, any non-verbal ways can still be a constant contact with others."

"Even when you just smile and nod your head, you're communicating." Muli niyang inayos ang salamin na suot, bago muling nagsalita.

"Another reason why interpersonal communication is inevitable is because you can't take something back once it's been said already."

Ilang minuto ang lumipas, at sa paulit-ulit na paglingon ng aking mga kaklase sa may orasan na nakasabit sa may gilid ng classroom malapitan sa may pintuan ay itinabi na ni Sir. Espinoza ang kaniyang laptop.

"Sa wakas nakaligtas na naman," mahina at natutuwa na sambit ni Collin.

"Matagal pa natin magiging teacher si Sir. Kaya huwag ka muna maging masaya," pagsingit naman ni Daniella. Mahina na nga ang kaniyang boses ay mas humina pa ito.

"That will be our discussion for today. And we'll be having a quiz about that maybe after lesson two. So, make sure that you understand the components of communication, its processes, principles and ethics."

"And class, I am not going to force you 'no. But please, whenever it's our class time try to speak in English. You should practice now, especially when you're going to choose that major this second semester."

"In addition to that…" I felt a little drum in my chest, when I heard his chuckle that seemed to be snatching my heartbeats. I was surprised to feel this kind of feeling after my relationship with Rio ended, but then of course, I don't like my Professor, he's not an exception to those boys who are capable of just fooling you around.

"I'm not going to cut your tongue. You can raise your hand if you know the answer to my question. And don't hesitate to speak up your opinion, just because you're thinking about your grammar, 'no. Since I'm not that kind of professor, I'm into the ideas not into errors. But of course, when I correct your mistakes don't take it seriously, it's not a judgement, it's just my way of teaching you what's right." But then, there's something in his words that's capable of touching the cold walls that I build in my little heart.

Panay ang hagikgik ni Collin at Daniella habang nasa itaas kami ng grandstand. Ang pinagu-usapan kasi nila ay si Sir. Espinoza.

"Ang totoo niyan hindi naman talaga si Sir. iyong nakakatakot, kun'di iyong pagbunot niya ng index card." Humalakhak si Collin, hindi man lang natatakot na kaunting pagkakamali niya lang ay pwede siya magpagulong-gulong mula dito sa taas hanggang sa ibaba nitong grandstand.

"Si Sir. Aldren naman kasi kapag nagtatanong ay mayroon pa kasunod," dagdag naman ni Daniella.

"Pero kanina ng nagkausap kami ni Sir. habang nasa loob pa kayo ng restroom nitong si Daniella ay na realized ko na hindi naman pala ganoon kasungit si Sir. Mabait pala siya."

"Siguro, pero hindi ba nakaka-inis din kapag moody ang isang tao. Ganoon kasi si Sir. Minsan napaka-seryoso, snob ba. Tapos minsan naman panay ang pakikipagbiruan niya sa mga kaklase natin, kahit nga sa atin hindi ba?"

"Pero, tama naman kayo mabait si Sir. Espinoza, ang dami nga niyang alam na inspirational words." Kinaliti ako sa tagiliran ni Collin.

"Yieee!" mapanukso na sambit nila, kasabay ng panliliit ng aking mga mata.

"Crush mo si Sir. ano?" Umawang ang aking labi.

"Ako? Sira ka talaga, Collin! Hindi ako magkakagusto sa teacher, grabe ka."

"Hindi ba talaga, Jury? Bakit nga napapansin ko na ang tamis ng ngiti mo tuwing nagkwe-kwento ka na tungkol kay Sir?" Sinikop ko ang aking buhok ng bahagyang lumakas ang ihip ng hangin.

"Napaka-issue niyo talagang dalawa. Ngumiti lang habang nagkwe-kwento, may gusto na? At saka, tigilan niyo na ang panga-asar niyo sa akin kay Sir. Mamaya niyan ay may makarinig pa at makarating kay Daddy, ayoko magisa sa bahay." Tumawa silang dalawa.

"Nasa in denial stage ka na Jury."

"Malamang itatanggi ko kasi hindi naman totoo," giit ko.

"Sigurado ka ba na hindi mo talaga crush si Sir?" Sa halip na patulan pa ang panga-asar nila ay tumayo na ako mula sa aking pagkakaupo at nag-umpisa ng maglakad pababa sa grandstand at kaagad naman silang sumunod sa akin.

"Crush niya si Sir. Espinoza kaya nga inspired siya at palagi niyang nasasagot iyong mga tanong ni Sir. kapag siya iyong natatawag sa recitation."

"Argh! You too, shut up!" Nagkatinginan silang dalawa, mariin na itinikom ang bibig, ngunit halata pa rin na nagpipigil ng kanilang mga tawa.

Malapit na kami sa aming classroom ng mag-umpisa ko na naman marinig ang boses ni Collin, tila wala siyang kapaguran sa pagsasalita.

"Alam ko na kung bakit hindi crush ni Jury si Sir."

"Bakit?" tanong naman ni Daniella.

"Eh, kasi nga hindi pa siya nakaka-move on kay Rio." Naghagikgikan sila, malalim akong napabuntong-hininga at hinarap silang dalawa na nasa aking bandang likod.

"Ang kulit niyo, sige binabawi ko na iyong sinabi ko sa inyo na tutulungan ko kayo sa report na mayroon tayo sa Purposive Communication." Nagkatinginan silang dalawa at bago ko pa man sa kanila maalis ang aking atensyon ay hinila na nila ang aking braso, ngunit nagpatuloy pa rin ako sa paglayo sa kanila, hanggang sa matigilan ako dahil mayroon akong nabangga.

"Uh-oh…" Napatingin ako sa mga papel na nalaglag dahil sa nabunggo ko ang isang lalaki.

"So—" I was about to say my apology when I was shocked to see him again, the one I’m referring to is none other than the COED chairman, Demus Madrid.

Against The Boundaries (NEUST Series #4) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon