Chapter 13

375 5 0
                                    

Nang mapagtanto ko ang aking ginawa ay mabilis kong ibinaba ang aking kamay at saka nagtatakbo na sa daan patungo sa aming classroom.

"Oh my gosh, Jury. Nakakahiya ka!" bulong ko pa sa aking sarili habang madiin na napapakagat sa pang-ibaba ng aking labi.

"Hindi…Hindi ka pwede ma-inlove kay Sir. Espinoza," pagkumbinsi ko pa sa aking sarili. Muli naman akong napahinto ng may humarang sa aking dadaanan. Hindi ako pwedeng magkamali, barkada ito ni Chairman.

"Hello!" Umangat ang aking kaliwang kilay.

"Mayroon nga pala pinapasabi si Demus. Gusto ka raw sana niyang makausap, kahit sandali lang, sana ay mapagbigyan mo siya."

"May klase ako, kuya. Huwag mo rin sana kunsintinhin pa ang maling gawain ng kaibigan mo. Alam mo naman na may katungkulan siya dito sa COED hindi ba?" Napahimas ito sa kaniyang batok, makailan ulit din napakamot sa may sintido niya.

"Walang matinong lalaki na bigla na lang manghahalik ng babae. If it's my forgiveness that'll make him stop bugging me, then fine. Tell him that he's forgiven. Mauna na ako, dahil may klase pa kami." Tipid akong ngumiti at nilampasan na siya.

Pagkatapos namin maghiwalay ni Rio, parang naging mahirap na makahanap ng lalaki, hindi iyong katulad niya, kun'di iyong alam mong worth it paglaanan ng pagmamahal at hindi nakakahinayang na ipaglaban.

Na-explain ko na sa aking mga kaklase ang iniwan na gawain ng Professor namin, kaya naman lahat kami ngayon ay abala na sa pagtapos nito dahil na rin sa bilin sa akin na ngayon din ito dapat ipapasa. Kinukulayan ko na lang ang poster ko ng bigla na naman magsalita si Collin, panigurado ako na hindi pa rin siya nakaka-move-on sa aking kwento sa kanila ni Daniella, kahit ako rin naman ay ganoon.

"Lantaran na ba talaga, Jury? Kinikilig tuloy ako!"

"Pero hindi mo pa nakwento sa amin kung ano iyong naging reaksyon ni minion matapos mong gawin iyon," pagsasalita naman ni Daniella, habang pakapuli-pulido ang pagguhit ng linya sa bawat gilid ng kaniyang oslo paper.

"Oh, ano iyang pagnguso na iyan?" Marahan kong tinabig ang kaniyang mga daliri na nilalaro ang dulo ng aking buhok.

"May pa-flying kiss ba sa iyo si minion?" mahinang humalakhak si Daniella ng dahil sa sinabi ni Collin, tuluyan naman na akong napahinto sa aking pagkukulay at saka napatakip sa aking mukha gamit ang aking mga palad.

"Nagpoker face lang naman siya." Nagmulat ako ng aking mga mata, at ang aking nakita ay si Collin at Daniella na nagpipigil ng kanilang tawa.

Natapos ang maghapon at sumapit ang gabi. Pagkatapos namin kumain ng hapunan ay nagpasya na ako kaagad na pumunta dito sa aking kwarto. Nang tumama ang aking paningin sa orasan na nakasabit malapit sa may bintana nitong aking kwarto ay sandali akong tumigil sa pagbabasa at hinilot ang aking batok.

Napatitig ako sa aking cellphone kung saan ako ng search ng karagdagan na kaalaman tungkol sa topic namin kanina sa PROD ED 1, sapagkat aminado ako na mas nacurious ako.

"It's prohibited to fall in love with him?" tila katanungan ko sa aking sarili habang ang nasa aking isipan ay si Sir. Espinoza. Pinatay ko na ang aking cellphone at dahan-dahan ibinagsak ang aking sarili sa may kama.

Itinali ko ang aking buhok at sandali akong nag-unat, pagkatapos ko mapag-isipan na magpahinga muna sa pagre-review para sa midterm namin nitong darating na linggo. Naisipan ko na lumabas na rin muna ng kwarto para makapagpahangin, ngunit hindi ko inaasahan kung sino ang aking nakita sa may sala na kausap ni Daddy.

Halos lumundag ako mula sa ikalawang palapag ng aming bahay para lang makababa kaagad ng hagdan.

"D-Dad, what is he doing here?" Nagkatinginan muna sila bago tumayo mula sa kaniyang pagkakaupo si Daddy at tingnan ako.

Against The Boundaries (NEUST Series #4) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon