Chapter 3

675 10 0
                                    

Days passed, slowly I tried not to hurt myself more. I looked at the mirror in front of me and put a little blush on my cheeks then before I finally stepped outside my room's restroom my sight fell down on the side of the sink. And the words of Tita Juliana occupied my mind again.

"You don't need to force yourself to forget Rio. Moving on doesn't mean that you should forget him totally. May mga tao na magiging parte ng buhay natin, na kahit hindi manatili ay mayroon pa rin maiiwan na espasyo sa isipan natin."

"There's no forgetting in moving on, ngunit isang araw hindi mo namamalayan na hindi mo na pala siya ini-isip at sa pagkakataon na iyon, sigurado ako na tumibok ng muli ang puso mo para sa iba."

Ang mainit na simoy ng hangin ay umihip, kasabay ng pagtayo niya sa mahabang upuan na gawa sa kawayan ay ganoon din ang aking ginawa. Sinalubong ko ang kaniyang mga tingin, at napatitig ako sa simple niyang pag-ngiti.

"Kapag dumating na ang panahon na iyon, ipagdarasal ko na sana, umibig ka na sa isang tao na mananatili sa iyo hanggang sa dulo." Naningkit ang aking mga mata.

"Mas mabuti siguro Tita kung isasama mo na rin sa ipagdarasal mo na kung iibig man akong muli ay doon na sa lalaki na hindi ako sasaktan." Tumawa siya at pabiro akong kinurot sa aking bandang tagiliran.

"Ikaw talaga! Judith Ryca, hindi mo malalaman na nagmamahal ka na ng tunay kung hindi ka labis na masasaktan."

I took a deep sigh and walked outside the restroom. I smiled at the thought that I will never fall on a jerk's plan again.

"Ang sabi mo ay nandito ka na sa University?" Inikot ko ang aking paningin, ngayon ako nagsisisi na hindi ako sumabay kay Daddy.

"Just kidding!" Humalakhak si Collin mula sa kabilang linya.

"Sinabi ko lang na nasa Sumacab na ako dahil ayoko na ako ang mauna riyan ng wala pa kayo ni Daniella."

"Argh! You're such a-"

"What?" I rolled my eyes, and just started to walk inside the COED building of COED.

"Anong room number ba tayo?" tanong ko.

"203,"

"Okay. By the way much better kung hihintayin mo si Daniella sa waiting shed sa harap ng campus. You know her, baka maligaw iyon." Humalakhak siya.

"Sure! See you later, Jury!" I ended the call.

I went around to see all the classrooms but I couldn't find our room number, apart from being tiring, it was hard to walked in the middle of the crowd of students who were blocking the hallway. Sinubukan ko tawagan si Daddy ngunit sa tingin ko ay nakapatay ang cellphone nito, marahil marami rin siyang ina-asikaso dahil first day nga ng pasukan ngayon.

"Aish! I'm tired," mahinang bigkas ko at pinunasan ang butil ng pawis sa aking noo at gamit ang aking mga palad ay pinaypayan ko ang aking sarili, pagkatapos ay nagpatuloy sa paglalakad habang ini-ikot ang aking paningin, nagbabakasakali na mahahagip ng aking paningin ang classroom namin, ngunit natigilan ako ng mayroon akong mabangga.

"Ay, sorry!" Nagtama ang aming paningin ng lalaki na mayroon hawak na ilang papel.

"It's fine, sorry too." Ngumiti siya sa akin. Sinamantala ko naman na ang pagkakataon para magtanong.

"Kuya alam mo ba kung saan iyong room 203?"

"Go upstairs," sambit niya, hindi pa rin nawawala ang matamis na ngiti sa kaniyang labi.

"May room pa ba roon? Ang akala ko ay faculty na lang." Mahina siyang tumawa, akmang may sasabihin pa ng mapalingon siya sa kaniyang bandang likod.

"Demus! Ano, tara na?" Sandali niya akong nilingon.

Against The Boundaries (NEUST Series #4) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon