Chapter 21

334 6 0
                                    

In some part of life, what makes you decide to take a risk? It's when there's love? Kapag ba alam mo sa sarili mo na palagi ka niyang idinadala sa pakiramdam na tila ikaw na ang pinakamasaya na tao sa buong mundo? Kapag ba palaging siya na ang laman ng isip mo, at naging parte na rin siya ng pangarap mo? Or it's when you think that it's worth fighting for?

"Chairman!" Napahinto sa kaniyang paglalakad si Demus na halata sa mukha ang pagod.

"Gawa mo?" sigaw ni Collin, naging dahilan iyon nagpalapit sa amin ni Demus.

"Naga-annouce ako ng mga program na inihanda ng student council para sa Valentine's Day next week." Namilog ang mga mata ni Collin.

"Wala ba klase?"

"I think wala," tugon ni Demus.

"Yes!"

"Pumasok kayo, lalo ka na Jury." Tumingin siya sa akin at ngumiti.

Huling klase namin ng hapon ng doon pa lang nagawi sa aming classroom ang mga miyembro ng University Student Government.

"Ma'am, may ia-annouce lang po," pangunguna ni Demus sa kaniyang mga kasamahan. Ang ilan ko naman na kaklase ay naghampasan na at nagtuksuhan. Sa aking tabi ay panay din ang tukso ni Collin kay Daniella na namumula na ang magkabilang pisngi hanggang sa tenga nito.

"Gwapong-gwapo kay Demus ah, may sira ba ang mga mata niyo?" Tumawa ako, habang si Daniella ay napangiwi.

"Hindi lang naman gwapo si Chairman. Kahit na nakilala nga natin siya sa pagiging babaero ay hindi naman natin maitatanggi na mabuti siyang tao, responsable."

"At saka natatandaan niyo ba, iyong minsan tayong ginabi dahil sa practice at nagkataon na may inasikaso siya kaya nakasabay natin siya? Hindi niya tayo iniwan hangga't hindi kayo nakakahanap ni Collin ng masasakyan pauwi sa inyo, dahil nagkataon din na nasa one week conference si Sir. Salazar." Nagtagal ang tingin namin sa isa't-isa ni Collin at sabay muli kaming napatingin kay Daniella.

"Demus, is really a miracle for you Daniella."

"Ha?" Mahina akong natawa.

"Sa tingin ko simula noon ay ngayon ka pa lang nagsasabi ng ganiyan kadami na salita ng sunod-sunod sa isang araw," sabi ko sa kaniya, napa-ngiti naman siya habang pinagmasdan ang pagpasok ni Chairman sa aming classroom kasama ang ilan pa sa mga student council.

"Hello guys! Siguro naman hindi na rin lingid sa kaalaman niyo na gaganapin na araw na ng mga puso sa susunod na linggo at buwan talaga ngayon ng pag-ibig." Matapos niyang itong sabihin ay lumingon siya sa aming banda, sumilay na naman ang palangiti na ekspresyon ng kaniyang mukha.

"The University Student Government, with the approval of our Dean, prepared various activities and programs. Sigurado na mage-enjoy kahit iyong mga walang jowa."

"True! Malay niyo next week niyo pa lang pala mahahanapan iyong forever niyo," pagsingit ng isa pa sa lalaki na kasamahan nila.

"So, ito na nga. We're here to inform you about the activities we are talking about. Next week we will be having very exciting school gimmicks with our Valentine's Day theme, Feb-Ibig, Amor Conquers All." Ipinatong ko ang aking mga braso sa ibabaw ng aking desk at naging interesado sa mga activities na tinutukoy nina Demus, dahil na rin sa theme nito.

"Next week will surely make you remember your highschool days. Within our University there will be a marriage booth, a photo booth, kissing booth, harana with surprise gift, jail booth and love letter."

"Wow! Excited na akong ikulong iyong crush ko."

"Sa wakas makakapagpakasal na kami ni Kuyang Engineering." Halos lahat ng aking mga kaklase ay naghalakhakan, may mga muntikan pa na malaglag mula sa kanilang pagkakaupo dahil sa sobrang pagtawa.

Against The Boundaries (NEUST Series #4) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon