Epilogue

731 7 0
                                    

I am a man full of dreams. I always wanted to succeed, to put my best future in my hand, because I know how cruel the reality is. You need to move, you should do something, because the world wasn't going to wait for you, it wasn't always going to work out like we always dreamed it would.

Kung gusto mo ang isang bagay hindi pwede na umasa ka lang sa pagbabakasali, kailangan mo sumugal, at kasabay nito ang katotohanan na kailangan mong may mas piliin at bitawan.

"Anak..."

"Magi-ingat ka," ito ang huling salita na ibinulong sa akin ng aking ama. Nang araw na iyon, yinakap ko siya ng mahigpit. Nang ihakbang ko palayo sa aking pamilya ang aking mga paa, ay doon ko natupad ang aking pangarap na makapagturo rin sa ibang bansa.

But when I heard the news, that my father had already died without me by his side, there I realized that contentment is not always about achieving your heart's desires, that family will always be more important than any dreams of mine. Kaya lang nangyari na, ang natapos na at naging parte ng nakaraan ay hindi pwede pa na mabago, kaya ang tanging nagawa ko ay dalhin ang pagsisisi sa pinalampas ko na  sandaling pagkakataon na pwede ko sana makasama pa ang ama ko bago ang mga huli niyang sandali. Dinala ko ang bigat ng araw-araw ng pagkainis sa aking sarili. I continue my life, while blaming myself.

"I'm still finding my eyeglasses," sambit ko. Napatigil naman ako ng yakapin niya ako mula sa akinh likod.

"Huwag mo ng hanapin, mas gwapo ka kaya kapag wala iyon." Sandali kong hinaplos ang mga braso niyang nakayakap sa akin, pagkatapos ay hinarap siya.

"Hmm. Totoo ba? Kaya naman pala sa tuwing hindi ko iyon sinusuot noon kapag klase ko sa inyo ay wagas ko kung makatitig sa akin." Napa-irap siya, ngunit hindi rin naman napigilan ang pagngiti.

"Ikaw nga riyan ay hindi makatingin sa akin palagi ng maayos kapag humuhugot ako, kasi kinikilig ka!" She put his arms on my nape while I put my hands on her waist. I look into her eyes that always seem to attract me and I find it so beautiful.

"Akala ko, hindi magiging tayo," bulong niya habang ako ay napangiti dahil iyon rin ang akala ko.

I always wanted something that goes with Professionalism, formal and serious and then she came. To all my admirers she's that girl who is always trying to destroy the boundaries I'm building, to protect my career, for me to avoid hurting someone even unintentionally.

As a teacher, I noticed that most of my students seem nervous everytime it's our class time, and I know the reasons behind that. So, I'm always aiming to mold their confidence, to do ways to make them avoid doubting themselves. And to all my students, she's one that I admired especially during recitations.

"Professor ka pala ni Jury, Sir! Kamusta naman ba sa klase mo iyong bata na iyon?" tanong ni Clifford.

"Magaling iyong anak mo, Sir!" Sa tuwing tinatanong siya sa akin ng kaniyang ama ay ito madalas ang aking sagot, dahil iyon naman ang katotohanan.

"Iyong si Jury talaga ay masipag mag-aral, hindi naman sa prine-pressure namin siya, pero iyon kasing Mommy niya malaki ang tiwala sa kaniya," pabulong pa na dadag ni Clifford. Napaisip naman ako, sa tingin ko naman ay tila normal lang kay Judith Ryca na maging aktibo sa klase, parang hindi naman pilit sa kaniya iyon, kaya naman nagulat ako ng isang araw, ang siyang isa sa inaasahan ko na makakasagot sa aking katanungan ay tumayo at sinabi sa akin na wala siyang ideya.

Nabigla ako, dahil hindi naman iyon ang pagkakakilala ko sa kaniya bilang aking estudyante, ngunit naintindihan ko rin naman kaagad ng makita ko ang post ni Clifford patungkol sa pagkamatay ng lola ni Judith Ryca at dahil na rin sa mensahe na natanggap ko sa kaniya.

Against The Boundaries (NEUST Series #4) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon