Chapter 29

320 4 0
                                    

"Mommy, Daddy, gusto ko po na magrent nalang ng apartment." Sabay silang nag-angat ng tingin sa akin, si Mommy ay naibaba pa ang hawak niyang kutsra.

"Hindi ba ay sabay naman kayo palaging umuuwi ng Dad mo?"

"Oo nga, Jury. Natatagalan ka na ba sa paghihintay sa akin?"

"No, Dad. Naisip ko lang kasi na mas makakabawas sa pagod kapag hindi na ako bumyahe, at saka paano naman po kami makakapagsabay na pumasok ni Daddy? Halos lahat ng subject ko ay pangtanghali."

"Hindi ba delikado iyan apo? May mga nababalita sa T.V na may mga napapasok na kwarto sa ganiya."

"Lolo, natitiyak ko naman po na ligtas iyong uupahan ko, huwag mo kayo mag-alala." Pagkatapos ko tumugon kay lolo ay muli ko itinuon ang aking paningin kina Daddy at Mommy na tila tahimik na nagu-usap sa kanilang tingin sa isa't-isa.

"Please, Dad, Mom?"

"Are you really sure about that? If ever na payagan ka namin ng Daddy mo, can you promise that you'll not make us feel worried? Hindi ka pupunta kung saan-saan?"

"Yes, Mom! I promised!" kaagad ko na sagot.

"Okay! But every friday night ay uuwi ka kasabay ng Daddy mo."

"I'll keep that in mind."

"How about you, Daddy?"

"Saan at aling apartment ang uupahan mo?" Bigla akong kinabahan.

"Doon po sa apartment malapit sa dorm ni Daniella."

"Wala ka makakasama na kakilala mo?"

"Ahm, si Collin po ay may plano. Kaya lang itatanong pa rin niya sa Mommy niya kung pwede siya."

"Dad?"

"Fine. Ngunit wala sana ako mabalitaan na hindi maganda, Jury ah?"

"Of course, Dad! Thank you!"

Patakbo ko na sinalubong si Collin at Daniella at ibinalita sa kanila na simula ngayon ay hindi na ako uwian.

"Nakakaasar naman! Si Mommy ay ayaw ako payagan, wala raw kasi magu-urong."

"Okay lang iyan, Collin. Mabuti na rin iyong medyo gumaspang iyong malambot mo na kamay."

"Oo tama," pagsakay ko sa panga-asar sa kaniya ni Collin.

"Kayo ah! At saka ikaw Jury, masiyado ka masaya palibhasa kasi ay mayse-seduce mo na si Sir. Espinoza."

"Hey!" Mabilis ko tinakpan ang bibig ni Collin.

"Ang ingay talaga ng bibig nito. Daniella, dali iyong panyo mo pahiram ako at tatalian ko itong bibig ni Collin, delikado na," pagbibiro ko. Pagkatapos naman paluin ni Collin ang aking pwetan ay tinakbuhan na kami nito at nauna ng pumasok sa loob ng classroom.

"Baliw talaga iyon!"

"Nagulat ka pa ba?" Nagtawanan kami ni Daniella at pumasok na din sa loob ng classroom.

That afternoon, during our class with him, I  really planned just to act normal. Unlike back then, I am always showing him my sweetest smile while he's discussing our lesson in front of our class, I'm always making different meanings to his simple words.

"Iba yata ang ihip kanina ng hangin?"

"Oo nga, pansin ko nga rin. May tahimik kanina dito." Huminto sila sa kanilang paglalakad kaya ganoon din ang aking ginawa.

"What?" natatawa na tanong ko sa kanila.

"Seriously, Jury? Are you still in your mind?" Humalakhak ako at hinampas pa sa balikat si Collin.

Against The Boundaries (NEUST Series #4) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon