Chapter 32

373 6 0
                                    

Nang ang sumunod na linggo ay kaagad akong sinalubong ni Collin at Daniella at hinila sa may gilid ng aming classroom.

"Bakit, nandiyan na ba iyong magbabantay sa atin sa exam?" Umiling sila.

"Kaloka ka girl, nabasa mo na ba?" Naguguluhan ko na tiningnan si Collin, inabot niya naman sa akin ang kaniyang cellphone at ipinakit ang ilang post sa akin ng NEUST Freedom Wall na Facebook page.

#NEUSTFreedomWall10672

Para ito kay Judith Ryca Salazar BSEd 3-H, pakihanap naman iyong hiya mo sa katawan girl, anak ka pa naman ng teacher tapos ang tinitira mo ay Professor ng COED. Aral din kapag may time huwag puro landi. Pigilan ang pagkaharot, hindi ka mau-uno.

Nangunot ang aking noo, may sunod pa sa akin ipinakita si Collin na siya rin naman binasa ko.

#NEUSTFreedomWall10675

Calling the attention of Sir. Aldren Espinoza, balik ka raw sa first year college kasi hindi yata naituro sa iyo ang code of ethics of a professional teacher, pati kasi estudyante pinapatulan mo. Minus 100 sa iyo Sir!

Napalunok ako, kaagad ko ibinalik ang cellphone kay Collin at pumasok na ako sa loob ng aming classroom, ngunit hindi pa man ako nakakarating sa aking silya ay nasa akin na halos lahat ang paningin ng aking mga kaklase.

"Jury, trending ka ngayon!"

"Jury, totoo ba?"

"Girl! Huwag ka papaapekto, buwan yata ngayon ng mga marites." Hindi na lang ako kumibo, pagkatapos naman ilapag ng dalawa ang gamit nila sa katabi ko na mga silya ay lumapit silang muli sa akin.

"Ano, ayos ka lang?"

"Oo naman! Issue lang naman iyan."

"Pero aminin mo, Jury. May katotohanan," bulong sa akin ni Collin.

"Kanina ng pagpasok namin sa COED, iyong usapan ng ilang mga estudyante sa hallway ay kayo, marami rin kami narinig na bulungan, maraming negatibo na kumakalat ngayon lalo na kay minion."

Nagsimula ang aming midterm examination, pinilit ko ang aking sarili na iwaksi muna sa aking isipan ang lahat para makapagfocus ako. Pagkatapos naman ng pagkatapos ng exam ay nakita ko ang text ni Daddy, ang sabi niya ay pupuntahan niya raw ako sa aking apartment at nang dumating nga ang hapon ay pinagbuksan ko siya ng pintuan para patuluyin.

"Jury, I know that you already know the issue. Kayo ang pinagu-usapan sa buong COED. Some of my co-teacher also asking me if it's true, kahit si Aldren ay hindi nila tinitigilan," ito ang bungad niya sa akin.

"Jury anak, you're into him right?" Hindi ako nakakibo, imwenestra naman niya ang kaniyang gilid, kaya umupo ako sa kaniyang tabi.

"Alam ko na nakausap ka na ng Mommy mo about dito." Nilaro ko ang aking mga daliri, tila ba may bukol ako sa gitna ng aking lalamunan.

"D-Dad, I think—"

"No, I am s-sure about my feelings. I l-love him." Nag-angat ako ng tingin at nakita ang pagkatulala niya.

"Wala naman batas na nagssabi na bawal umibig, Dad. "I know it's complicated, b-but can't we try?"

"But does he love you the same?" Unti-unti ko naitikom ang aking bibig.

Nang sumapit ang gabi, pagkatapos makaalis ni Daddy ay hindi na rin ako muling lumabas ng aking kwarto, hindi ko rin binalak pa na pumunta sa may rooftop dahil masiyadong magulo ang aking isipan.

Humiga akong muli sa aking kama, itinigil ko na ang aking pagre-review dahil wala na rin naman pumapasok sa aking isipan. Binuksan ko naman ang mga notifications na kanina pa sunod-sunod na nagpa-pop-up sa screen ng aking cellphone at halos malunod ako sa mga naka-tag sa akin ang ilan naman ay mentioned, ngunit hindi ko na lamang iyon pinansin, sa halip ay mas nagtuon ako ng aking atensyon sa mga nag-mentioned sa kaniya.

Aldren Espinoza Hala, Sir! Idol pa naman po kita sa pagtuturo.

Aldren Espinoza Unfair sa estudyante iyan, baka magkaroon ng special treatment iyong anak ni Sir. Clifford.

Pinatay ko ang aking cellphone at tinabunan ko ng unan ang aking mukha. Hindi ako mapakali, nalilito ako sa kung ano ang dapat na gawin kaya naman natagpuan ko ang aking sarili na tinawagan ang numero ni Tita Juliana.

"Hello, Jury?" matamis na tono ng kaniyang boses ang bumungad sa akin.

"Tita…"

"Oh, problemang pag-ibig?" Mahina aking tumawa at umupo mula sa aking pagkakahiga.

"Tita, if you're in my shoes? And there's that situation wherein you really love someone, yet everything seems to be against you, are you still going to fight for your love?"

"Of course, yes!"

"Especially when we both love each other," dagdag niya. Bumagsak ang aking tingin sa aking mga kamay. Kung ako ang tatanungin, hindi ko sigurado kung parehas kami ng nararamdaman, hindi ko pa rin naman kasi itinanong sa kaniya ng seryoso at diretsyahan kasi natatakot ako sa posibilidad.

"Kunwari nga Tita, parehas kami ng nararamdaman. Hindi pa ba ako susuko kahit na alam ko na ikakasira iyon ng mga mahal ko sa buhay, naikakasira niya iyon?" Dumaan ang katahimikan, tiningnan ko pa kung nawala na sa linya si Tita Juliana ngunit hindi naman.

"Hija, pwede ko masagot ang mga katanungan mo, pero at the end of the day, ikaw lang din kasi ang makakapagdesisyon kung alin sa tingin mo ang tama at makakabuti."

"Minsan kasi nagiging mali talaga ang pag-ibig, lalo na kapag mas nakakasakit na ito, because love should make us whole not into pieces, Jury."

Tinapos ko muna ang tatlong araw ng exam ng hindi kami nagkakaroon ng kahit anong pagu-usap ni Sir. Espinoza. Hindi ko alam kung galit siya sa akin, ngunit sa tingin ko ay normal lang naman talaga sa kaniya na hindi ako pansinin sa campus.

Nang dumating ang araw ng Biyernes ay nakiusap ako kay Daddy na sa Sabado na ako uuwi, dahil ipinangako ko sa aking sarili na ngayong gabi na ako aaminin, dahil gusto ko na harapin ang katotohanan.

Pagkatapos ko magluto at mailagay iyon ng mabuti sa isang tupperware na may nakadikit pa na pulang puso sa may pinakatakip nito ay kaagad kong tinakbo ang salamin sa may loob ng restroom at inayos ang aking sarili.

"Walang iyakan, Jury ah!" sambit ko pa sa aking sarili at kinuha na ang pagkain na sinadya kong iluto para pagsaluhan namin sa itaas ng rooftop. Bagama't may kaba ako na nararamdaman ay masigla ko pa rin tinungo ang palabas ng aking kwarto, ngunit saktong pagbukas ko ng pintuan ay ang pagbukas din ng pintuan ng kaniyang kwarto at doon ay lumabas siya at si Jewel.

Against The Boundaries (NEUST Series #4) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon