Chapter 16

343 4 0
                                    

I indeed enjoyed the first four days of University Meet. Those moments I've with my friends, classmates and COED Chairman during that event will always be my reason why I can consider my first year college the best one. It's something worth to treasure.

It's the last day of the University Meet, our section was sitting at the very top of the grandstand. While we are still waiting for some staff to arrange the things that are needed for the team dance competition, when my eyes hit the left side of the grandstand from a far I saw him. The wind whistle was warm, yet I felt the coldness on my palms, the tickle in my heart and the butterflies playing in my tummy.

Ang pag-ibig pala marami talagang surpresa. Kahit malayo siya kung nasa ako ngayon nakaupo ay tila ba lahat ng detalye sa kaniya ay malapit pa rin sa aking mga mata. He's just wearing a plain white shirt and a black pants, and the black sun glasses made him look more attractive.

"Si minion iyon hindi ba?"

"Oo si minion nga."

"Aba! Agila ka na pala ngayon Jury, in fairness ah, sa dami ng tao ngayon at sa layo ni minion ay nakita mo pa rin siya." Humalakhak si Collin, samantalang ako ay nangingiti habang nanatili pa rin ang tingin sa kung nasaan si Sir. Espinoza.

"Hindi rin naman kasi imposible Collin lalo na kung ano hinahanp talaga ng mga mata ni Jury ay si minion," saad naman ni Daniella.

Nag-umpisa ang team dance competition, at aminado ako na simula ng makita ko si Sir. ay hindi na nawala sa kaniya ang aking paningin, kaya naman alam ko rin kung saan siya umupo kasama ang mga co-teacher niya, sa bandang harap na siyang pabor sa akin dahil pwede ko pa rin siyang mapagmasdan.

"Iyong CICT pa lang iyong nagagalingan ko."

"Ako iyong San Isidro Campus ba iyon?"

"Ikaw, Jury?"

"H-Ha?" Umangat ang kaliwang kilay ni Collin.

"Iyong CICT din." Makahulugan ang kaniyang tingin ng iniwas niya iyon sa akin. Sandali ko naman na itinutok ang aking pansin sa mga sumasayaw, ngunit tila may isang magnet na humahatak sa akin para pagmasdan si Sir. Espinoza kahit pa bandang likod lamang nito ang aking nakikita at sa tuwing gagalaw lang siya ng kaunti at saka ko nakikita ang side view ng kaniyang mukha.

Mula dito ay nakita ko na inilabas niya ang kaniyang cellphone at tila nagtext doon, sumagi tuloy sa akin ang babae na may pangalan na Jewel na nakikita ko rin madalas sa Facebook timeline niya, kahit tila hindi naman niya iyon kapatid o pinsan.

Halos dumagundong ang buong grandstand ng muling mamayani at hiyawan at tilihan. Simple akong ngumiti, ngunit may parte sa aking damdamin na bahagyang nalungkot habang pinagmamasdan ko siya mula sa malayo.

He moves a bit, causing me to see the warm smile on his lips, and it makes me stare at the beautiful sunset that's now kissing the horizon.

Can we fall in love again and feel the emotions better than what we felt the first time we did? I think—no, yes we can.

Nakakalungkot nga lang isipin na natanggap ko ng tuluyan sa aking sarili na mas lumalalim pa ang paghanga ko para sa kaniya nang finals na namin ng first semester, ibig sabihin ilang buwan ko na lang din siyang magiging guro, kaya naman sa pamamagitan ng hindi direktang mga hugot at patama sa kaniya ay pabiro kong ilalahad ang nadarama ko para sa kaniya.

"Ipapublish mo na ulit iyong Facebook page mo?" tanong sa akin ni Daniella, habang pababa kami sa may hagdan, nanggaling kasi kami sa restroom para samahan umihi si Collin, dahil baka hindi na kami payagan mamaya sa klase ni Sir. Espinoza.

"Oo, para doon ko naman mailabas iyong mga saloobin ko." Umakbay sa akin si Collin habang ang kaniyang kamay ay tumatapik pa sa aking braso.

"Babaguhin mo iyong name ng page?"

"Hmm. Oo, gagawin kong..."

"Love in words."

"Tama iyan, Jury! Alam mo naman na supporters kami ni Daniella ng mga posted poetries mo. Excited na ulit ako magbasa!"

"Hulaan ko kung sino ang dahilan kung bakit ipapublish mo ulit."

"Kasi inlove ka na ng bongga kay Sir. Espinoza!" Napahinto ako sa aking paglalakad at mabilis kong tinakpan ang kaniyang bibig.

"Ang lakas ng boses mo. Halika na nga!" Hinala ko na ito sa kaniyang kamay, dahil baka mayroon pa makarinig sa kaniya. Pagdating naman sa aming classroom, wala pa sigurong isang minuto ay dumating na rin si Sir. Espinoza, bigla tuloy akong kinabahan, ini-isip na hindi kaya kasunod lang namin siya?

"Kindly prepare a ¼ sheet of paper, we will have a short quiz." Hindi namin inaasahan ang biglaan na pasabi ni Sir. Nang una pa nga ang akala namin ay nagbibiro lamang siya dahil mayroon mapaglaro na ngiti sa kaniyang labi, kaya naman kinuha ko agad ang libro sa loob ng aking bag at inilagay iyon sa bandang gitna para makapagreview din sina Collin.

"Ang lakas ng trip ni Sir," bulong sa aking ni Collin.

"Shh! Ang ingay mo, nakita mo na nga na nasa bandang likod natin si Sir," bulong ko sa kaniya pabalik. Napahimas naman ako sa aking sintido ng makig ang last topic namin, wala talaga akong nareview dito dahil ngayon lang naman sinabi sa amin na may short quiz kami.

"Kinakabahan na si Judith Ryca." Napa-angat ako ng aking tingin, at nilingon siya na nakatayo parin sa bandang likod kung saan ako nakaupo.

"Paanong hindi ako kakabahah, eh nandiyan ka Sir! Iyong puso ko tuloy parang nakasakay sa magic carpet ni Aladdin." Ang kaninang naglalaro na ngiti sa gilid ng kaniyang labi ay tuluyan na wala. Halos mapalakas pa ang aking pagtawa ng tila hangin na lang siyang naglakad papunta sa harapan ng aming classroom.

"Let's start the quiz."

"Loka ka Jury, hindi na tuloy tayo makakapagreview," problemado na sabi ni Collin ako naman ay mas lumapad pa ang ngiti, naaaliw akong pagmasdan si Sir. na ngayon ay hindi na makatingin ngayon dito sa aming gawi.

Araw ng Sabado ng magpasya kaming magkita-kita sa may SM Cabanatuan, dito kasi namin ice-celebrate ang birthday ni Daniella. Sinadya rin namin dalawa na mauna kasama si Chairman, dahil may napagusapan kami na plano para isurpresa siya.

"Just complement Daniella, Chairman. Like ganito…"

"Happy Birthday Daniella, you look more gorgeous today!" Napahimas si Demus sa kaniyang batok.

"Maganda naman si Daniella, hindi na natin kailangan ipaalala sa kaniya iyon." Mahina ko siya sinuntok, lumapit pa ako sa kaniya para mas maipaliwanag sa kaniya na dapat niya talaga kaming sundin ngayon.

"Gawin mo na lang kasi Demus. At saka ito…" Kinuha ko ang hawak na tatlong rosas ni Collin at inilagay iyon sa kamay ni Chairman.

"Ibibigay mo sa kaniya iyan, tapos kami na maga-abot ng mga regalo natin. Tiyak ako na matutuwa iyon! Just think, that'll be your responsibility for today." Nang matanggap ko na ang text ni Daniella na papasok na raw siya dito sa loob ay inihanda na namin ang aming sarili. At tama nga kami ni Collin, sa tingin namin ay napasaya talaga namin ni Daniella.

"Oh, lapit kayo dali. Picture tayo!" Inayo ko muna ang camera ng aking cellphone at sinet-up ito sa timer.

"Iyong mga ngiti niyo ah, kapag may hindi lumitaw na ipin diyan, mabilis tatanda." Natawa ako sa sinabi ni Collin. Hindi ko naman kaagad napindot ang camera ng tumayo mula sa kaniyang pagkakaupo si Demus na kanina ay nasa tabi ni Daniella at lumipat sa aking bandang likod.

"Pwet mo Chairman, na amoy ko na!"

"Mabango naman iyan, Collin." Mula sa screen ng aking cellphone ay nakita ko ang sandaling pag-iwas ng tingin ni Daniella, pansin ko rin ang pagkawala ng sigla sa kaniyang mga mata.

Against The Boundaries (NEUST Series #4) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon