Chapter 25

323 5 0
                                    

Sandali ko ipinikit ang mahapdi ko ng mga mata, at nang magmulat ako ay itinuon ko ang aking paningin sa mabituin na kalangitan. Naglakad ako malapit sa dulo ng rooftop nitong nirentahan ko na apartment. Kung tutuusin, kahit na malaki ang kasalanan sa akin ni Rio ay nahihiya pa rin ako sa ginawa ko na pag-utang sa kaniya kanina. Sinabi pa ka niya na sa kanila na lamang ako tumuloy kahit ngayong gabi ngunit mabilis akong tumanggi, hindi dahil sa wala akong tiwala sa kaniya, kun'di dahil alam ko na sila pa rin ni Vanessa.

Mula sa aking wallet ay kinuha ko ang isang family picture namin. Hanggang ngayon ay masama pa rin ang aking loob. Anak nila ako, ngunit bakit tila wala silang tiwala sa akin? Inalala ko ang mga pagkakataon kung saan kahit ano ang aking gawin ay palaging si Kuya Lionel ang kanilang napupuri. Tuwing nai-isip ko na para bang palagi ako naghahanap ng kanilang atensyon ay naaawa ako para sa aking sarili.

Malalim akong napabuntong-hininga hininga at pinahid ang panibagong luha na tumulo sa aking kanan na pisngi.

"Why does it seem like I always need to prove myself, Mom, Dad?"

Akala ko matatapos ang gabi na mag-isa ko lamang kikimkimin ang lahat ng sama ng loob, na tanging mga bituin lang ang makakita sa pagpatak ng aking mga luha, ngunit natigilan ako ng marinig ang isang pamilyar na boses, na siyang tila palaging may paraan para haplusin ang nangangamba ko na puso.

"You're here." Ramdam ko pa ang luha sa gilid ng aking mga mata ng lingunin ko siya mula sa kabilang gilid, habang ang kaniyang mga braso ay nakapatong sa may railings ng rooftop at ang kaniyang paningin ay nasa kalangitan.

"S-Sir. Espinoza?" hindi makapaniwala na tanong ko, hindi naman siya gumalaw mula sa kaniyang pagkakatayo.

"I called your Dad for some important matter, related to a seminar, yet he immediately ended the call. Nawawala ka raw, Judith Ryca." Napalunok ako, hindi ko natagalan pa ang tingin niya sa akin.

"You should go home. Naga-alala sa iyo ang magulang mo."

"Bakit ako uuwi? Hindi naman nila ako mahal, si Kuya Lionel lang. Puro mali ko lang ang nakikita nila." Nanatili akong nakasimangot.

"At the end of the day, Clifford and Xeilyn surely just want the best for you. Hindi ka dapat nagtatanim ng sama ng loob sa magulang mo. Their guidance should always matter, you shouldn't think that they don't love you." Tuluyan ko ng pinahid ang basa ko na pisngi at itinuon sa kaniya ang aking paningin.

"Sa tingin ko ay hindi mo ako naiintindihan, Sir."

"Hindi mo alam iyong pakiramdam na palagi mo naman ginagawa iyong best mo, pero parang kulang pa rin. Hindi ko alam kung kulang pa nga ba o sadyang hindi lang sila makuntento dahil pilit nila hinahanap sa akin iyong nakikita nila kay Kuya." Napahimas ako sa aking sintido, at unti-unti ay gumapang sa aking damdamin ang hiya.

"Sorry, Sir! Siguro na-turn-off ka na sa akin. Masama ba iyong ugali ko? Kasi naman ang sakit lang talaga, kasi walang tiwala sa akin iyo g magulang ko at iyong kaibigan ko naman na itinurin ko ng kapatid ay traydor pala." Matapos ko itong sabihin ay sandaling katahimikan ang dumaan, kaya naman katulad niya ay pinagmasdan ko nalang ang kalangitan at ang ilang tanaw na building, habang nanatili ang malaking pagitan sa amin.

"Sometimes it's really difficult to understand the way of parental love. May pagmamahal na hahayaan ka masaktan para mapagtanto mo kung ano iyong tama at dapat iwasan." Napaisip ako sa kaniyang sinabi.

"When I was a student, I didn't feel any pressure, because it's normal for me to do the things that make me happy. Kagaya ng pagsali sa mga iba't-ibang contest na mayroon ang school."

"It's just normal everytime I put so much effort to exceed in any academic performances, because I love collecting achievements and I hate defeats."

"Ganoon naman kasi ang gusto ng halos lahat ng magulang, kaya hindi ko maintindihan iyong magulang ko tuwing sinasabi nila kung bakit puro paga-aral nalang ang inaatupag ko."

"I'm always aiming for success. Halos buo ng buhay ko ay inilaan ko sa pagsusunog ng kilay, kaya lang sa pagtupad ko ng mga pangarap ko, nalimutan ko iyong mga tao na dahilan kung bakit gusto ko magtagumpay sa buhay."

"Umalis ako noon patungo sa Australia, kahit na ramdam ko ng hindi siya magtatagal. I choose my dreams over being with my father until his last breath." Kaagad akong napalingon sa kaniya dahil sa pagkabigla sa kaniyang mga sinabi.

"That's—" Humarap siya sa akin, kahit na walang ilaw dito sa itaas ay sapat lang ang liwanag na nanggagaling sa buwan para makita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata.

"I will not tell them that you're here. But tomorrow, you should go home."

"Sir—"

"Goodnight, Judith Ryca." Nilagpasan niya na ako at pinagmasdan ko na lamang ang kaniyang bandang likod hanggang sa mawala na siya sa aking paningin.

I was shocked, because I didn't even expect that he'd talk about his personal life. Teachers are really amazing, they look strong, even deep inside they're also carrying burdens. And after hearing those words, it makes me admire him more. Hindi ko akalain na iyong tao na madalas nagpapalakas ng loob ng kaniyang mga estudyante ay mayroon din pa lang dinadala na problema.

Somehow I felt special, at the same time there's an eagerness of knowing him more that blooms within me.

Malalim na ang gabi, ngunit hindi pa rin ako makatulog, nagi-guilty ako sa aking ginawa na pag-alis sa amin, sana pala ay mas kinausap ko na lang sina Mommy ng mahinahon para hindi na kami umabot sa ganito.

Sa muling pagbaling ko ng higa sa kabilang parte ng kama ay naramdaman ko ang pagvibrate ng aking cellphone na ilang minuto pa lang ang nakalipas simula ng magdesisyon ako i-turn-on muli.

Nang kuhanin ko ito ay nakita ko na si Daddy ang tumatawag. Sandali pa muna akong napatitig doon, ngunit nagpasya na rin ako na sagutin ito matapos ko maalala ang pagu-usap namin kanina ni Sir. Espinoza, ngunit hindi ko inaasahan ang naga-alala na boses na siyang bumagad sa akin.

"Thank God! Jury, I am sorry anak, n-nasaan ka? P-Please, sweetie…Go home." Napatayo ako mula sa aking pagkakahiga ng mahimigan ko ang umiiyak na boses ni Mommy.

"Mahal, please calm down." Narinig ko rin ang boses ni Daddy, marahil ay makatabi sila ngayon.

"Mo—"

"Please, I-I'm sorry. Naga-alala na ako sa iyo sobra! Umuwi ka na."

"You know I love you, Jury. And I'm very sorry if I made you feel that I hate all the things that you're doing. B-Butsweetie...I am actually so proud of you. You're my only daughter, and I-I can't afford to lose you. Patawarin mo na si Mommy, o-okay?" Sinubukan ko muli magsalita, ngunit natigilan din ako kaaagad.

"Please, tell us. Where are you right now? Susunduin ka namin."

"Mommy, I'm safe. S-Stop crying." Wala pa man isang minuto ng ang boses na ni Daddy ang aking narinig sa linya.

"Jury, tell me. Nasaan ka anak?"

"Hey, hardheaded! Bumabaha na ng luha dito, kahit si lolo ay hindi makatulog kaya umuwi ka na." Nagulat din ako ng marinig ang boses ni Kuya. Napangiti ako, at napaluha rin. I don't need any proof, I don't need to see them right now just to prove that my parent, my family love me so much, because by hearing their tone of voice, I realized that they care for me so much.

"I'm sorry po…" Hindi ko maiwasan na mapahagulgol. I felt so guilty.

Nagka-ayos din kami, matapos ko sabihin sa kanila kung nasaan ako ay minabuti ko na sabihin sa kanila na kinabukasan na lamang din ako uuwi, ngunit marahil wala ngang magulang na makakatiis sa kaniyang anak, dahil sa gabi rin na iyon ay nagulat ako na sa pagbukas ko ng pintuan ng dorm ay yakap nila ang sasalubong sa akin.

Mostly, we as a daughter or son of our parents don't understand them. We keep on complaining how manipulative they are, how they always push us to the things we actually don't want and can't. But then, when you hear their cry, their words of love and how much they value you, you will realize that they're just doing what's the best for you. Para ilayo ka sa kapahamakan, para gawin ka matatag at para hindi ka na masaktan pa ng paulit-ulit.

Against The Boundaries (NEUST Series #4) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon