Chapter 22

308 4 0
                                    

I still have the courage to laugh a little, but then when I remembered how he looked at me and what were the words he said normally, it felt like a knife destined to make my heart into pain.

"Seriously? Anak?" Hindi ko pa makapaniwala na bulong sa aking sarili. Kasabay ng pagharap ko sa kung saan siya dumaan ay doon naman nagtama ang paningin namin ni Demus na hawak ang isang katamtaman na laki ng puso at isang pulang rosas.

"It's him? Sir. Aldren Espinoza?" Naging mabagal ang pagkurap ng aking mga mata, napalunok ako. Kung sa iba ay hindi malinaw ang kaniyang biglaan na mga katanungan, para sa akin ay naiintindihan ko na kaagad ang kaniyang ibig sabihin.

"He's the minion you and your friends mostly talk about?" Mahina siyang tumawa, kaagad naman akong lumapit sa kaniya.

"Huwag ka maingay, Chairman! Oo na, hindi ko na ililihim." Sandali ko inilibot ang aking paningin, mabuti na lang talaga at wala naman ibang estudyante na malapit sa kung nasaan kami ngayon.

"Nakakahiya, narinig mo ba iyong pag-amin ko sa kaniya? Nakakainis nga, tinawag pa akong anak, mukha ba na iyon 'yung gusto ko, ang magiging tatay siya?" Natawa ako ngunit natigilan din ng tipid siyang ngumiti sa akin at iabot ang mga hawak niya.

"Para sa'yo, Jury. Happy Valentine's." Tinanggap ko iyon.

"Nice! Thank you dito, naibigay mo rin ba iyong para kina Collin? Si Daniella nga pala ay kanina ka pa hinahanap, kailangan niyong magkausap."

"I like you, Jury. I know you're aware of my feelings for you. You're special, you're not just like Daniella or Collin." Napatitig ako sa kaniya, kasabay ng pagdaan sa aking isipan ng mga salita na sinabi kanina ni Sir.Espinoza.

"Nako! Chairman naman sinabi ko na sa iyo da—"

"Why, Jury? Is it because Daniella likes me? Kaya ba hindi pwede o talagang ayaw mo lang talaga sa akin dahil si Sir. Espinoza?"

"Demus, alam mo kasi hindi talaga ako ang para sa iyo. At saka, ang sabi nga ni Sir. iba ang paghanga sa pag-ibig."

"Then what if I tell you that it's not a kind of admiration anymore? Paano kung mahal na nga kita?" Nanliit ang aking mga mata, natawa ako at nahampas pa siya sa kaniyang braso.

"Sige nga Chairman, paano mo naman nasabi na mahal mo ako?" Humakbang siya palapit sa akin at hinawakan ang aking magkabilang braso.

"Hindi ako sumusugal sa isang tao na alam kong hindi mahalaga sa puso ko." Malalim siya napa-buntong-hininga.

"Binago mo ako," dagdag niya pa. At alam ko na seryoso siya, sa paraan ng pagtingin niya sa akin. Napayuko ako sandali, bago tuluyang salubungin muli ang kaniyang tingin.

"Demus, hindi kita binago. Naniniwala ako na ang mismong sarili mo ang nagpatino sa iyo. Mabait ka na kaibigan, maalaga, maaasahan, pero uulitin ko, hindi ako ang para sa iyo, marami ang iba diyan, tumingin ka sa paligid mo at malay mo mapagtanto mo na iyon pala talaga iyong babae na kayang ibigay iyong pagmamahal na hinahanap mo sa akin."

"Kagaya ng lang ni Daniella."

"I like Daniella, as a friend. But I'm sorry Jury, hindi ko maibibigay ang higit pa doon dahil nakalaan na iyong parte ng puso ko para sa'yo."

"I'm actually busy right now. Hinahanap lang talaga kita para ibigay iyan. I already take a risk. I want you to be mine, so I did a move, and will still do everything to make you mine." Ngumiti siya sa akin at kinaway ang kaniyang kamay bilang paalam. Hindi na rin ako tumuloy pa sa food court ng COED dahil doon siya nagtungo. Nagulat naman ako ng makita si Daniella, bumagsak ang aking tingin sa kaniyang mga kamay na mahigpit na nakahawak sa gilid ng kaniyang suot na jogging pants.

Against The Boundaries (NEUST Series #4) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon