Chapter 17

347 5 0
                                    

Alas-dos ng tanghali ng mag-aya ng umuwi si Daniella, gusto pa naman sana namin na makasama siya ng matagal ngayong araw, ngunit sinabi niya na may pupuntahan pa rin sila ng kaniyang pamilya. Hindi naman na ako sumama pa ng mag-aya muna si Collin sa restroom bago kami bumyahe. Sinadya ko talaga na magpaiwan para makausap ko si Chairman.

"Mabuti at napasaya natin si Daniella!" masayang sambit niya, napahinto naman sa akin ang tingin niya ng matili lamang akong nakatitig sa kaniya.

"Hmm, may dumi ba sa mukha ko o sadyang masiyado lang akong gwapo sa paningin mo?" Naningkit ang aking mga mata.

"Psh! Confidence mo ah, umaapaw."

"Bakit hindi ba?" Tipid akong ngumiti, bumuntong-hininga pa ako ng malalim bago nagsalita.

"Demus, what Am I really to you?" Umawang ng bahagya ang kaniyang labi, tatawa lang sana siya ng magpatuloy ako sa aking pagsasalita.

"You said that you want a friendship between us, but it's in contrast from the way you act when you're with me." Hindi siya naka-imik, mahinang tumawa, sandali rin siyang yumuko ngunit nag-angat din ng tingin sa akin.

"I know you're not stupid, Jury." Hinintay ko ang mga susunod pa niyang sasabihin. Tumindig siya sa kaniyang pagkakatayo kasabay ng pagpasok niya ng dalawa niyang kamay sa suot niyang palisade shorts.

"Yes, I want to be your friend but I'm hoping for us to be more than that." Mayroon parte sa akin na hindi na nabigla pa. Napahimas naman ako sa aking kabilang ulo, tila problemado, habang parang sa kaniya ay normal lang ang lahat.

"You need to stop liking me or hoping that we can be more than a friend, Demus."

"Hmm, why would I?" kalmado na tanong niya. Ibubuka ko na sana ang aking bibig ngunit natigilan ako, dahil alam ko na wala ako sa lugar para sabihin sa kaniya ang nararamdaman ni Daniella para sa kaniya.

"What's the reason to control myself from dreaming of you to be officially mine? I will not accept your reasons, if it's because of a little age gap, or just because you're study first person, since I know that you're already in a relationship back when you're in your highschool days. At wala pa naman sigurong bagong nagmamay-ari ng puso mo."

"Alam mo rin na wala akong pakialam kung magka-issue man ako kung sakaling liligawan kita." Napa-irap ako, ngunit nanatili na seryoso.

"My reason? That's a secret treasure, Demus. So, I will not tell you." Lumabas ang ngisi sa kaniyang labi, ang siyang madalas sinasabi ng ibang babae na siyang nakakaakit sa kaniya, ngunit para sa akin naman ay hindi. Nanatili akong nakatingin lang sa kaniya habang siya ay humakbang pa palapit sa akin at bahagyang yumuko upang magpantay ang aming mukha.

"Then, let me dig it."

"Wow! Masiyado ba mabilis ang pagbalik namin?" Itinulak ko siya palayo sa akin, sinubukan ko habulin ang mga mata ni Daniella ngunit hindi ko na nagawa dahil nauna na rin siya maglakad papunta sa exit ng mall.

"Daniella, wait!" paghabol ko at hinawakan agad siya sa kaniyang braso, dahilan upang  mapatigil siya.

"Iyong nakita mo, wala lang iyon ah?" Hinarap niya ako, nanibago naman ako sa klase ng pagtingin niya ngayon sa akin, tila walang emosyon ngunit kung tititigan na mabuti ay mayroon inggit na namumuo roon.

"Sa iyo wala, pero sa kaniya ay mayroon."

"Huwag ka mag-alala, loyal ako kay minion at saka hindi ko type si Demus. Gusto mo ba tulungan pa kita sa kaniya?" Inakbayan ko siya, ngunit marahan niya iyong inalis.

"Bakit Jury? Kinakaawaan mo ba ako?" Natigilan ako at napatitig sa kaniya, kahit na mahinahon naman ng kaniyang pagsasalita ay hindi naging maganda ang dating nito sa akin. Hiindi na rin naman ako nakapagsalita pa dahil naramdaman ko na rin ang presensya nina Chairman at Collin sa aking bandang likod.

Against The Boundaries (NEUST Series #4) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon