Chapter 30

343 6 0
                                    

It's the inspiration that can defeat academic stress.Mas mahirap na pala ang third year. But then to all the difficulties I have on writing term papers, on doing our thesis, and different requirements. And I'm glad that he's one of my motivations to overcome it. I felt the rest I'm praying for when we're having even a little conversation on the rooftop.

Nang una akala ko pa ay akala lang palagi ang magu-umpisa ng usapan, ngunit masaya ako dahil hinayaan niyang maramdaman ko rin ang pagiging masiyahan na tao ng isang Aldren Espinoza.

"Aldren, ano sekreto mo?"

"Sekreto?" Tumango ako.

"Oo, teacher ka pero may time ka pa talaga magmoment tuwing gabi dito? Ako magpupuyat na naman mamaya dahil sa dami ng term papers na gagawin ko, need pa namin maghanap ng RRL para sa thesis namin, sumabay pa iyong quiz namin bukas." He laughed, and it was a beautiful sound. It sounded more like music than a human's voice, maybe because it's just too often for me to hear that.

"Hangga't kaya ko ay tinatapos ko sa campus lahat ng gawain ko. Wala akong sinasayang na oras. Work time is for work, and rest time is for rest only." Humarap siya sa akin, bagay na tuwing ginagawa niya ay nasisiyahan ang aking damdamin, dahil pakiramdam ko ay hindi lang ako ang interesado na makipagusap sa kaniya.

"The ways for success are not a secret, because the key to reach your dreams and finish your goals is always to believe, to trust and do your best to make it happen." Matapos niya itong sabihin ay inayos niya ang kaniyang salamin sa mata.

"Aldren, saluhin mo!" Kunyari akong may ibinato sa kaniya, tinawanan ko siya ng tingnan niya kung may nahulog ba sa semento.

"Ang alin?" naguguluhan na tanong niya.

"Ito oh!" Ikinurba ko ang aking dalawang kamay para magmukha na puso at saka itinapat iyon sa kaniyang dibdib.

"Iyong puso ko, paano ba naman kasi paulit-ulit na nahuhulog sa iyo, basag na basag na kasi hindi mo sinasalo." I pouted my lips, trying my best to make me look adorable in his eyes and he chuckled at that and shook his head as he gave his full attention to me.

"What the use of your hands, Ms. Salazar?" he asked, sounding slightly amused, while I pouted my lips more and sighed.

"I'm older than you. You're my student and I am your Professor, your second parent." Hindi ko inilihis sa tingin niya ang aking mga mata.

"Jury..." Naging mabilis ang pagtibok ng aking puso, dahil ito ang unang pagkakataon na tinawag niya ako sa aking palayaw. Unti-unting lumawak ang aking ngiti ngunit napawi rin iyon dahil sa mga sumunod niyang sinabi.

"I'm willing to be your inspiration. Hanggang diyan lang. Sana ay maintindihan mo and hindi admiring is just normal feeling." Ngumiti siya sa akin, sa kabila naman ng kirot na naramdaman ay pinilit ko pa rin ipakita sa kaniya na hindi naman ako apektado.

"Talaga ba Aldren, sure ka na riyan? Titigan mo ako dali! Mas cute kaya ang mas bata!" Humalakhak ako at umusog palapit sa kaniya ngunit napapikit ako ng gamit ang kaniyang hintuturo ay itinulak niya ang aking noo kaya napausog akong muli palayo sa kaniya.

"Come on, matulog na tayo." Kaagad ko siyang sinundan, napalingon pa siya muli sa akin ng mapatili ako.

"Sounds like we're already married." Naningkit ang kaniyang maliliit na mga mata sa akin.

"You're too loud. Tiyak ako na hindi ka kay Clifford nagmana." Tinakbo ko ang kaunting pagitan sa amin.

"Aldren..." Umihip ang bahagyang malamig na simoy ng hangin, kasabay ng pag-ayos niya ng salamin niya sa kaniyang mga mata.

"What's your ideal girl?"

"I don't have an ideal girl, Judith Ryca." Itinagilid ko ang aking ulo habang ang aking tingin ay nanatili lamang sa kaniya.

Against The Boundaries (NEUST Series #4) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon