Chapter 28

300 3 0
                                    

One week after my birthday, Collin called me with a shattered voice, telling me that Tita Caroline, Daniella's mother, was already gone.

"Sige na Jury, mauna ka ng pumasok sasabihin ko lang sa driver namin na pwede na muna siyang umuwi." Tumango ako kay Collin. Pansin ko na marami ang nakikiramay, para naman makadaan sa kanilang gitna ay kailangan kong yumuko, bilang respeto.

Nang makapasok na ako ng tuluyan sa loob ay doon ko naabutan si Daniella na malungkot na nakatitig sa kabaong ni Tita Caroline at ng mag-angat siya ng kaniyang ulo ay doon nagtama ang aming paningin. Nang saktong oras din na iyon ay tipid akong ngumiti, ibinukas ko ang aking mga braso, kasabay ng pagtulo ng luha sa kaniyang mga mata at tumakbo siya palapit sa akin para mayakap ako.

"J-Jury..." Napahagulgol siya at hindi ko maiwasan na yakapin siya ng mahigpit habang umiiyak na rin ako.

"I'm sorry, I'm so sorry..." Tinapik ko ang kaniyang likuran.

"I-I know you're already regretting what you've done. And I'm ready to forgive you now." Bumitaw kami sa pagkakayakap, habang kapwa umiiyak pa rin kami.

"I don't know what to say. N-Nahihiya ako sa iyo, sa inyo ni Collin. But I need you now. K-Kailan ko kayo, kasi parang hindi ko kaya." Muli siyang napaupo sa silya, madiin ko naman na hinawakan ang kaniyang mga kamay.

"I'm here, Daniella. I'll always be here for you, no matter what. Sorry kung natiis kita."

"Aww! Bakit hindi niyo ako hinihintay bago kayo umiyak?" Napalingon kami kay Collin na umiiyak na lumapit sa amin.

"So, ano? Ayos na kayo?" Tumango kami, at yinakap namin tatlo ang isa't-isa.

"Tiyak ako na masaya si Tita Caroline na makitang buo na ulit iyong pagkakaibigan natin."

During that summer our friendship reconciled. I've learned to accept Daniella as my friend again, we learned to forgive ourselves, all the mistakes that we unintentionally done. We start over again, like a fresh bloom of a flower, like those birds on the sky and together we will do our best to get our heart desires and reach our dreams without hurting each other again.

"Sira! Bakit ang aga mo naman kasi? Kami nga ni Daniella ay kakain pa lang ng tanghalian."

"Oo nga, ito oh! Kumain ka na ba Jury, baka naman nagugutom ka pa, saluhan mo muna kami." Napanguso ako at napahinto sa aking paglalakad sa kalagitnaan ng pathway. Inilinaw ko pa ang aking cellphone para makita ang mukha nila sa screen.

"Hulaan mo Daniella kung bakit maaga iyan." Uminom si Daniella ng tubig, pagkatapos ay mapang-asar na tumawa.

"Syempre, maliban sa first day ng klase natin ngayon, ay nagkataon pa na Monday iyong schedule ng klase sa atin ni Sir. Aldren!"

"Kapag ikaw talaga nasaktan ng bongga kakaasa riyan kay minion ay tatawanan ka lang naman nitong si Daniella."

"Sumabay ka ba sa Daddy mo?" Umiling ako.

"Nako! Kapag nalaman iyang kalokohan mo ni Tito Clifford lagot ka talaga, Jury! Matanda ka na baka mapalo ka pa ng sinturon."

"Bilisan niyo na nga lang kumain at excited na ako!" Humalakhak sila, at dahil sa tingin ko ay hindi sila titigil na pagtawanan ako ay pinatay ko na ang video call.

Itinabi ko ang aking cellphone sa loob ng aking bag. I took a deep sighed and smiled. The air was cool and refreshing, the sun shining down brightly as I continued to walk on the pathway through the COED Department.

"Nandiyan na si Sir. Espinoza!" Kumalabog ang aking puso, yinugyog naman nina Daniella at Collin ang aking magkabilang balikat.

I tried to act normal, but then when he passed by where I was sitting my heart continuously fluttered crazily.

Against The Boundaries (NEUST Series #4) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon