Chapter 18

329 4 0
                                    

It's another Tuesday in his class. Bago pa man magsimula ang reporting na mayroon kami sa panibagong topic namin sa Purposive Communication ay naghahagikgikan na ang aking mga kaklase, dahil sa cloud nine lang naman ang incentive na makukuha mamaya ng mga makakasagot sa kanilang mga nakahanda na katanungan.

"Sir. Can we start?" Pa-simple kong nilingon si Sir. Espinoza na sa bandang likod kung nasaan ang aking silya na naman nakapwesto, hawak ang green na notebook at ballpen niya.

"Yes," tugon nito.

"Correct!" Nang-inggit pa si Paulina sa kaniyang mga kaibigan, habang ang ilan naman ay panay ang pagsabi ng…

"Sana all!" Binigyan rin naman ni Ramson si Sir. ng chocolate.

"Jury, baka naman pwedeng turuan mo kami," bulong sa akin ni Collin.

"Makinig ka ng mayroon ka maisagot," pabulong na tugon ko naman sa kaniya at sumandal sa silya kung saan ako nakaupo.

"Do you want, Collin?" Napahinto ako sa pagbuklat ng libro na aking hawak ng marinig ang tanong na iyon ni Sir. para kay Collin.

"The chocolate Sir?" Napatingin na kami ni Daniella kay Collin.

"Yes."

"Of course, Sir! If ayaw mo Sir, sa akin na lang." Umawang ang aking bibig.

"Then you should answer at least one of reporter's question." Nagtama ang paningin namin ni Collin na hindi makangiti ng maayos, habang si Daniella naman ay napatakip sa kaniyang bibig, bahagyang yumuko at tumawa.

"How about you Jury, do you want?" Mabilis akong napalingon sa aking bandang likod at tiningnan ang hawak niyang cloud nine. Katulad ng dati ay ngumiti ako ng pagkatamis-tamis.

"No, Sir. I don't like sweets, but if you'll offer yourself, then I would like it." Bumagsak sa desk ang hawak niyang chocolate, dahil naman sa pagi-init ng aking magkabilang pisngi ay humarap na akong muli sa bandang pisara at nakinig na lang sa nagre-report.

"Kapag talaga ng face mo, Jury. Pahingi naman ako." Tinampal ko ng pabiro ang braso ni Collin.

Halos lahat ng aking mga kaklase ay ganado na sumagot. Kaniya-kaniya kasing paraan ang mga reporters kung paano nila magagawa na maging active kami sa pagsagot sa kanilang mga katanungan.

"The next question is, what is the difference between thinkers and feelers?" Dumaan ang isang minuto na walang nagtaas ng kamay, ako na sana ang sasagot ng tawagin na rin ni Ramson ang aking pangalan.

"Ikaw Jury?" Tumayo naman ako mula sa aking pagkakaupo.

"The main difference between the two is, thinkers are driven by logic, while feelers considered mostly their feelings or other emotions before choosing their decision."

"Correct! Thanks Jury, here's your chocolate." Tinanggap ko iyon, ngunit kinuha naman agad sa aking kamay ni Collin.

"Iyong sinabi mo, you don't like sweets right?" Napangiwi ako at muli ng umupo.

"Pahingi ako," bulong naman ni Daniella.

Natapos ang reporting at ito na naman ang isa sa pinakagusto kong parte sa klase. Kung saan nasa harapan ng muli si Sir. Espinoza, maaari ko na naman siyang pagmasdan.

"Okay. So, we actually have 2 weeks left for this subject class." Ibinaba niya ang notebook na hawak sa may lamesa.

"Your final assessment will not going to be a paper-and pencil test 'no. Instead you'll perform a webinar and your topic will be given, of course by me."

"Just kindly group yourselves into five with six to eight members. Remember, that webinar will already serve as you final examination."

Habang panay na naman ang pagsasalita ni Collin tungkol naman sa kaniyang boyfriend ay nanatili akong tahimik hanggang sa makalabas na kami ng COED building.

Against The Boundaries (NEUST Series #4) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon