Prologue
Ang ganda ng sikat ng araw na pinapalibutan ng Columbus clouds. Low tide ngayon, mahinahon ang lake. Amoy na amoy sa buong kapaligiran ang simoy ng Summer heat.
Ang sikat ng araw ay tumatagos sa mga Vinta sa gitna ng lake. Ang ganda ng designs nilang lahat, kompletong kulay ng rainbow bawat isa. Parang tila umiilaw ang mga kulay dahil sa tagos ng ray ng sun sa mga ito. Nagkaroon tuloy ng mga artificial rainbows na nagre-reflect sa tubig.
Si Kulas, ay nakatingala sa langit, pinagmamasdan ito. Maayos naman ang itsura ng binata na ito. Gwapo pa nga siya. Hindi halata sa kanya na may brain damage siya na cause ng car accident when he was a kid, ten years ago. Nakasampa sa balikat niya ang alaga niyang monkey, si Sunshine. May dumaan na waitress sa harapan niya, sinundan niya ito sabay banat ng, "Hi Ariel, kamusta ka na? 'Di mo na ba ako natatandaan? Ako ang 'yong prince, si Kulas. 'Di ka na pala mermaid ngayon?" Tumawa siya na parang baboy pagkasabi niya nito.
Hindi talaga siya pinansin nang waitress kaya napalipat ang tingin niya sa may malayong lugar mula sa pwesto niya, sa pwesto ni Mayor Eduardo Fuentes.
"Sweetie, pwede ka magpa-party dito. Invite your friends," sabi ni Mayor Fuentes sa kanyang anak.
Feel na feel ni Mayor Fuentes ang paglalakad niya sa pure white sand sa shore na pagmamay-ari niyang Wakeboarders' Spot, isang hotel and resort. Kahit may edad na ay may asim pa ito. Ang hot niya tingnan sa kanyang unbuttoned white polo. May abs pa siya talaga. Naka-simpleng floral short siya at barefooted ang don.
Nakaakbay siya sa kanyang unica hija, si Emmanuelle. Dalagita pa lang ito pero malaking bulas at naka-bikini pa. Hindi naman niya masyadong idinisplay ang kanyang sexy young and innocent body kasi may scarf pa siyang yakap-yakap. Barefooted din siya.
"Really, daddy?" hindi makapaniwalang tanong ni Emmanuelle. Nagbigay pa siya ng isang napaka-sweet na kiss sa chicks ng kanyang daddy. Niyapos niya ng isang braso ang baywang nito.
"Of course, sweetie. Dapat ipinagmamalaki mo sa friends mo ang richness natin. From Fuentes Dynasty ka kaya dapat you're proud of everything you have. Wala na silang hahanapin pa sa'yo. You're perfect. Beautiful, rich, intelligent." Hinalikan ni Mayor ang daughter niya sa forehead nito. "I miss you so much, sweetie. Bakit kasi kinailangan mo pa mag-aral sa Manila? Dapat dito ka na lang sa Zamboanga. Me' sarili naman institute ang brother ko. Tutal, international naman halos mga professor do'n." Niyakap niya ng mahigpit ang balikat ng anak niya.
Nagpatuloy sila sa paglalakad at nadadaanan nila ang mga nagsa-sunbathing na guests ng resort nila. May mga foreigner, ang matcho at sexy nilang lahat. Naka-shades pa sila at feel talaga ang pag-inom ng juice drinks nila. May isang medyo panot na na foreigner, pinapahiran siya ng sunscreen lotion sa likod ng kanyang Filipina na girlfriend.
Sumasabay ang tyempo ng kilos nila sa tugtog ng isang live reggae band. Ang astig pa ng vocalist na babae, dreadlock ang hairstyle niya. Tagalog ang kanta nila at sinasabayan pa ito ng sayaw ng isang dance troupe. Ang sayaw ay Moro Dance. Parang nasa music video tuloy ang dating ng mga guests.
May ilang nagsi-swimming. Ang saya nila tingnan. May magbabarkadang teenagers ang nagkukulitan. May dalawang lalake na buhat-buhat ang kani-kanilang girlfriend sa balikat nila. Nagbabasaan ang dalawang babae.
May isang pamilya din na may dalawang batang maliliit na parehong babae. Rinig na rinig ang tawanan ng mga bata. Kinikiliti kasi sila ng parents nila.
May mga in mid-twenty's na limang lalake ang nagsi-swimming. Sila ang pinakamalalim ang pwesto compare sa iba dahil abot-leeg na nila ang tubig. Sumisid ang isa at sumunod pa iyong isa. Ang lakas din ng tawanan nila.
Ang layo na ng mag-daddy sa mga guests na nagsi-swimming. May privacy na rin sila at hindi na maiistorbo ng iba. Kaya agad bumitaw si Emmanuelle sa daddy niya at tumakbo nang papunta sa lake. Hindi na nga siya nakapag-paalam kay Mayor Fuentes.
"Where are you going?!" sigaw tuloy ni Mayor Fuentes sa anak pero hindi galit.
"Watch me swim!" sagot ng dalagita. Tumalikod pa siya sa kanyang tinatakbuhan at kinawayan ang kanyang daddy. Ang ganda ng pagkakangiti niya, puno ng happiness, just like everyone else.
Pinanood ni Mayor Fuentes ang anak. Nakangiti siyang pinagmamasdan ang kanyang baby na ngayon ay dalagita na. Sobrang mahal niya ang anak niya kaya spoiled niya ito sa lahat ng gusto nito. Unica hija, so syempre.
Careless na inilaglag na lang ni Emmanuelle kung saan ang kanyang scarf. Dahan-dahan siyang naglalakad at unti-unting lumulubog sa tubig. Ginagamit niyang pansagwan ang magkabila niyang kamay.
Ang linaw ng tubig. Naaaninag pa rin ang mga pebbles sa ilalim nito. Ang ume-echo na tugtog ng reggae music ay kulong ang tunog pagdating sa tubig. Unti-unting humihina ang music habang palalim ito. Mahinang splash ng mga hakbang ni Emmanuelle at kaunting pag-crash ng mga pebbles na natatapakan niya ang tanging maririnig sa ilalim. Kumakalat ang bula sa paligid ng paa niya.
Hanggang sa may baywang pa lang ni Emmanuelle ang taas ng tubig. Humarap siya sa pwesto ng daddy niya at nakitang nakatingin pa rin ito sa kanya. Kumaway siya at ginantihan din siya nito ng pagkaway. Sumensyas siya sa daddy niya para yayain ito na mag-swimming din.
"Ikaw na lang, sweetie!"
Todo yaya pa rin si Emmanuelle gamit ang pagkaway ng kamay niya.
Sa kakulitan ng anak, sumenyas na lang din si Mayor Fuentes just to say go on. Si Kulas with his pet ay nasa likod ni Mayor Fuentes at ginagaya ang pagkaway na ginagawa niya. Gayang-gaya ng binata ang kilos niya, pati ang reaction ng mukha niya.
Napatawa na lang si Emmanuelle kay Kulas, saka na rin sa daddy niya na walang malay sa ginagawa ng binata. Tumalikod na ulit siya sa daddy niya at nagpatuloy sa paglakad sa ilalim ng tubig. Sumalok lang muna siya ng tubig sabay binasa ang kanyang mukha. Ilang beses na rin niya iyong ginawa.
May something na dumaan sa may paanan niya. Pinadyak niya ang isang paa, sumilip ng kaunti sa ilalim ng tubig. Ang nakita niya ay ang malinaw na tubig at mga tiny rocks na natatapakan niya. Nagpatuloy siya sa pagbasa na ngayon ay sa buhok niya. Ang arte pa ng pag-sway niya sa buhok niyang hanggang baywang. Ang puti ng kili-kili niya, infairness, kapantay ng kulay ng buong katawan niya.
For the second time, naramdaman na naman niya ang something sa paanan niya. Magkabilang paa na ang pinapadyak niya. Paikot niyang tiningnan ang ilalim ng tubig pero wala siyang nakikitang creature dito.
Sa malayong part, patuloy pa rin ang pagtawa ng mga magbabarkada at ng isang pamilya. Busy ang mga audience ng raeggae band at Moro dancers. Sa sobrang busy nila, hindi nila napapansin ang nangyayari kay Emmanuelle. Todo tili siya at hawak nang hawak sa bandang binti niya. Unti-unti siyang lumulubog sa mababaw na parte ng lake na parang may humila sa kanyang kung ano. May dugo rin na galing sa kanya, ito ang dahilan ng paglabo ng tubig. Tuluyan na siyang lumubog sa tubig.
Pasuray-suray si Mayor Fuentes, hindi magawang makatakbo ng mabilis, medyo nanghihina sa kaganapan. Mangiyak-ngiyak siyang pumunta ng lake.
Sumunod si Kulas kay Mayor Fuentes, pero hindi siya lumubog sa lake.
Lumutang ang katawan ni Emmanuelle, at kusa itong iniahon ng pwersa ng lake sa shore. Wala na siyang buhay.
Masuka-suka si Kulas sa nakita. Ang alaga niyang si Sunshine ay tinatakpan ang sariling mga mata.
Napaluhod si Mayor Fuentes sa tabi ng kanyang anak. Hindi na niya napigilan. Bumigay na siya sa pag-iyak. Niyakap niya ang bangkay ng anak niya na hindi na makilala dahil nabalatan na ang buo nitong katawan. Ang binti nito halos kalansay na. "Emmanuelle!!!! Anong klaseng demons ang gumawa sa'yo nito?!"
BINABASA MO ANG
SUMMER'S STING
Mystery / ThrillerIt's summer time. Time to party and get wet. Show more flesh, go wild!!!!!! This will be the longest day ever. Prepare yourself for an extreme experience. Remember: Everything that kills man, makes him feel alive. Book Cover Credit: @roxyloca78910