Chapter 3

162 10 7
                                    

Chapter 3

Wala pa ring tigil sa pag-inom si Mayor Fuentes ng brandy. Pangalawang bote na ang inuubos niya. Bawat inom niya ay siya ring hithit sa sigarilyo niya. Nahihirapan na sa pagdilat ang mga mata niya, pinipilit lang niya. Pulang-pula ang mukha niya pero wala siyang tigil sa kakatagay para sa sarili niya.

Pinapanood niya ang video ng kanyang anak na si Emmanuelle noong ito ay eight months pa lang. This was the time na first time niya pa lang mare-elect as Mayor. Siya ang may hawak ng camera. Mas matcho siya nang time na ito. Syempre, hindi pa panot. Hindi kagaya ngayon na semi-kalbo na, panot pa.

Nagre-reflect ang sikat ng araw sa video and it shines like a diamond at the back of Emmanuelle's head. Para tuloy may halo ang baby.

Ni-zoom out ni young Mayor Fuentes ang camera at dito nakita ang wife niya na inaakay ang anak niya. Ang wife niya was a sexy young adult during this time. Ito ang last video niya before siya mamatay sa car accident. Ang car na ito ay ang unang nabili ni Mayor Fuentes mula sa unang perang ninakaw niya sa gobyerno.

"Com'on, baby. Kaya mo 'yan. Just walk," encourage ni Mayor Fuentes.

"Say hi to the camera, Emmanuelle," sabi nang mommy.

"Come to daddy." Inilalayo ni Mayor ang camera niya para sundan siya ng anak.

Ang cute ng tawa ng baby. Inaabot niya ang camera ni daddy gamit ang kanyang maliliit na mga kamay. Slowly, sinusubukan niyang gumawa ng isang step sa white sand. She looks scared to move forward.

"Oops!" Inilayo ni Mayor Fuentes ang camera. "Come and get me."

Inaalalayan si Emmanuelle ng mommy niya. "You can do it, Emmanuelle. I believe in you, sweetie," encourage ng young woman.

Although, hindi pa nakakapagsalita si baby Emmanuelle ay naiintidihan niya ang sinasabi ng kanyang parents. Kaya she took the courage to make her first step. Dahan-dahang inalis ng mommy niya ang hawak sa kanya. Isa pang step. Tapos, mag-isa na lang niya ay gumawa ulit siya ng one.. two.. three successful steps.

Pumalakpak ang mommy niya. "Yehey, you made it, sweetie."

Napayapos si Emmanuelle sa daddy after ma-out of balance.

"Kiss, daddy," sabi ni Mayor Fuentes.

Sumunod naman ang baby at binigyan niya ng isang matamis na halik ang daddy niya.

Binuhat ni Mayor Fuentes si Emmanuelle sa kabilang braso niya habang hawak pa rin ang camera sa kabila. Lumapit sa kanila ang wife niya, full of happiness sa kanyang mga ngiti. Yumakap ang babae sa kanya. Humarap sila lahat sa camera, full of happiness ang buong pamilya na kumakaway pa.

Hinawakan pa ng mommy ni Emmanuelle ang kamay niya para pakawayin din siya. Smile na smile ang baby at nag-beautiful eyes pa nga.

Ni-press na ni Mayor Fuentes ang off button ng remote control niya. Pinatay na niya sa kanyang ashtray ang kanyang cigarette. Tumahimik ang buong place. Ang ngiti sa mukha niya habang nanonood siya ay agad napawi pagkatapos ng video. Inubos niya ang lahat ng laman na brandy ng tagayan niyang baso.

Tumingin siya sa side table ng kama niya. Nakapatong doon ang may tig-isang frame na picture ng dalawang babaeng mahal niya, ng kanyang nasirang asawa at anak.

Pinilit niyang tumayo, pasuray-suray siyang naglakad para makuha ang picture ng dalagitang si Emmanuelle. Medyo pasuray-suray pa rin siya. He runs his finger around his daughter's innocent face. Hinalikan niya ang noon ni Emmanuelle. Slowly, nandidilim ang paningin ni Mayor Fuentes.

SUMMER'S STINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon