Chapter 9
Sanay na sanay na si Kulas sa pagtakbo, isa na siyang certified runner. Praktisado ba naman araw-araw sa pagtakas mula sa mga humahabol na mga security guards. Ang galing niyang iwasan na mabangga ang mga taong naglalakad sa may entrance. Ang ilan sa naglalakad ay sina Buds, at ang dalawa niyang chicks. Nakaakbay pa rin si Buds sa kanila.
"Cool! May shooting pala dito," react ni Buds sa eksena ni Kulas.
May dalawang mama na nagtutulungan sa pagbubuhat ng isang mahabang hagdan. Nakaharang sila sa dadaanan ni Kulas. Nag-bend ang binata ng kanyang katawan kaya nakadaan siya. Ang alaga niya, diretso lang ang pagdaan sa harang, syempre, maliit naman siya.
Nang ang mga security na ang dadaan, hinintay pa nila na makatabi ang mga may dala ng hagdan saka sila dumaan.
Ang laki tuloy ng inilayo ni Kulas mula sa mga humahabol sa kanya. Salamat sa hagdan.
Bumitaw si Sunshine sa amo niya at magkasalungat ang pinagtakbuhan nila. Hinabol siya ng isang security. Ang cute ng pagtakbo niya, parang baby. Tapos tumatawa pa siya. Lumusot siya sa ilalim ng upuan ng isang matabang matandang babae. Napasubsob sa babae ang security na humahabol sa kanya.
"Bastos!" sabi ng babae sabay suntok sa mukha ng security. Tulog si boy.
May isang batang, accidentally ay nabutas ang lalagyan na plastic ng kanyang mga holen. Bago pa bumagsak ang mga ito sa lupa, nakalampas na si Kulas dito. Ang isang security sa likod niya na todo habol pa rin, nadulas siya sa mga holen. Nahirapang tumayo ang humahabol. Kumapit pa sa balakang niya.
Nakita ng ibang security ang eksena nila kaya tumulong sila sa paghabol kay Kulas.
Tawa nang tawa si Kulas nang sandali siyang lumingon para tingnan ang humahabol. Bigla siyang nagtago sa isang lamesa sa may shore.
Ang isang security tumigil siya sa pagtakbo malapit sa lake.
"Party-party!" sigaw ni Kulas sa kanya. Itinulak niya ang security sa tubig.
Itinaas-taas ng monkey ang pareho niyang bisig dahil sa victory nilang nakamit. Nasa tabi siya ni Kulas. Tawa nang tawa.
**********
"Magche-check in kami," sabi ni Buds sa receptionist.
"Good morning, sir. Sige po," sagot ng receptionist at kinuha nito ang card niya. "Makiki-fill up lang po ng form." May inabot siyang form kay Buds.
Mabilis lang na sinagutan ni Buds ang form at ibinigay na sa receptionist.
"Sa Room number 207 po kayo sa second floor." Inabot ng receptionist ang susi ng room. "Thank you, sir. Have a great day."
"Have a great day din," sabi ni Buds na may kasama pang kindat.
Tumalikod si Buds sa receptionist habang nilalaro ang susi na ipanaiikut-ikot niya pa sa hintuturo ng daliri niya.
"Let's party. Get wild. Let's party. Get wild," kanta ni Buds sa sarili niyang tono.
Sumakay na silang tatlo sa elevator. Sila lang ang tao sa loob.
"One cheeseburger, please," biro ni Buds nang pinindot niya ang para sa emergency call na button.
Nagtawanan lang ang dalawang babae. Wala pa rin silang linya mula kanina, puro tawa lang talaga ang alam nila.
Nakarating na sila sa Room 207 at kaagad na sinabitan ni Buds ng Do not Disturb sign sa doorknob sa labas.
"TV," isang una at maikling salita ni Dina. Para siyang bata na tuwang-tuwa na nakakita ng television.
BINABASA MO ANG
SUMMER'S STING
Mystery / ThrillerIt's summer time. Time to party and get wet. Show more flesh, go wild!!!!!! This will be the longest day ever. Prepare yourself for an extreme experience. Remember: Everything that kills man, makes him feel alive. Book Cover Credit: @roxyloca78910