Chapter 15

42 5 0
                                    

Chapter 15

Ang layo na nina Buds, Dina at Georgia sa shore. Tumigil na sa pagkaway sa kanila ang couple na may-ari ng motorboat at diving suit na ninakaw nila. Parang wala ng katapusan ang kakatawa nila.

"Ang galing mo talaga, Buds!" sigaw ni Dina sa tainga ni Buds.

"Salamat! No problem!" sigaw din ni Buds sa tainga ni Dina.

Ang ingay kasi ng motor ng boat kaya kailangan pa nila magsigawan para magkarinigan.

"Stop n'yo nga muna 'yong motor! Ang ingay-ingay!" sabi ni Georgia.

Nagkusa na si Buds na patayin ang makina. Tumahimik na nga sa lugar.

"Ang tahimik naman. Music nga. Ang boring," reklamo naman ni Georgia.

"Ang gulo mo. Pinapatay mo 'yong machine kanina 'cause its noisy. Ngayon naman tahimik? What the hell?" comment ni Buds.

"Aya'ko nga ng sobrang ingay," sagot ni Georgia.

"E ba't sa show kanina?" tanong ni Buds.

"Iba 'yon, music 'yon. Ito motor, hindi music. Ang sakit sa te'nga."

"Kaya nga pinatay ko, 'di ba? Tapos sabi mo, tahimik. Sa'n na ba lulugar ang mga sounds sa'yo? Lahat me' violent reaction ka."

"H'wag 'yong sobra. Dapat 'yong sakto lang. Me' music kahit papa'no."

Hindi sumasali sa usapan si Dina. Kinuha niya ang cellphone ni Buds na nakasabit sa leeg nito. Nagba-browse siya ng song. May nakita siyang isa, pinatugtog niya ito. Nakisabay sa pagkanta.

What's wrong with my song?
Did I say something wrong?
The neighbor's getting mad
The dog is howling loud
Maybe, I have to go before they come and get me

Tumigil sa pagtatalo sina Buds at Georgia, kumanta na rin sila.

I just do what I feel like doing
And it makes me go on when I'm feeling down
It accompanied me when I'm alone
I mean, the music that the parents hate

Tama, ang title ng kanta ay The Music that the Parents Hate. May kanya-kanya ulit silang tono sa pagkanta. Walang sumasakto sa kanila kahit isa.

I know what others are about to say
It is nonsense and it is noisy
But these songs help me to recover from all the pain

I just do what I feel like doing
And it makes me go on when I'm feeling down
It accompanied me when I'm alone
I mean..

Biglang ni-close ni Dina ang music.

"I mean the.." Naputol ang pagkanta ni Buds. "O, bakit mo pinatay? Kumakanta 'ko e," reklamo niya.

"Wala ka bang love song dito?" Nagba-browse si Dina ng ibang kanta sa cellphone ni Buds.

"Wala. Ang corny naman no'n," sagot ni Buds.

"Corny sa'yo ang love?"

"Tsss.. Walang kwenta 'yon."

"Hindi ka pa ba nagkakaro'n ng serious relationship in your whole life?"

"Aba, me'ron sana."

"Sana?"

"Oo. Serious ako. Pero 'yong girl, she was not. She broke up with me dahil nagpa-tattoo ako ng Jellyfish Sting. Tsss.."

"Iyon lang ba talaga ang reason? Baka me' iba pa. Ang babaw naman kasi kung 'yon lang."

Naging serious na ang ambiance nina Buds sa unang pagkakataon na magkakasama sila. Isang himala pero nangyari na nga.

SUMMER'S STINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon