Chapter 5
"Help! Help!" Naghi-hysterical si Tiffany. Ang daming splash ng tubig sa kagagawan niya.
"Relax ka lang. Langoy ka lang palapit dito sa pathway," suggestion ni Caleb.
"I can't! My ankle is hurt!" sigaw ni Tiffany.
"Relax ka lang. Lulubog ka. Grab my hand." Sobrang stretch na ang kamay ni Caleb para maabot si Tiffany.
Wala nang mga tao sa pathway kasi tapos na ang oras ng registration. Sila na lang dalawa ang naiwan doon. Puro mga nanonood na ng show ang mga tao. Kaya wala silang ibang mahihingan ng tulong kung hindi ang sarili nila.
Effort na ang pag-abot ni Tiffany sa kamay ni Caleb pero bitin pa rin ito.
Ang mga jellyfish, naglalanguyan na sila! Mga nasa twenty ang bilang nilang lahat. Naka-formation ang pwesto nila. Sobrang bilis na halos hindi na mahabol ng tingin. Natatanaw na nila ang paa ni Tiffany.
"I really can't!" sigaw ni Tiffany. Lalo siyang lumalayo sa pathway. Hindi pa rin siya tumitigil sa pagpapagaspas ng mga kamay niya.
Ini-slide ni Caleb ang wakeboard niya papunta sa dulo ng pathway, sa may shore. Ang galing ng pagkaka-slide niya kasi hindi ito nadulas sa papuntang tubig. Diretso lang ang slide nito.
Tumalon si Caleb sa lake. Ayaw sana niya tumalon kasi mahirap umakyat ng buhat niya si Tiffany. May kataasan din kasi ang pathway. Pero naisip niya na malapit na naman ang shore . Ang balak na lang niya ay lalangoy siya habang akay-akay si Tiffany papunta sa shore. Magandang idea iyon kung walang creature sa ilalim ng tubig na gustong umatake sa kanila, ang kaso, mayroon.
"I got you," sabi ni Caleb. Pinaakbay niya si Tiffany sa kanya habang lumalangoy siya gamit ang isa niyang kamay.
Tumigil si Tiffany sa paghi-hysterical. Pero hindi nagtagal iyon.
"Ouch!" Sa pagkakasigaw ni Tiffany parang may kumagat sa kanya na kung anong hayop.
"Bakit?"
"My foot." Paa pa rin pala ni Tiffany ang idinadaing niya.
"I'm sorry. Kaya mo 'yan. Malapit na tayo."
Malapit na talaga sila at nakaahon na sana kung hindi injured si Tiffany.
Ang mga jellyfish, nasa ilalim na sila nina Caleb! Ang iba ay kasabay na nilang lumalangoy. Hindi pa sila nito inaatake, parang nakikipaglaro muna ng habulan or something.
Kahit almost transparent, napansin ni Tiffany ang mga lumalangoy. "Jellyfish ba 'yon?" tanong niya.
"Ha? Parang ang dami naman."
"Oo nga. Is that possible?"
"Hindi ko rin alam. Bilisan pa natin."
Suddenly, nadulas ang braso ni Tiffany sa balikat ni Caleb. Nagkahiwalay pa sila. May kumapit na isang maliit na jellyfish sa mahaba niyang buhok. Pilit na kinakawag ni Tiffany ang ulo niya para maalis ang creature. Nakabitaw naman ito.
Binuhat na ni Caleb si Tiffany sa kanyang bisig paahon ng tubig. Napadapa na sila pareho. Pagkabangon nila ay tumingin kaagad sila sa tubig pero wala silang nakita ni isang creature.
May malamig na naramdaman si Tiffany na nakakapit sa braso niya. "Alisin mo!" Hindi siya tumitingin sa creature at basta niya lang ito pinapagpag ng isa pa niyang kamay.
"Ano 'yon?" Hinahanap ni Caleb ang creature pero nahihirapan siyang makita kasi malikot si Tiffany.
Nakita ni Caleb ang creature at hinawakan ito. "Don't worry. Tingnan mo."
BINABASA MO ANG
SUMMER'S STING
Mystery / ThrillerIt's summer time. Time to party and get wet. Show more flesh, go wild!!!!!! This will be the longest day ever. Prepare yourself for an extreme experience. Remember: Everything that kills man, makes him feel alive. Book Cover Credit: @roxyloca78910