Chapter 7
Habang abala sa kakatingin sina Mr. Romero at Mr. Olveda, ang mga Species Experts, sa mga wala ng balat at halos kalansay na mga bangkay ng tao, may parang nagmamasid sa kanila.
Ang mga nakamasid ay iba ang tingin sa mga divers. Hindi nila nakikita ang kompletong image ng dalawa. Tanging aura lang ng mga ito na nagkukulay pula ang nakikita nila. Sa paligid ng dalawa, ang lake ay kulay asul na. Unti-unti silang lumalapit sa mga balak nilang biktimahin.
May kung anong gumalaw sa may paanan ni Mr. Olveda. "Ano 'yon?"
"Wala naman. Wala akong nakikita. Napa-praning ka na naman." Napatawa si Mr. Romero.
"Baka nga."
"Nerbyoso ka na masyado. Tigilan mo na ang pagkakape."
"Hindi naman ako nagkakape," tanggi ni Mr. Olveda. "Ano 'yon?" banat niya at wagas pa makaturo sa likuran ni Mr. Romero.
"Ano na naman 'yon?" Ang tagal lumingon ni Mr. Romero pero todo pa rin sa kakaturo ang kanyang kasama. Natukso siyang lumingon sa wakas. "Mga box jellyfish! Alis na tayo dito!"
Tulala si Mr. Olveda kaya hindi siya makaalis sa kinatatayuan niya. Sinugod siya ng mga species. Pagsigaw lang ang kaya niyang gawin dahil sa pagka-shock sa mga nangyayari.
"Olveda!" Walang magawa si Mr. Romero. Sinubukan niyang panain ng arrowgun ang isang jellyfish pero dahil halos transparent nitong itsura, hindi niya ito naasintado. Ilang beses din niya sinubukan pero isa lang ang kanyang tinamaan, patay ito.
Kumapit ang mga jellyfish sa katawan ng biktima. Sa kaliwang binti niya, sa pagkalalake niya, dalawa sa magkabilang gilid niya at pinakahuli ay sa mukha niya. Natutunaw ang parte ng scuba diving suit niya kung saan nandoroon nakadikit ang mga species. Nagsipagsunod ang ibang species sa pag-atake sa kanya. Pumapalag-palag ang biktima habang tinutunaw ang balat niya ng sting ng mga jellyfish. Fast forward ang dating ng mga creatures sa bilis ng pagkilos nila. Halos hindi na maaninag ang itsura.
"Get out of there!" sigaw ni Mayor Fuentes sa monitor. Inaalog na niya ang laptop. "Holy shet! What the fvck?! Do something! Kill those demons!"
Sa totoo lang, wala namang paki-alam si Mayor Fuentes sa dalawang lalake. Bothered lang talaga siya sa resort niya. Ayaw niyang atakihin ng mga tinatawag niyang demons ang kanyang mga guests.
Tulala na rin si Bryan.
"Get in there!" sabi sa kanya ni Mayor Fuetnes.
"Ano po?" takot na tanong ni Bryan. Alam niyang ikamamatay niya ang pagsugod sa mga jellyfish.
"I'll give you a full scholarship. Just get in the water!" pamimilit ni Mayor Fuentes.
Ano nga namang gagawin ni Bryan sa full scholarship kung patay na siya?
Nang maubos na ang balat ni Mr. Olveda, lumantad na ang muscles sa katawan niya. Hindi na rin siya makilala. Ang maninipis na parte ng katawan, kagaya ng tainga, ilong, mga daliri sa kamay at sa paa, lahat iyon ay ubos, kasama ang buto. Pati nga eyeballs niya ay wala na rin. Kumalat ang dugo niya sa tubig. Ang mga jellyfish, iniwan na siya. Papunta naman kay Mr. Romero!
Pinagpapana ni Mr. Romero ang mga jellyfish, walang tinamaan. Sinusubukan niyang lumayo sa kanila, papunta sa light house. Pumana ulit siya. Natamaan niya ang isa, tyamba. Mas lalo na kasi niyang hindi makita ang mga creatures dahil sa dugong humalo sa tubig. Dugo ng kasamahan niya.
Ang hindi mabilang pa na natitira, inatake na siya sa binti. Ikinakawag niya ang kanyang binti. Nagsisisigaw siya sa hapdi na para bang sinusunog siya ng buhay.
Pilit niyang inaabot ang pana sa likuran niya. Pareho ng binti niya ang may nakakapit na creatures. "Lintik na armas 'to. Kulang lang sa budget?!"
Paikut-ikot siya. Isang paraan na lang ang naisip niya, kinuha niya ang isang granada na sarili niya lang dala. Binunot niya ito at nagsilbing pain ang sariling katawan. Nagsipagsabugan ang lahat ng mga jellyfish na umaatake sa kanya.Nagkalasug-lasog ang katawan ni Mr. Romero pati ng mga creatures.
Kaunti lang ang maririnig na ingay ng pagsabog mula sa shore. Nasa halos pinakailalim kasi ang naganap na pagsabog.
"Grabe talaga 'yang mga mangingisda na 'yan. Alam naman nilang bawal gumamit ng dinamita. Tsk.." sabi ng isang matabang babae na nakalusot sa fit niyang salbabida.
Sa light house, inihagis ni Mayor Fuentes ang kanyang sigarilyo sa labas ng bintana at nahulog ito sa lake. Nagwawala na siya. Inihagis niya ang laptop sa sahig, tinapaktapakan pa. Nagsisisigaw siya.
Si Bryan ay sobrang nasa sulok na ang pwesto. Nagugulat sa bawat bagsak na ginagawa ng hyper na si Mayor Fuentes.
"Palpak! Ang palpak n'yong lahat!" sigaw ni Mayor Fuentes sa hangin.
Ibinagsak niya ang pinto sa kanyang pag-walk out. Ang binata ay nagulat ulit. Sumunod naman ang dalawang bodyguard sa amo nila. Naiwan nang tuluyan ang binata nang mag-isa.
![](https://img.wattpad.com/cover/36321408-288-k946384.jpg)
BINABASA MO ANG
SUMMER'S STING
Mystery / ThrillerIt's summer time. Time to party and get wet. Show more flesh, go wild!!!!!! This will be the longest day ever. Prepare yourself for an extreme experience. Remember: Everything that kills man, makes him feel alive. Book Cover Credit: @roxyloca78910