Chapter 14
Ang walang kamalay-malay na sina Shawn Kim, Abet at Bon-bon, hindi pa rin alam na may nangyari na sa dalawa nilang ka-dude na sina Frank at Mark.
"Tingnan n'yo nga kung sumusunod pa sa'tin 'yong possess na 'yon," utos ni Shawn Kim.
"Hahaha.. Possess talaga. Wala na," sagot ni Abet.
Nakabalik na sila sa may malapit sa event area. Nakasalubong nila si Tiffany, kasama si Caleb.
Kumukulo ang dugo ni Shawn Kim. Nakita na niya kasi si Caleb. Pero sabay ngiti niya nang tumingin sa kanya ang kanyang younger sister.
"Kuya! Ang galing mo kanina," bati ni Tiffany kay Shawn Kim.
Ang mga wala talagang alam sa wakeboarding, hindi alam ni Tiffany na sumablay ang kapatid niya sa gusto nito sanang trick na gagawin kanina sa set.
"Thank you. Actually, I want to celebrate my victory in advance. Ikaw sana gusto ko isama, kung pwede ka." Sumilip ng tingin si Shawn Kim kay Caleb, tipong nagpaparamdam na gusto niyang lubayan nito ang kapatid niya.
"Sure, kuya. That's good. Think positive tayo dapat. Hope for the best," dugtong naman ng walang malay na si Tiffany sa pagpapanggap na mabait ang kapatid niya.
"Love mo talaga ako," sabi ni Shawn Kim sa kapatid niya.
"Sama ka, Caleb?" tanong ni Tiffany. Nasa grupo na siya ng kuya niya nakapwesto.
Tumingin ng masama si Shawn Kim kay Caleb. Tipong nagbabanta ito na huwag sumama sa kanila.
Si Caleb, nag-iisa, walang kagrupo. Nakaharap siya kina Shawn Kim. "I'm okay. Puntahan ko muna 'yong sister ko sandali."
"Okay. See you later," paalam ni Tiffany.
Tumalikod na ang grupo ni Shawn Kim kay Caleb, kasama nila si Tiffany. Si Shawn Kim, humarap ulit kay Caleb para bigyan ito ng pang-asar na tingin.
Walang reaksyon si Caleb na laban kay Shawn Kim. Sinundan lang niya ng tingin si Tiffany hanggang makalayo ito at ang tatlong boys. Bumalik siya sa room nila ni Penelope.
"Penelope?" tawag ni Caleb. Sinabayan niya pa ng pag-doorbell.
Walang sumasagot. Sinubukan niya sumilip sa lens, wala siyang makitang tao.
May isang room attendant sa papasok sa kabilang room, may tulak-tulak itong cart na may lamang mga towel, bedsheet at iba pa.
"Miss, makikibukas naman no'ng room ko. My sister left without telling me. Nasa loob pa pati ang phone ko."
Inilabas ng girl ang master key niya na nakakabukas sa lahat ng room sa hotel na iyon. Binuksan niya nga ang room nina Caleb.
"Thank you, miss," sabi ni Caleb.
Ngumiti at tumungo na parang bow ng paggalang ang girl sa kanya pero pasimple lang.
Pumasok na si Caleb sa room.
**********
Nasa dining area ng hotel sina Shawn Kim, Abet, Bon-bon pati na rin si Tiffany.
"Powder room lang ako," excuse ni Tiffany.
"Okay, take your time," sagot ni Shawn Kim.
"Patay na si Mark. Nakita ko s'ya sa may light house. Nilapa siya ng pating. Nakilala ko lang siya sa pendant niya. Samahan n'yo ko. Puntahan natin," malakas na sabi ng isang lalake. May kausap siyang tatlo pang lalake. Dumaan sila sa gilid ng table nina Shawn Kim.
BINABASA MO ANG
SUMMER'S STING
Mystery / ThrillerIt's summer time. Time to party and get wet. Show more flesh, go wild!!!!!! This will be the longest day ever. Prepare yourself for an extreme experience. Remember: Everything that kills man, makes him feel alive. Book Cover Credit: @roxyloca78910