Chapter 16
Bumalik na si Caleb sa spot kung saan iniwan siya ni Kulas. Inikot niya ang tingin sa paligid. Nagbabakasali na hindi pa nakakalayo ang binata.
"Nasa'n na ba s'ya?" pabulong na tanong ni Caleb sa sarili.
Kung kanina ang kapatid niyang si Penelope ang hinahanap niya, ngayon ay si Kulas naman. Hindi na matapos ang paghahanap niya ng tao. Kanina pa.
"Aaaaahhhh!!!!!" sigaw na galing sa boses ng lalake.
Napalingon si Caleb sa kanan na part. Si Kulas, nakita niyang tumatakbo. Ang bilis nito, papunta sa direction niya. Kasunod nito si Sunshine, ang monkey.
Dalawang security guards ang humahabol kina Kulas. Sila ulit iyong kanina. Ang noo nang isa may mini plaster, sa itaas ng kanang kilay. Iyong isa, sa ilong naman. May kalayuan pa sila kay Kulas.
"Help me!" sigaw ni Kulas nang makatapat siya kay Caleb. Diretso siya sa pagtakbo habang nagsasalita.
Nang ang monkey na ang nakadaan kay Caleb parang tila humihingi rin ito ng tulong sa kanya gamit ang sarili nitong language.
Kumuha ng timing si Caleb. Nang malapit na ang mga security tinanong niya ang isa. "Bakit n'yo s'ya hinahabol? Anong ginawa n'ya?"
Hindi siya pinansin ng naunang security.
"Naka-banned s'ya," sagot nang nahuhuling security. Narinig niya ang tanong ni Caleb.
"Teka, h'wag n'yo paalisin! Me' tatanong pa ako sa kanya!" pahabol na sabi ni Caleb sa security.
Hindi na siya tuluyang sinagot ng sino man sa tinatanong niya.
"Ano ba 'to? Kanina wrestling, tapos ngayon, marathon naman." Napailing lang si Caleb at sumunod na rin sa pagtakbo sa kanila.
Nadapa si Sunshine, gumawa siya ng sound para matawag ang amo niya. Lumingon si Kulas sa kanya.
"Sunshine, tayo na. You can do it," encourage ni Kulas.
May sugat si Sunshine sa paa. Nasugatan siya ng isang maliit na bato. May naiwan pa ngang dugo niya sa bato.
"Send back up!" tawag ng isang security sa radyo niya.
Kinarga ni Kulas si Sunshine sa likuran niya. Paiyak na ang alaga niya. Nagsimula na ulit siyang tumakbo, bumagal na dahil may buhat na siya ngayon. Ang lapit na ng mga security sa kanya.
"Huli ka!" Nakapitan ng isang security si Kulas sa braso nito.
Kinuha ng isa pang security si Sunshine. Naghi-hysterical ang monkey.
Bibigyan na ng isang suntok si Kulas nang security.
"Bitawan n'yo s'ya!" banta ni Caleb sabay suntok sa security na nakahawak kay Kulas.
Sumuray ang security. Pagkaharap niya kay Caleb, may bukol na rin siya sa itaas ng isa pang kilay niya. Kapantay ng bagong sugat niya ang may mini plaster nang nauna niyang bukol. Natanggal ang mini plaster sa una niyang sugat. Para na siyang may sungay.
Naglaban sina Caleb at ang security. Nagkakasalag sila ng suntok. Parehong hindi nila natatamaan ang isa't isa. Kinakailangan nang dayain ni Caleb ang kalaban. Tinuhod niya ang kalalakihan ng security. Namilipit ito sa sakit.
May biglang nag-ingay na malakas na whistle. May apat pa na security guards na paparating. Ang bilis ng takbo nila na papunta kina Caleb.
"Oh, man. Mapapasubo pa ako sa laban," sabi ni Caleb sa sarili.
BINABASA MO ANG
SUMMER'S STING
Mystery / ThrillerIt's summer time. Time to party and get wet. Show more flesh, go wild!!!!!! This will be the longest day ever. Prepare yourself for an extreme experience. Remember: Everything that kills man, makes him feel alive. Book Cover Credit: @roxyloca78910