Chapter 21

39 5 3
                                    

Chapter 21

"Hello, police station?" tanong ni Mayor Fuentes sa kausap niya sa telephone.

"Ano pong maitutulong namin sa inyo, sir?" sabi nang nasa kabilang line.

"This is Mayor Fuentes.."

Nagbago ang tono ng boses ng police, naging alive. "Mayor, magandang araw po. Ano pong.." Hindi na niya natapos ang sasabihin niya. Ni-interrupt na ni Mayor Fuentes.

"Aya'ko ng mahabang usapan pa. Magpadala kayo SWAT Team dito. Ninakaw ang towboat ko. Nasa lake s'ya ngayon. Hulihin n'yo s'ya bago pa s'ya makalayo."

"Yes, Mayor."

Ibinagsak ni Mayor Fuentes ang telephone dahil sa badtrip niya. Sinadya niyang tabigin ang telephone sa side table. Nahulog ito sahig.

**********

May tatlong lalake at isang babae ang naggu-groupie sa lake. Nakasakay sila sa isang Vinta. Naka-ready na ang pose nila nang biglang may tumabig sa boat nila. Ang lakas ng bangga sa kanila ng mga aliens na parang nagkorteng malaking kamao.

Bumaliktad ang Vinta. Nagsisigawan silang lahat. Pilit na lumalangoy papunta sa shore. Inabutan sila ng mga aliens, patay lahat.

"Boo! Continue the game! Bakit ang tagal? Nakakainip!" halu-halong reklamo ng mga guests sa event area. Puro nasa lake sila. Ipinaglalaban nila ang Wakeboarding Tournment na hindi maituloy dahil sa ninakaw nina Sandy ang towboat.

"Wait lang! Someone stole the towboat. Binabawi na 'yon sa kanila," explain ng emcee.

Nagsipagsisid ang mga aliens sa ilalim ng mga guests na nagrereklamo. Namimili sila ng paang aatakihin. Namimili ng binti na kakapitan ng kanilang venom, tutunawin na parang Tusino.

May isang lalake na sumisigaw. "Fvck that thief!" Inatake siya ng isang alien sa paa. Napasigaw siya sa sakit. Ang mga katabi niya ay inatake na rin.

May isang girl na guest, natunaw ang mukha. Lumutang ang bangkay niya papunta sa isang girl. Napatili ang girl dahil sa nakakadiring itsura ng bangkay.

Isa-isa silang naghi-hysterical sa tubig. Ang daming splash ng tubig. Naglulubugan sila. Humahalo sa tubig ang dugo nila.

"What the hell is goin' on?" bulong ng emcee na tulala na sa nakikita.

"The demons arrived," sabi ni Kulas, nasa may shore siya.

Paiyak ang mukha ni Sunshine sa tabi ng amo niya.

"Aaaaahhhh!!!!" Sigaw ng mga tao na naririnig sa window ni Mayor Fuentes.

"Anong ingay 'yon?" tanong ni Mayor Fuentes sa sarili. Sumilip siya sa bintana at nakita niya ang mga guests niyang inaatake ng mga alien. Nanlaki ang mga mata niya.

Pinagmamasdan ni Mayor Fuentes ang mga guests niya na ang bawat isa ay may katumbas na libong halaga. Nagiging mukhang Tusino bawat isa. Lulubog sila nang buhay, pagkatapos lulutang na halos skeleton na lang ang natira.

Si Kulas, may akay-akay siya na isang binata paputa sa may gitnang part ng white sand. May sugat ito sa baywang, lawlaw ang laman. Sumusunod lang sa kanya si Sunshine.

Ang ilan sa mga biktima ay ang mga sexy na paikut-ikot sa hotel kanina. Sa bigat ng boobs at butt nila, nahihirapan silang lumangoy nang mabilis. Naabutan tuloy sila ng mga aliens.

Nagsisipaglanguyan ang mga buhay pa papunta sa shore. Stampede ang mga remnant sa pag-uunahan.

Ang mga nakarating sa white sand, kompleto pa ang parte ng katawan nila pero duguan sila. Tumatakbo sila papunta sa hotel.

SUMMER'S STINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon