Chapter 12
Isang singit na lang, nakalabas na din si Frank. Nagba-vibrate ang cellphone niya. Tumatawag ang kanyang girlfriend, si Jenny.
"Honey-bebe?" sagot ni Frank.
"Na'san ka na? Kanina pa 'ko dito. What took you so long? Nakaka-badtrip talaga. Hurry up," dakdak ni Jenny sa kabilang line.
"Oo na. Papunta na 'ko. Where are you?"
"Sa'n pa? E 'di dito sa may Vinta. Hurry up. Para na 'ko tanga dito."
"Sige na. Bye na."
Hindi na sumagot si Jenny. Pinindot na niya ang end call.
Halos patakbo na ang lakad ni Frank. Natatanaw na niya ang girlfriend, kinawayan ito. Hindi naman sumagot ng pagkaway si Jenny, nakahalukipkip pa.
"Bakit ba kasi ang tagal mo? Sabi mo don't be late tapos you're not here pa pala," reklamo ni Jenny.
"Sori na. Sina Shawn Kim kasi ayaw ako paalisin."
"Sino ba si Shawn Kim sa'yo? Is he your boss? Swelduhan ka n'ya?"
"Friend ko naman si Shawn Kim. Kasali s'ya sa tournament. Natural lang na suportahan ko s'ya sa laban n'ya. Hindi ko naman alam na mabilis kang makakarating. Kasi sabi ko, eleven. Wala pa namang eleven."
"Because I want to. Saka, buti nga hindi masyado mainit. Aya'ko mangitim."
"Nag-beach ka pa," bulong ni Frank.
"Anong sabi mo?"
"Wala. Sabi ko maganda ka. Tayo na nga," pagsisinungaling ni Frank.
Pinauna ni Frank na sumakay si Jenny sa Vinta. Inakay ito ng bangkero. Sumunod siya pagkatapos.
Tumagos ang sikat ng araw sa Vinta. Parang tila umiilaw ang rainbow na design nito.
"Ang ganda," sabi ni Jenny. "Dali, picture-an mo ako," utos niya kay Frank. Iniabot niya ang cellphone niya sa isa.
"Sige." Itinapat ni Frank ang cellphone kay Jenny. Tumigil siya bigla, tiningnan ang cellphone.
"Bakit?"
"Lowbat na."
"Tsk.. 'Yong sa'yo na nga lang.
Ginamit nga ni Frank ang cellphone niya.
Ang arte ni Jenny sa mga poses niya. Feeling model. "Isama mo si kuya," patukoy niya sa bangkero.
Natawa naman ang mama pero nakingiti rin.
"Tayo naman dalawa. Puro ikaw lang ang me' souvenir," reklamo ni Frank.
"Wait lang. Ang atat mo." Lumapit si Jenny kay Frank na nakaupo. "Ikaw ang mag-picture."
Kinunan ni Frank ang sarili nila.
Tiningnan kaagad ni Jenny ang kuha. "Ang pangit. Madilim. Delete mo 'yan. Dito sa kabila."
Mula sa kanan, inilipat ni Frank ang angle.
Tiningnan ulit ito ni Jenny. "Okey na. One more."
Nag-kiss si Frank kay Jenny sa chicks nito sabay click.
"Iyong natakot," sabi ni Jenny.
Nagkunwari silang natatakot at isa na namang click ni Frank.
"Umiiyak," sabi pa ni Jenny. Isa ulit shot.
May nakita si Jenny na mga nagtatalunang isda sa lake.
Kinunan ni Frank ng ilang shot ang mga isda.
Tiningnan ni Jenny ang mga pictures. "Ang ganda. Pwedeng pang-cover photo," sabi niya.
Nakita ni Jenny ang picture nila ni Frank na naka-kiss ito. "Ang pangit nito. Delete ko."
"H'wag!" sigaw ni Frank. Inaagaw ang cellphone niya. Hindi niya naman mabawi. Ang galing ng girlfriend niya na iilag ang cellphone palayo sa kanya.
Biglang nag-shake ang Vinta.
"Ano 'yon, mama?" tanong ni Jenny.
Nabawi tuloy ni Frank ang cellphone niya sa pagtigil ni Jenny.
Tumingin ang mama sa tubig. Pati sila tumingin na rin.
"Na'san na 'yong mga fish?" tanong pa ulit ni Jenny.
Wala silang makita kung hindi ang reflection ng mukha nila.
Gumalaw ulit ang Vinta, mas malakas ito at mas matagal.
"Oh no! Anong nangyayari?!" hysterical ni Jenny.
Sumilip si Jenny sa tubig, may nakita siyang ilang jellyfish. "May something sa water. Mama, kumilos naman po kayo."
Yumuko ang mama para mas maaninag ang mga lumalangoy na species. Pero bigla siyang nadulas sa bangka at nahulog sa tubig.
Nagsisisigaw ang mama, tuluy-tuloy ang paglubog. Lumabo ang tubig dahil sa dugo ng mama.
"Umalis na tayo dito, Honey-bebe! Bilisan natin!" hysterical pa ni Jenny.
Kinuha ni Frank ang sagwan. Nagsimula na siyang sumagwan pero kumapit ang mga jellyfish sa sagwan. Pinalu-palo niya ang sagwan sa tubig.
"Alisin mo."
"Leave us alone!" sigaw ni Frank.
Umiikot ang napakaraming jellyfish sa ilalim ng Vinta nila. Parang tornado.
Kakahampas ni Frank ng sagwan sa tubig, may isang jellyfish na humagis sa loob ng bangka. Nagtatalon at nagtitili si Jenny. Lalong nag-shake ang sinasakyan nila.
"H'wag kang malikot! Tataob tayo!"
"Alisin mo 'yong ano!" Hindi na masabi ni Jenny ang name ng jellyfish sa sobrang tense.
"Teka lang!"
Hindi tumitigil si Jenny sa pagiging malikot. Kumapit sa binti niya ang jellyfish. Lalo siyang nag-hysterical at tumalon pa sa tubig.
"Honey-bebe!" sigaw ni Frank. Tumalon siya sa tubig para iligtas ang girlfriend. Medyo malayo siya sa girlfriend.
Kumapit ang ilang jellyfish sa binti ni Jenny. Tili ito nang tili. Naabot siya ni Frank. Inakay siya ng kanyang boyfriend pabalik ng Vinta. Nakasampa na siya sa bangka. Nakakapit pa rin ang isang jellyfish sa binti niya. Mula sa halos transparent na katawan ng jellyfish, naaninag ang binti niya na natunawan na ng balat.
Si Frank ay naiwan sa tubig. Naghi-hysterical na siya. Inatake siya ng mga jellyfish. "Hilahin mo ko!" utos niya sa girlfriend.
"Pa'no?!" Sinusubukan ni Jenny na iabot ang kamay niya kay Frank pero mas nangingibabaw ang sakit ng binti niyang kinakapitan pa rin ng jellyfish. At is pa, natatakot siya.
"Iyong sagwan!"
"I can't. May jellyfish pa." Imbes na kunin ni Jenny ang sagwan, lalo pa niyang inihagis sa tubig.
"Anong ginawa mo?.. Aray! Dalian mo!"
"Sorry! 'Di ko kaya!" Umiiyak na si Jenny.
"Please!" Nagkalat na rin ang dugo ni Frank sa tubig. Hinila niya ang bangka. Tumagilid ito hanggang tumaob.
Si Jenny, bumalik na naman sa tubig. Pareho na silang inaatake ng boyfriend niya. Ang laki ng bunganga niya sa kakasigaw. Biglang may isang jellyfish na nagpatikom ng bibig niya nang kumapit ito sa mukha niya. Lumubog siya sa tubig. Pati si Frank na halos bungo na ay lumubog na rin.
Naiwan ang Vinta na nakataob. Tahimik na.
BINABASA MO ANG
SUMMER'S STING
Mystery / ThrillerIt's summer time. Time to party and get wet. Show more flesh, go wild!!!!!! This will be the longest day ever. Prepare yourself for an extreme experience. Remember: Everything that kills man, makes him feel alive. Book Cover Credit: @roxyloca78910