Chapter 1
"Hoy, abante naman! Kanina pa kami dito!" sigaw ng isang lalake sa bintana ng kotse niya.
"Ano ba 'yan? Ang tagal naman," reklamo ng isang babae sa kabilang kotse.
Ang iba ay bumaba muna para silipin ang nangyayari sa unahan ng kalsada. Bumper to bumper na ang mga sasakyan. Halos hindi na umaabante. Nakakarindi ang kalye sa walang katapusan na busina ng mga sasakyan.
Sa medyo dulo ng kalsada, ang iba ay hindi na nagre-react sa traffic kasi abala sila sa panonood ng mga naka-bikini na chicks. Nasa isang Car Wash ang girls at nagpe-perform habang naglilinis ng kotse.
May isa pang lalake na inilusot ang sarili niya papalabas ng bintana ng kotse nila para lang magpapansin sa Car Wash Girls. Hinubad pa niya ang t-shirt niya para ipagyabang ang abs. Pinaikut-ikot niya ang kanyang t-shirt sa ere.
Si Caleb Zafra ay kasunod ng kotse nang lalake. Nakita niya ang ginagawang eksena at napatawa siya.
"H'wag na lang kaya tayo tumuloy," epal ni Penelope Zafra, younger sister ni Caleb.
"Malapit na tayo. Ngayon pa?" sagot ni Caleb.
"Malapit na nga, kuya. Matatapos ko na binabasa ko e," pilosopong sabi ni Penelope.
"Tigilan mo na 'yan. Mamaya na ulit yan," saway ni Caleb sa kapatid niya, "Sa bahay, 'yan lang din inaatupag mo. Try mo rin ang mga outdoor activities, socialize with people. Ano ba kasi 'yang binabasa mo?"
"Wattpad."
"What's Wattpad?"
"E-books."
"Then?"
"Then, it's about fan fiction, gangsters, romantic stories, cute leading men.." Kinikilig pa si Penelope sa pagke-kwento niya. "Try mo din magbasa minsan, kuya."
"Really? Maybe, next time," ngumiti na lang siya sa kapatid niya. Hindi kasi niya talaga hilig ang mga online activities like Facebook, Wattpad, even online games. Mas prefer niya ang real world kaysa sa cyberworld.
Umabante ang sasakyan sa unahan ni Caleb kaya naka-move forward siya nang kaunti. Nag-flying kiss ang mga Car Wash Girls sa lalakeng nagpakita sa kanila ng abs. Pati si Caleb na kasunod nang lalake ay binigyan din nila ng flying kiss. Nagbigay si Caleb sa kanila ng inosenteng tawa.
Nakarating din sila sa Wakeboarders' Spot. Sa labas na lang sila nag-parking kasi puno na rin talaga sa Parking Lot na exclusive for the guests of the said resort.
Kinuha na ni Caleb ang mga gamit nila sa luggage compartment ng kotse. Naibaba na niya pati ang wakeboard niya sa bubong ng kotse pero si Penelope, wala man lang nagbago sa pwesto nito.
"Tara na," pagyayaya ni Caleb.
"Just a sec, kuya. Selfie muna ako." Pagkalabas ni Penelope ng kotse ay kinuhanan niya ng picture ang kanyang sarili.
"Psss.." Ibinaba ni Caleb ang mabibigat niyang gamit. Hinintay muna matapos ang second na sinasabi ni Penelope.
"Okay, done." Binuhat ni Penelope ang bag niya na nasa kay Caleb "Groupie naman tayo, kuya."
"Bahala ka na nga d'yan. Maiwan ka na." In-alarm ni Caleb ang kotse at iiwan na ang kapatid niya.
"Kuya, wait!" Patakbo nang sumunod si Penelope sa kuya niya.
Ang daming nakakasalubong na mga sexy chicks si Caleb. Iba-ibang lahi ang ngumingiti sa kanya. Nginingitian niya rin sila.
Si Penelope, deadma lang siya sa mga tao sa paligid. Todo basa pa rin ng Wattpad. Nag-comment pa siya sa isang chapter at ang sabi niya:

BINABASA MO ANG
SUMMER'S STING
Misteri / ThrillerIt's summer time. Time to party and get wet. Show more flesh, go wild!!!!!! This will be the longest day ever. Prepare yourself for an extreme experience. Remember: Everything that kills man, makes him feel alive. Book Cover Credit: @roxyloca78910