Chapter 22
Mula sa pwesto ng motorboat ni Tiffany, papunta sa ilalim ng tubig ay may undisturbed na situation pa ito. Pero hindi sa mas malalim pang part.
Si Caleb, palingun-lingon siya sa paligid. Nakita niya ang hinahanap niyang spaceship. Lumiko siya papunta rito. Kagaya ng nangyari kina Buds at Dina kanina, pinagbuksan siya ng entrance. Pagkapasok niya ay sumara ng bigla ang pinto na daan palabas.
Tinitingnan niya ang bawat gilid niya, kaliwa at kanan. Hinahanap niya ang sinasabi ni Buds na maliit na red button. Ito raw kasi ang pinindot ni Dina kaya nagdatingan ang mga aliens.
May nakita siyang dalawang bukas na pinto. Sinipat niya ang sobrang layong dulo na part ng pathway. Sa kabila ay ganoon din. Sa may pinto ay pareho siyang may nakitang maliit na red button.
Sa observation niya, bawat entrance ay may red button. Parang pantawag talaga ito ng mga aliens, in case na may sudden attack.
Saktong naubusan siya ng tinitipid niyang oxygen. Huminga siya ng malalim at sinaid ang oxygen bago niya tuluyang hinubad ang tank. Dire-diretso siya sa paglangoy.
May nakita siyang cubicle, binuksan niya ang entrance nito. Pumasok siya kaagad at isinara ang pinto. Ni-check niya kung ito ang hinahanap niyang area na mala-captain's area. Dito kasi siya magtatago kapag padating na ang mga alien.
Nakita niya sa paligid ang maraming switch. May ginalaw siyang isa. Bumukas ang headlight. Sa katabi nito ay may malaking switch, nakataas ito. Ibinaba niya ito at ang malaking front glass sa harap niya ay sumara. Nahanap na niya ang emergency route.
Inikot niya ang paningin sa mga buttons. Namimili ng pipindutin. Hula-hula na lang. Pero, nagbago isip niya, pinindot na lang niya lahat. Gumalaw ang spaceship ng kaunti. Gumawa ito ng ingay, tumira ng missile. Ang pinaka-effective na napindot niya ay ang pampaalis ng tubig sa cubicle. Nakahinga na rin siya sa wakas.
Lumabas din ang isang hologram. Gawa ito sa mga pinindot niya. May mga taong pinapakita. May uploaded videos from Youtube, kumakanta habang tumutugtog ng gitara ang isang lalake. May street mob ng mga tao na sumasayaw. May pusang nagpa-piano. Hindi niya ito pinapansin. Naka-focus siya sa ibang napagalaw niya. Pero nang lumabas sa video ang mukha ni Mayor Fuentes, dito siya natigilan.
"Ako si Eduardo Fuentes, ang Mayor n'yo sa mahigit ng isang dekada. Ipinapangako ko na magiging mas maunlad at maganda ang ating probinsya. Dadami pa ang mga turistang bibisita sa atin. Kaya iboto n'yo akong muli sa darating na eleksyon. Ilagay lang sa balota ang aking pangalan, Eduardo Fuentes. Mabuhay!" sabi ng Mayor Fuentes sa kanyang video. May sub-title ng alien language sa ibaba ng video niya. Ang characters ng letters nila ay parang pinaghalong Arabic na parang Chinese.
Nagbago ang video, isang jellyfish. Ang dami nitong mata, twenty-four lahat.
"Wiii.. Wa-wa-wa.. Wo-wi-wu.. We-wi. Wooo!!!" matapang na sabi ng jellyfish.
May pinakitang sketch ng earth tapos may spaceship na papunta sa earth. Ang ilang bansa rito ay nagiging red ang kulay. Pakalat nang pakalat ang kulay red hanggang sa lahat ay color red na. Naka-close up ang mapa ng Philippines, mula Luzon hanggang Mindanao ay naging red ang kulay nito.
Habang pinapakita ang map ay patuloy sa Wawa o alien language ang nagsasalitang jellyfish.
Nawala ang hologram pagkatapos ng videos.
Sigurado na siya sa nakita niyang cubicle, masasabi niya na ito ang unahan ng ship. Huminga siya ng malalim bago lumabas. Pinigilan niya ang paghinga kasi may tubig pa rito pero unti-unting nawawala. Pinindot niya ang red button alert. Nagkulay red ang ilaw sa pathway kung saan nandoroon siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/36321408-288-k946384.jpg)
BINABASA MO ANG
SUMMER'S STING
Mystery / ThrillerIt's summer time. Time to party and get wet. Show more flesh, go wild!!!!!! This will be the longest day ever. Prepare yourself for an extreme experience. Remember: Everything that kills man, makes him feel alive. Book Cover Credit: @roxyloca78910