Chapter 2

183 10 6
                                    

Chapter 2

Nagse-search si Penelope ng bagong Romance na story sa Wattpad. Nasa hotlist siya naghahanap. Then, all of a sudden, may nakita siyang isang story na ang title ay Beyond Limits, tapos may subtitle ito na GxG story.

"What's GxG?" Penelope asked herself.

Binasa muna niya ang description:

Si Penelope Sanchez..

Naintriga pa siya lalo kasi katukayo niya iyong bida. And she reads on:

Penelope Sanchez goes beyond the limits of her feelings for her bestfriend, Eunice Lagar. She falls inlove with a girl like her..

Sobrang curious si Penelope kaya ni-browse lang muna niya iyong story. Looking for something na makakasagot ng curiosity niya. And there comes a chapter entitled, I Love You Too, Penelope.To be specific, nasa Chapter 23 na kaagad siya.

Penelope POV

"Ano ba kasing problema? Bakit di mo na ako pinapansin? Galit ka ba?"

Ano ba tong sinasabi ko? Lunok na lunok na ang pride ko dito. Hindi ko talaga sya ma-gets. Ang mga babae nga naman talaga napaka-moody. Teka, babae din ako.

"Wala. Umuwi ka na. Inaantok na ako."

So, ganun na lang yun? Wala. Wala lang? Di ako uuwi hanggat di nya sinasabi kung anong ano man ang meron. Babanatan ko na talaga tong babaeng to.

"Sige, patigasan pala ha.. Dito lang ako sa labas ng gate nyo."

Naku, tama ba yung sinabi ko? Waaaahhhh.. Sana wag umulan. Wala pa naman akong dalang payong.

Eunice sabihin mo na please para makauwi na ako. Takot ako sa ulan. Isa akong pusa. Pusang may pusong ligaw. Ouch! Ang sakit sa puso ng ginagawa mo.

"Bahala ka sa buhay mo."

Yan na nga ba sinasabi ko. Pano na to. San Pedro wag ka muna magbobowling. Wag munang kumulog. Paguwi ko na lang. Pede?

*Kuuulllloggggg...

Ayan na nga po!!!! Waaaahhh... Help...

Teka, nasan na kaya si Eunice? Ayun, parang umupo sa may bintana. Anino nya yun. Sigurado ako. Sinisilip nya ako.

Sinasabi ko na nga ba. Pakipot lang tong si Eunice. Lumabas ka na. Di pa ako umiinom ng Sodium Bicarbonate. Baka ako sipunin. Wawa naman me.

Eunice POV

Kamusta na kaya si Penelope sa labas? Sumilip ako sa bintana. Hindi naman nya siguro ako kita kasi sa kurtina. Tapos umupo pa ako sa sofa.

Nakaupo sya sa labas ng gate. Di pa rin sya umaalis.

*Kuuulllooooggg...

Jusko po Rudy. Wag munang uulan. Takot pa naman sa ulan tong pusa na to. Wisik wisik nga lang kung maligo sya. Di sya pede mabasa.

"Eunice, lumabas ka na jan! Usap tayo!" sigaw ni Penelope.

Ang ingay naman ng pusang to. Nakakahiya sa mga kapitbahay. Patawag ko na kaya ang tanod.

Ang dilim na ng langit. Umulan na nga po. Bakit ngayon pa?

*Silip

Basa na sya at mukhang giniginaw pa. Ang kulit nya kasi. Di pa ako handa na sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Naguguluhan pa ako. Pareho kaming babae.

*Silip

Di ko sya makita. Baka nahimatay na sya.

"Penelope?!" sigaw ko sa bintana. Di sya sumasagot. Kasalanan ko to. Dapat ako sisihin sa lahat. Dapat sinabi ko na sa kanya.

SUMMER'S STINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon