Chapter 13
"Dude! Ang galing ng ginawa mo! Idol talaga kita! You're the man!" support ni Abet sa friend niya.
"Bad trip!" sabi ni Shawn Kim. Hindi siya maka-move on sa sablay niyang Toeside 540 na trick.
"O, anong nangyayari sa'yo? 'Di ka ba satisfied?" tanong ni Bon-bon.
"Change topic. Me' meeting tayo. Dalian n'yo."
"Ano 'yon, dude?" tanong ni Abet.
Inakbayan ni Shawn Kim ang dalawang kaibigan at saka binulungan. "Sabotage natin si Caleb."
"How?" tanong ni Bon-bon.
"Kakausapin ko si Mark na naka-assign sa towboat. Guguluhin n'ya set ni Caleb sa next game."
"Maganda 'yang naisip mo, dude."
Nag-appearan silang tatlo.
Kakatapos lang mag-stunt ng isang participant sa competition. Bumaba sa towboat ng game ang rider nito, si Mark, naka-break. Nilapitan ito nina Shawn Kim.
"Mark!" tawag ni Shawn Kim sa lalake.
"Shawn Kim! Kamusta? Galing mo kanina, ah. Congrats! Ang laki ng improvement mo compare last time."
"Thanks, dude. Pwede ba tayo mag-usap?"
"Usap? Tungkol saan?"
"H'wag dito. Do'n naman sa may privacy." Umakbay pa si Shawn Kim kay Mark at ibinulong ang sinasabi nito.
"Bakla ka, dude! Grabe, rider ka pa naman," biro ni Mark sabay hawak nito sa pendant ng necklace niya. Naka-spell sa pendant ang letters na M-A-R-K.
"Adik. 'Di, 'no?"
"Joke lang, dude. Sa'n tayo?"
"Do'n." Tumuro si Shawn Kim sa medyo malayong kung saan man.
Lumarga na sila na kasama sina Abet at Bon-bon.
"Teka, nasa'n si Frank?" tanong ni Shawn Kim sa dalawa niyang friend.
"Malay," sagot ni Abet.
"I know! Tumakas 'yon. Kasama ng Honey-bebe n'ya."
"Under talaga 'yong lalakeng 'yon," sabi ni Shawn Kim.
Nagtawanan sila, pati na rin si Mark ay nakitawa.
Nakarating na rin sila sa itinuro ni Shawn Kim, malapit sa light house.
"Ano bang pag-uusapan natin, dude?" tanong ni Mark.
"Alam mo naman, dude. 'Di na rin naman tayo iba sa isa't isa. Kaya ayos lang sa'yo if I ask for some help."
"Ikaw pa, dude. Malakas ka sa'kin. Tropa tayo e."
"Kaya nga. That's good to hear. So, gusto mo ba ng raket?"
"Talaga, dude? Gusto ko 'yan. Kaya nga ako sumali sa committee ng tournament para me' extra money. Pan-tuition."
"Bibigyan kita ng raket. Pero sa isang condition."
"Ano 'yon?"
"Do you know Caleb Zafra?"
"S'ya pa? Sinong 'di nakakakilala sa kanya? S'ya ang Youtube sensation sa larangan ng Wakeboard."
"Ehem," sabi ni Bon-bon. Alam niyang natamaan doon si Shawn Kim na may inggit kay Caleb.
Tahimik lang si Abet. Gusto sana niya gatungan ang sinabi ni Mark kaya lang sa kanila kasi, si Shawn Kim lang ang pwedeng mang-asar at mam-bully. Si Shawn Kim kasi ang pinakamayabang at pinakamatalino at pinakamagaling sa.. kanilang apat nga lang.
BINABASA MO ANG
SUMMER'S STING
Misteri / ThrillerIt's summer time. Time to party and get wet. Show more flesh, go wild!!!!!! This will be the longest day ever. Prepare yourself for an extreme experience. Remember: Everything that kills man, makes him feel alive. Book Cover Credit: @roxyloca78910