Chapter 18

40 6 0
                                    

Chapter 18

Sina Tiffany at Shawn Kim, hindi pa rin sila tapos kumain ng lunch.

"Kuya, bakit hindi pa natin sinama si Caleb? I thought you're bestfriends?" tanong ni Tiffany.

"Pupuntahan n'ya daw kapatid n'ya. Sabi n'ya, 'di ba?" palusot ni Shawn Kim.

"Pwede naman natin s'ya samahan. Sunduin na rin natin si Pen-pen so we can have lunch together."

"That's a good idea. Hindi ko naisip e." Sumubo si Shawn Kim ng food niya.

"Do you have any misunderstanding? I mean, kayo ni Caleb. You seem aloof to each other."

Sa wakas, hindi pala manhid si Tiffany. Nararamdaman niya ang gap sa pagitan nina Shawn Kim at Caleb.

"How come you say that?" Ang multi-awarding na indenial mechanism ni Shawn Kim, hindi pa rin tumitigil sa pagbanat.

"Galit ka ba sa kanya?" Ayan! Diretsahan na ang tanong ni Tiffany. Tingnan natin kung makakalusot pa siya.

"No, I'm not," sagot ni Shawn Kim pero hindi siya nakatingin sa kapatid. Hindi effective ang charming ni Tiffany sa kuya niya.

"So, bakit hindi ka tumitingin sa mga mata ko? Kuya, it's been a long time. H'wag mong sabihin na nagseselos ka pa rin sa kanya dahil mas magaling s'ya sa'yo sa maraming bagay."

"Shu.." Napigilan ni Shawn Kim ang sarili niya. Sasabihin niya sana ang shut up sa kapatid niya. "C.R. lang ako," sabi na lang niya.

"Tapos ka na ba kumain?"

"Yup." Naglalakad na si Shawn Kim papuntang comfort room.

"Wait na lang kita sa lobby." Napansin kasi ni Tiffany na dumadami na ang pumapasok na tao para mag-lunch. Tapos na rin naman siya kumain. Halos sabay sila ng kuya niya natapos.

Ang bilis tumakbo nina Caleb at Kulas, galing sila sa elevator. Nasa lobby na sila kung saan naroroon din si Tiffany.

"Caleb? Sinong kasama mo?" tanong ni Tiffany.

Tumigil si Caleb sa tapat ni Tiffany. Si Kulas naman ay tuloy sa pagtakbo palabas, buhat-buhat si Sunshine.

Huminga muna si Caleb nang malalim. Magsasalita na siya nang nakita niyang padating na sina Dante at Raul, ang mga bodyguard ni Mayor Fuentes.

"M'ya ko na ike-kwento. We need to save our lives first," sabi ni Caleb. Hinila niya ang braso ni Tiffany.

"Wait lang," sabi ni Tiffany. Wala na siyang nagawa kaya tumakbo na rin siya.

Dumating na si Shawn Kim sa lobby, palingun-lingon sa paghahanap sa kapatid. Wala siyang malay na kasama na pala ni Tiffany si Caleb sa marathon.

May isang tree house, umakyat doon si Kulas. Gumawa ng ingay ang alaga niya. Sinenyasan niya na tumahimik ang monkey. Ginaya siya nito sa pagtakip ng hintuturo nito sa sariling bibig. Ang kulit lang. Sumilip siya sa ibaba para abangan si Caleb. Nang makita niya ito, sinitsitan niya ang binata.

Hindi tumitigil sina Caleb sa pagtakbo dahil hindi niya alam na para sa kanya ang sitsit.

"Caleb!" isang sigaw ni Kulas.

Huminto sa pagtakbo si Caleb. Hinahanap kung nasaan ang taong tumawag sa kanya.

"Up there," sabi ni Tiffany. Tumuro siya sa tree house.

Kaagad na umupo si Kulas para magtago.

Pinauna ni Caleb na paakyatin si Tiffany. Inakay niya pa ito sa ladder. Medyo mabagal ang pag-akyat ng girl. Padating na ang mga bodyguards. Malapit na silang makita. May isa pang akyatan na lubid, dito lumambitin si Caleb. Halos sabay silang nakarating sa itaas.

SUMMER'S STINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon