Chapter 23
Hingal na hingal na sina Caleb at Tiffany. Mukhang naubos nilang lahat ang alien.
"Iyon lang 'yon?" pagmamayabang ni Tiffany.
Napatawa si Caleb.
"Sa'n na tayo?" biglang tanong ni Sandy.
"Ibaba mo ako do'n sa towboat," sagot ni Caleb.
"Yes, sir!"
"Tapos, tumuloy ka na sa hospital. Penelope is getting worse."
Pinakinggan ni Tiffany ang heartbeat ni Penelope. "She's just sleeping."
Itinapat ni Sandy ang helicopter sa towboat nila kanina. Ibinaba niya ito ng sobrang lapit sa towboat kasi maikli na ang hagdan. "I'm getting' use to it," sabi niya pa. Tinutukoy niya ang pagma-manipulate ng helicopter.
Tatalon na si Caleb. Inawat lang siya ni Tiffany. "You're hand."
Nakalimutan na ni Caleb na nakaposas pa rin siya.
Kinapa ni Tiffany ang bulsa ng mga tulog na police. Sa pinakahuli niyang kinapaan, nandoon ang susi. Inuna niyang tanggalin ang kay Caleb. Sumunod siya, si Caleb ang nagtanggal nang sa kanya. Hanggang sa lahat na sila ay malaya na. Ikinabit ni Tiffany ang mga nakuha niyang posas sa mga tulog na police. May sobrang isang posas.
"Souvenir." Iniabot ni Tiffany ang posas kay Caleb.
"Bye, ingat kayo!" paalam niya kina Sandy. Tumalon na si Caleb sa towboat. Pinaandar na niya ito.
Wagas naman sa pagkaway si Tiffany, makapagba-bye lang sa mahal niyang si Caleb.
Binilisan ni Caleb ang pagda-drive. Tinodo niya ang speed. Kahit malapit na siya sa shore, hindi siya nagpreno.
Si Mayor Fuentes, patakbong naglalakad sa white sand. Dala-dala niya ang laptop at suitcase niya. Hinahakbangan ang mga nadadaanan niyang remnant na victims. Iyong iba, natapakan niya ang dissolve na binti. Nagsisisigaw ang kawawang guest.
"Sorry," tanging sabi ni Mayor Fuentes. Pero may natapakan siya uling ulo naman, halos bungo na lang. Sumigaw siya sa pagkadiri.
Paparating na si Caleb, papalapit kay Mayor Fuentes. Dala niya ang towboat. Tumigil ito sa daanan mismo ng mayor.
Tumalun-talon sina Kulas at Sunshine sa may shore na parang isang victory ang makita si Caleb na paparating at dala ang towboat.
"Mayor, ayan. Binabalik ko na ang towboat mo. Salamat, ha? Dahil d'yan napatay namin ng mga friends ko ang mga aliens." Inaalok ni Caleb ng shake hand si Mayor Fuentes.
Nako-confuse si Mayor Fuentes pero tinanggap niya ang kamay ni Caleb. Nakabitan tuloy ang kamay niya ng posas.
Ikinabit ni Caleb ang kabilang part ng posas sa towboat. "Ayan, Mayor. Gawin mo kasing bracelet ang towboat mo para hindi mawala."
"Hey kid, pakawalan mo ako!" utos ni Mayor Fuentes. Hinihila-hila niya ang posas. Hawak pa rin niya ang dala niyang suitcase at laptop.
"Bye, Mayor!" paalam ni Caleb.
Nakita nina Kulas at Sunshine si Mayor Fuentes na nakaposas sa towboat niya. Sabay pa silang nag-belat sa mayor.
"Aba!" sigaw ni Mayor Fuentes. Sinubukan niyang abutin ng sipa si Kulas. "Abnormal!"
Hindi naabutan si Kulas nang pagsipa. Tumalikod siya at si Sunshine ng may ngiti sa mukha.
Si Caleb naman, papunta siya sa hotel. Nakasalubong niya ang mga nagtatakbuhang SWAT Team. Nilampasan siya ng mga ito. Papunta ang mga police kay Mayor Fuentes.
![](https://img.wattpad.com/cover/36321408-288-k946384.jpg)
BINABASA MO ANG
SUMMER'S STING
Mystery / ThrillerIt's summer time. Time to party and get wet. Show more flesh, go wild!!!!!! This will be the longest day ever. Prepare yourself for an extreme experience. Remember: Everything that kills man, makes him feel alive. Book Cover Credit: @roxyloca78910