Chapter 11

61 6 4
                                        

Chapter 11

Ten years ago..

Ang daming mga bata sa park. Tawanan ng happy moments ng buhay nila kung saan nagsisimula pa lang sila matutong makipag-socialize sa ibang kapwa nila. Punung-puno ang lahat ng swing. May naglalaro ng seasaw. Sunud-sunod na nagpadulas ang mga bata sa slide.

Sa side walk, nandoon ang mga ten years old pa lamang na sina Sandy at Buds. Ang taba na ni Buds kahit noon pa man. Bilog na bilog. Maasim dahil sa pawis. Si Sandy naman nakaupo sa kanyang skateboard, bukakang-bukaka. Ang buhaghag pa rin ng buhok niya kahit naka-pony. Hindi kagaya ngayon na sexy at feminine na siya.

"Ang tagal naman ni Caleb. Tsk.." reklamo ni Sandy.

"Dadating na 'yon, buds," sagot ni Buds. Sumampa siya sa skateboard niya. Hindi pa siya nakakalayo sa starting line niya ay nadulas na siya at unang bumagsak ang pwet.

Palo nang palo si Sandy sa hita niya, ang lakas, kasing lakas ng tawa niya.

"Anong ginagawa mo sa sarili mo?" pang-aasar ni Caleb kay Buds.

"Kaya nyo 'yon, mga buds?" pagmamayabang pa ni Buds.

"Anong name n'ya?" Napansin ni Sandy ang kasama ni Caleb, ang bunso nitong kapatid na si Penelope.

"Name mo daw." Inulit pa ni Caleb ang tanong kay Penelope.

Nagtago naman si Penelope sa likod ni Caleb.

Napatawa si Caleb. "Pasensya na kayo, may pagka-shy kasi s'ya, sometimes. Pen-pen ang name niya."

"Ahhh.. Okay," sabi ni Sandy. Bumaling siya kay Penelope. "Hi, Pen-pen. H'wag kang shy. Mabait kami. I'm Sandy." Iniaabot niya ang kamay niya kay Penelope para makipag-shake hands.

Lalong nagtago si Penelope sa likod ng kuya niya.

Marahang hinila ni Caleb ang kapatid. "Upo ka muna d'yan." Tinukoy niya ang sidewalk. "Laro lang kami."

Nagsimula na mag-skateboard sina Caleb at ang mga kaibigan niya naiwan si Penelope na nanonood lang sa kanila sa sidewalk. Palingun-lingon sa kanya si Sandy.

Hindi pa sila nakakatagal sa paglalaro, si Sandy biglang umayaw na. "Time out!"

"What?! Kaka-start pa lang natin. Sabi ko mag-race tayo," sabi ni Caleb.

"Race? Ang daming sasakyan. Lagot tayo sa mommy at daddy natin 'pag nasugatan tayo pauwi. 'Di ba, daddy told us, h 'wag tayo mag-race?" sabi ni Sandy.

"Ang daldal mo kasi. Nagsabi ka pa na hihiramin mo skateboard ng kuya mo, 'yan tuloy. Saka do'n lang naman tayo sa pathway," reklamo ni Caleb.

"Buti nga pumayag pa si daddy e. Basta, d'yan na nga muna kayo. Rest na ako," sabi ni Sandy at naglakad na papalayo sa kanila.

"Bahala ka. Let's go, Buds." Nag-skateboard si Caleb. Inuunahan si Buds.

"Wait!" Nahihirapan si Buds na bilisan ang pag-slide.

"Are you okay, Pen-pen?" tanong ni Sandy kay Penelope. Tumabi na siya sa kanya.

Tumango lang si Penelope.

"Anong pine-play mo?"

Hindi sumasagot si Penelope.

"Gusto mo i-try 'to?" Tinukoy ni Sandy ang skateboard niya.

Umiling si Penelope.

"Bike, marunong ka?"

SUMMER'S STINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon