Chapter 6
"For sure, kasali ka rin sa tournament," sabi ni Penelope.
"Nope. Si Caleb lang naman talaga ang kina-reer ang sports," sagot ni Sandy.
"Si Buds?"
"Hindi rin kasali."
"What did kuya said?"
"Alam n'ya 'yon. Panonoorin naman namin s'ya. I'ts okay for him."
"Is that so? Okay." Nag-smile si Penelope. Kinikilig na naman si Sandy.
Nagka-dead air ng sandali. Ang awkward naman kaya nagsalita ulit si Sandy. "How are you?"
"I'm okay. Busy sa'king mga online stuff."
"Oo nga. I notice it."
Silence.
"Nandito na tayo," sabi ni Sandy.
Si Penelope, diretso na naman sa kakalakad nang hindi tinitingnan ang kasama. Wala ng Wattpad na binabasa iyon. "Ay, sorry."
Napatawa na lang si Sandy. Ni-disalarm niya ang kotse niya. "Kunin ko lang phone ko, then, pasyal tayo if you want."
"Sige ba."
"There you are," baling ni Sandy sa cellphone niya, nasa passenger's seat. "Naku, lowbat ka na pala."
"Charge mo muna."
"Okey lang ba?" sabi ni Sandy. Actually, gusto niya makasama si Penelope. Syempre, nakakahiya kung paghihintayin niya ito. Paimportante lang?
"It's okay. Wala naman akong ibang gagawin. Nasira na 'yong phone ko na pang-Wattpad." Wattpad lang kasi ang inaatupag niya.
"Sure ka?"
"Yup."
"Sige, soundtrip muna tayo." Pumasok si Sandy sa loob ng kotse niya. Ni-plug in niya ang cellphone niya sa saksakan ng USB at sinimulang patugtugin ang song na My World. Nasa instrumental na intro pa lang ang kanta.
Palingun-lingon si Penelope sa labas ng kotse kahit wala namang tinitingnan. Hindi alam ang gagawin.
"Pasok ka." Nakaramdam naman si Sandy na clueless ang kasama niya.
Ngumiti si Penelope at hindi nagsalita. Pumasok siya sa passanger's seat na katabi ni Sandy. Sarado ang magkabilang pinto ng kotse kasi siya rin naman ang nagsara. Puno ng tension at awkwardness ang kalooban ng sasakyan.
Ang mga taong dumadaan sa harapan nila ay walang paki-alam at simpleng deadma lang kung pinapanood man sila ng dalawa.
Tahimik silang dalawa sa loob ng kotse. Binuksan ni Sandy ang aircon, ang init talaga ng pakiramdam ng nate-tense. Nagnanakawan sila ng tingin sa isa't isa. Nag-umpisa na ang stanza ng kantang girl ang vocalist:
Wake up, my little girl
This is the day the revolution ends
There is no need to fear now
The long lost smile may come back, you know
Coz your dreams come to reality
Look into my eyes and you will see..Bakas sa mukha ni Penelope ang pagtataka habang pinapakinggan niya ang lyrics:
In my world
We are free
We can be what we want to be
We can feel what we really feel
In the world that is for you and me
For you and me..Ngumiti naman si Sandy nang makita niya ang reaction ni Penelope.
"Anong title ng kantang 'yan?" tanong bigla ni Penelope.
BINABASA MO ANG
SUMMER'S STING
Mystery / ThrillerIt's summer time. Time to party and get wet. Show more flesh, go wild!!!!!! This will be the longest day ever. Prepare yourself for an extreme experience. Remember: Everything that kills man, makes him feel alive. Book Cover Credit: @roxyloca78910