Chapter 8
Tumigil muna sa may labas ng pinto ng light house si Mayor Fuentes para sa isang yosi break. Isang malalim na hithit ang ginawa niya bago nagsimulang maglakad.
May pagkagubat ang nilalarakaran niya. Ang tataas ng puno, natatakpan tuloy ang magandang sikat ng araw. Mabato ang ibang daan, kaya sa bawat hakbang ni Mayor Fuentes ay kinakailangan niyang tuminginin sa kanyang dinadaanan. Nagsisipulan ang mga ibon, bukod sa mga iyon ay wala nang ibang ingay.
Humithit na naman si Mayor Fuentes, patuloy sa pagbibigay-pollution sa green environment. Napatigil siya sa paglalakad nang napansin niya na biglang nagsipag-hysterical ang mga ibon. Inikot niya nang tingin ang itaas kung saan nakita niya na naglalabu-labo na ang mga ibon, walang patutunguhan ang paglipad nilang lahat. Pati ang mga bodyguard niya napatingala din.
Bang!
Napatingin ang bodyguards sa putok na narinig nila. Tumakbo sila patungo roon kahit wala pang sinasabi si Mayor Fuentes. Si Mayor Fuentes, wala naman siyang narinig na putok. Para bang ilusyon lang ang ingay para maiwan siyang mag-isa.
"Hoy! H'wag n'yo ko iwan dito!" sigaw ni Mayor Fuentes. Hindi na siya narinig ng mga ito. Hypnotized sila.
"Mayor," bulong ng isang boses lalake sa harapan ni Mayor Fuentes.
Tumingin si Mayor Fuentes sa nagsalita at nakita niya ang transparent na katawan ni Mr. Romero. Isa na itong multo.
"Ipasara mo ang lahat ng resort." Lumipat bigla ng pwesto ang kaluluwa ni Mr. Romero sa gilid ni Mayor Fuentes. Nakatapat ang kanyang bibig sa kanang tainga ng sinasabihan.
Naitapon ni Mayor Fuentes ang kanyang cigarette sa batuhan kahit kaunti pa lang ang nababawas dito. May dumaan pang isang kaluluwa malapit sa cigarette, paa lang nito ang makikita.
"Hindi ko 'yon gagawin. Sayang ang kita," sabi ni Mayor Fuentes.
"Isa kang makasarili. Isang magnanakaw," bulong naman ni Mr. Olveda sa kaliwang tainga ni Mayor Fuentes.
"Isa kang korap," bulong ni Mr. Romero sa kanang tainga niya.
Ngayon ay magkabilang tainga na niya ang may bumubulong na multo. Pareho pa ring naka-diving suit ang dalawang experts, ang suot nila noong namatay sila.
Kahit patuloy sa paghi-hysterical ang mga ibon, hindi naririnig ni Mayor Fuentes ang mga huni nilang may bahid ng takot. Boses ng mga multo ang naririnig niya, at nakikita na rin niya ang mga pinagmumulan nito.
"Korap." May isang babae na multo ang nagpakita, nasa tabi siya ng isang puno.
"Korap." Isang lalaki na mukhang mangingisda ang nagpakita sa kabilang puno.
"Korap." Isang lolo na may mga butas sa dibdib ang nagpakita. Ang mga butas ay ang mga tama ng baril.
"Korap. Korap. Korap." Sunud-sunod ng nagsipaglabasan ang mga multo ng konsensya ni Mayor Fuentes sa paligid niya. May sabay-sabay na tatlong batang lalake ang lumabas. May isang inang may karga pang baby.
"Pa'no mo 'to nagawa, honey?" Ang tinig na ito ay nanggaling sa boses ng isang babae, nasa twenty's ang edad niya. Ang sumaka-bilangbuhay na asawa ni Mayor Fuentes. Nasa harapan siya ng mayor pero limang metro ang layo.
"Honey? Hindi ko magagawa mga sinasabi nila, sagot ni Mayor Fuentes.
"Totoo ba ang sinasabi nila, daddy?" Lumabas ang kaluluwa ni Emmanuelle, nakabikini rin siya na kagaya noong inatake siya ng mga jellyfish. Nasa harapan siya ni Mayor Fuentes. Nasa gilid pa rin nito ang dalawang experts at parehong nakatingin sa dalagita.
BINABASA MO ANG
SUMMER'S STING
Mystery / ThrillerIt's summer time. Time to party and get wet. Show more flesh, go wild!!!!!! This will be the longest day ever. Prepare yourself for an extreme experience. Remember: Everything that kills man, makes him feel alive. Book Cover Credit: @roxyloca78910