Chapter 10

69 7 0
                                    

Chapter 10

Sinisipat ni Tiffany ang pambato ng billiard. Tume-tyempo siya sa pagtira, sa bilang ng isa, dalawa, tatlo.. Pasok ang number 4 sa butas.

"Wow!" compliment ni Caleb kay Tiffany.

Nakatitig na si Tiffany sa number 5. May nakahara ditong number 8. Dikit na dikit ang pwesto ng dalawang number sa isa't isa. Taas na taas ang rod ni Tiffany. Tinira na niya ang white ball. Tumalon ito, bumagsak sa tabi ng puntirya niya na number 5 at.. Shoot! Successful ang jump shot niya.

"Mas wow!" compliment ulit ni Caleb.

May nagpalakpakan sa likuran nila. Tumigil na pala sa paglalaro ang mga lalake sa kabilang tables at pinapanood na lang ang pagtira ni Tiffany. Nag-bow siya sa kanila.

"Pa'no mo nagawa 'yon? Pang-professional na ang tira mo, ha?" tanong ni Caleb.

"H'ndi ba tinuruan mo ako kanina," sagot ni Tiffany.

"Oo nga. Ga'non mo kabilis na-master?"

Napatawa na lang si Tiffany. Sa totoo lang, marunong na talaga siya. Ang eldest brother niya na mahilig sa sports ang nagturo sa kanya. Kaya lang, nag-pretend siya na hindi pa marunong para lokohin si Caleb.

"Ano nga?"

"Guess it," sabi ni Tiffany sabay belat sa kanya.

"Ano?! Tapos, 'pag mali na naman ang hula ko, bubunutan mo na naman ako ng balahibo sa binti? Never mind!"

"You're wrong. Buhok naman sa underarm mo ang bubunutin ko." Tawa nang tawa si Tiffany.

Napahawak si Caleb sa magkabila niyang underarm, nai-imagine ang sakit. Napangiwi tuloy siya.

Sumilip si Tiffany sa wallclock ng hall. Ten o'clock na. "Let's go. Late ka na sa laban mo."

Ni-confirm ni Caleb ang oras sa wallclock. "Oo nga. Sayang naman. 'Di natin natapos 'yong game."

"Next time na lang." Ibinaba na ni Tiffany iyong billiard stick at palabas na ng hall. Sumunod sa kanya si Caleb.

Ang mga players sa hall, hinabol pa nila ng tingin si Tiffany hanggang makalabas ito. Halata ang pagkamangha nila sa babae.

Nahirapan silang makapunta sa may lake. Mas madami ng tao kaysa kanina.

Habang papalapit sila sa event area, nagsimula na magsalita si Mayor Fuentes: Good morning, wakeboarders! I am Mayor Eduardo Fuentes, the owner of Wakeboaders' Spot. Nage-enjoy ba kayo?

Nagsigawan ang mga audience, excited sa tournament.

"For 34 years, this resort has been giving you paradise. It is a continues shaking of booties. Party all day. Party all night. The resort never sleeps to give you an everlasting pleasure. From the name Rainbow Castle, it became Wakeboarders' Spot for the extreme sports lovers there. Where are you, guys?!"

Nag-sigawan ang mga lalakeng kasali sa tournament. Pati ang grupo nina Shawn Kim ay napasigaw din.

"Panalo na kami! 'Di na ke'langang maglaban! Kami ang pinakamagaling!" pagmamayabang ni Shawn Kim.

"Oo nga," agree ni Bon-bon. Kasali rin kasi siya sa laro.

Sina Frank at Abet, sumusuporta lang sa mga kaibigan nila. Nagsigawan lang sila.

"Wohooo!!!" sabay na sigaw nina Caleb at Tiffany. Malayo sila kina Shawn Kim.

"Okay, I'm done here. Let's start the Wakeboarding Tournament!!!!!" sigaw ni Mayor Fuentes. Inihagis niya ang microphone sa deejay na nasalo naman ang binato. Napatawa ang deejay sa kanyang feeling bagets attitude.

SUMMER'S STINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon