Chapter 1

6 3 16
                                    

Pinili kong umuwi sa bahay ni mama dahil bukas ay wala akong schedule ng trabaho

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pinili kong umuwi sa bahay ni mama dahil bukas ay wala akong schedule ng trabaho.

Sinalubong niya ako ng isang mahigpit na yakap. “Nasaan po si Seah, mama?” Lumingon-lingon ako sa paligid para hanapin siya.

“Nasa kwarto niya,” itinuro niya ang second floor.

Hinalikan ko siya sa pisnge bago umakyat sa hagdan. Kumatok ako sa kaniyang pinto, “Pasok,” sagot niya galing sa loob.

Mabagal kong binuksan ang pinto at nakita siyang nasa study desk at nag babasa ng libro. Ngumiti ako noong lumingon siya.

“Hey, Seah, guess what?” Pinaikot niya ang upuan niya at sumagot, “What?” Habang paulit-ulit na itinataas ang dalawang mga kilay.

Inilabas ko ang librong pinapirmahan ko kay Callie at agad na nanlaki ang mga mata niya.

“Hala ka! Signed copy ba ‘yan kuya!? Dapat pupunta ako kaso hindi ako nakapunta dahil sa mga school works,” bigla ay nag paliwanag siya. Iniabot ko ang libro at binuklat niya ito.

“Paano mo nalaman, kuya!?” Biglang-bigla siya.

“I didn’t know, saktong napadaan lang ako and may malakas na nagbasa niyan so nakuha yung atensyon ko, doon bumili na ako and pinapirma na rin.”

“Binasa mo?” Bakas ang excitement sa mukha niya.

“Yes...why?”

“So nameet mo si Ms. Callie, maganda siguro siya sa personal, ano kuya?” May nakakalokong ngiti siya.

“Yes.”

“True ‘yan, pero alam mo kuya, sana lahat talaga nakapunta sa book signing.”

“Kuya, alam mo, may nag post sa group page namin na gwapong lalaki na nakapila sa book signing ni Ms. Callie, tapos medyo kahiwig mo siya, knowing you, magpopose ka talaga kapag napansin mong may kumukuha ng picture sa ‘yo,” ngumiwi siya.

“Talaga? Pakita mo nga sa’kin,” humarap siya sa computer at inilapag muna ang libro, nagtype siya do’n.

Pinakita niya ang isang post na may napakahabang caption na ang pinupunto lang ay gwapo ang kung sino, inilagay niya rin ang isang picture, mabilis kong nakumpirma na ako nga ‘yon.

“Ako nga ‘yan,” natawa ako. Bakit pa nila ‘yon pinost? Hindi naman ‘yon big deal.

“Seah, Jaxsean, kakain na!” Rinig naming sigaw ni mama mula sa first floor.

Matapos kong tulungan si mama sa pagliligpit ay dumiretsyo na ako sa kwarto ko. Pansin ko ang linis nito.

Isinearch ko ang pangalan ni Callie at madaming article agad ang nagsilabasan.

Dito ay nalaman ko na isa din pala siyang vlogger, nakakatawang hindi ko masabi kung anong klase ng vlogger, dahil halos lahat yata ay ginagawa niya noong makita ko ang mga videos niya.

Marami siyang alam na gawin, bukod dito ay nakakatulong siya sa mga tao habang ginagawa ito dahil ayon sa mga articles ay kalahati ng kaniyang kinikita ay napupunta sa mga charities at mga mayroong pangangailangan.

Hindi lang pala mukha ang maganda sa kaniya, pati ang puso din. Paano niyang nagagawang pagsabayin ang dalawang bagay na iyon?

Kaya pala gano’n na lang ang paghanga at pagsuporta ng mga tao sa kaniya.

Untold StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon