Wala si mama para salubungin ako ng buksan ko ang pinto. Hinubad ko ang sapatos at umakyat sa kwarto. Nagbihis ako bago kumatok sa kwarto ni Seah.
“Hey...” panimula ko.
Tinignan niya ako bago lumapit at sumalubong ng yakap. Ang sarap sa pakiramdam.
“I wanna talk about something...with you, advice isn’t really needed,” ngumiti ako. “Okay,” sabay kaming naupo sa sofa niya na nasa ibabang parte ng kama niya.
“Callie...sa tingin ko may gusto ako sa kaniya,” nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. “Who don’t?” Itinaas ni Seah ang mga kilay niya.
“No...I like her, like the feelings bago siya maging love...gano’n. Nagkita na kami in person, hindi lang noong book signing niya, nagdinner at nagcoffee ng magkasama. Hindi ko naikwento sa’yo, sorry...” hindi ko magawang titigan sa mata ang kapatid ko, masyado akong nahihiya para gawin ‘yon. Grabe, ganito pala ang idinudulot ng pagkakagusto sa isang tao.
“Umamin ka na, kuya...” alam kong ngumiti siya. “Kaysa magmukmok, magsumbong at magpaliwanag ka sa’kin, magconfess ka mismo sa kaniya. Mag ready ka na lang sa sakit na paparating,” matagumpay ko siyang natitigan this time tapos ay sabay kaning natawa ng makita ang itsura ng isa’t-isa.
“Alam ko na wala akong chance sa kaniya una ko pa lang maramdaman ‘to. Ang layo ng agwat namin kaya paanong magugustuhan niya ‘ko? Sigurado rin akong marami akong kalaban sa kaniya...” sabi ko matapos mapansin ang nagaalalang mga mata niya.
“You don’t have to worry about me, Seah. Oo nga, ngayon ko lang nararamdaman ‘to pero alam ko ang katotohanan at kathang isip. Nakakagulat na pareho kong napapagsabay ang mga bagay na ‘yon,” umiling ako. “Nagiisip ako ng isang bagay na gusto kong gawin kasama siya at kapag natauhan na ay malulungkot ako sa katotohanan, nakakaloko.”
“Ako lang ba ang nag-iisang ganito? Dahil kung oo ay sigurado akong nababaliw na ‘ko.” Hindi ako makapaniwaang tumingin sa kung saan dahil nasabi ko ang gusto kong sabihin ng hindi nauutal kay Seah.
“Kumain ka na ba?” Gusto kong umiyak sa tuwa dahil may ganito akong kapatid. Hindi na talaga ako magtataka kung isang araw ay gumising na lang ako dahil sa reklamo ni mama dahil sa haba ng pila ng mga manliligaw niya. Kaso ay wala siyang oras para sa mga gano’n dahil palaging nauubos ang oras niya sa paglulunod sa sarili sa binabasang libro, karamihan ay mga istoryang may patayan.
“Tapos na.”
“First time mong magkagusto at doon kaagad sa mataas, ang ganda ng taste mo kuya! Umamin ka na para makikita kitang umiyak kapag nareject ka or sabay tayong tatalon sa saya kapag parehas kayo ng nararamdan!” Napangiwi ako, masyadong mataas ang expectation niya sa akin gayong wala nga akong lakas ng loob minsan na tumitig sa mga mata ni Callie.
BINABASA MO ANG
Untold Story
RomanceUnwritten, untold and unknown love story of a writer and a photographer. Jaxsean thought he was crazy, he liked a famous author even though he know he had no chance to be with her. UNTOLD STORY (Short Story) Written by Kyeries [Cover is inspired to...