Chapter 6

3 2 10
                                    

Pagkagising ay kaagad kong dinampot ang cellphone

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagkagising ay kaagad kong dinampot ang cellphone. Nanigas ako sa kinatatayuan ko no’ng mabasa ang isang post patungkol kay Callie.

Nakalagay dito ang picture naming dalawa at isang lalaki. Axel ang pangalan ng lalaking ‘yon, sabi sa mga comments. Inaakala nilang siya ang lalaking nasa picture na kasama ni Callie.

Si Axel ay isa ring writer kagaya ni Callie, magkaibigan silang dalawa at madalas na magkatabi sa mga book signings.

Ilang minuto pa akong nagbasa ng mga comments bago mapagtantong matagal na pala nilang pinaghihinalaang nagdadate ang dalawa sa totoong buhay.

“Ano ‘yan?” Napansin ni Jaze ang pananahimik ko kaya mabilis siyang sumilip sa kung ano ang tinitignan ko.

“Hala ka...” ilang minuto matapos siyang sumilip.

Napailing siya bago manahimik.

Nagpaalam ako bago umalis. Nalaman nila kaagad dahil sa kadaldalan ni Jaze. Hinayaan lang nila ako dahil may trabaho din daw naman sila na kailangang pasukan at hindi sila pwedeng mahuli.

Naubos agad ang energy ko para sa araw na ‘to dahil sa isang post na wala akong kasiguraduhan kung totoo nga.

Nakakainis, masyado akong apektado gayong wala namang namamagitan sa aming dalawa, ngunit alam kong valid ang nararamdaman ko dahil gusto ko siya. Pero paano kong nasabi na valid ang nararamdaman ko kung hindi pa ako umaamin sa kaniya?

Ngayong alam ko na gusto ko siya, ngayon ko pa nabasa ang post na ‘yon. Nakakasira ng araw. Sigurado akong hindi agad ‘yon matatanggal sa sistema ko kaya wala akong magagawa kung hindi hayaan na lang hanggang sa maglaho.

Maglaho ang nararamdaman ko o ang pangambang totoo ‘yon?

Nakakaloko, pati sarili kong pagiisip ay kinakalaban ako. Siya lang ang nakapagparamdam sa akin ng ganito.

Pumasok ako sa trabaho, gaya ng dati ay mabilis silang nagready para sa photoshoot at mabilis ding natapos.

Kahit walang energy ay natapos ko ang shoot na ‘yon, ibinigay ko lang sa mageedit ang sd card na ginamit at hinayaan sila. Umuwi na rin ako matapos makita lahat, kailangan kasi ‘yon para makita ko kung ano ang kailangan kong iimprove sa pagkuha ng litrato. Para sa susunod ay hindi na ako magkakamali, natututo pa rin ako kahit na mahigit sampung taon ng ganito ang trabaho ko.

Marami na akong taong nakasama sa photoshoot pero lahat sila ay hindi pinaramdam sa akin na kahit na anong anggulo ko kuhaan ay maganda sa paningin ko kahit pangit para sa iba.

Si Callie kaya? Kailan ko kaya siya makakasama sa isang photoshoot?
Sigurado akong mapaparamdam niya sa akin ang gusto kong maramdaman.

Paano kung sa ibang tao siya gano’n? Paano kung lahat ng aklat na isinusulat at isinulat niya ay para sa isang taong gusto niya?

Hindi na ako nagpatuloy sa pagiisip dahil alam kong walang ibang mapupuntahan ‘yon kung hindi ang paglalaban ng puso’t isip ko kung ititigil ko ba ang nararamdaman ko o hahayaan na lang dahil masarap naman ang dulot nito? Pero ang kapalit ay buong araw na pagiisip sa kaniya, nakakaloko. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

Sinabi kong hindi na ako magiisip patungkol sa kaniya pero heto ako’t muling nalulunod dito.

Untold StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon