Chapter 2

7 1 20
                                    

Matapos ang trabaho ay nagpunta ako sa mall para doon muna magkape

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Matapos ang trabaho ay nagpunta ako sa mall para doon muna magkape.

Habang humihigop ng kape ay mayroong humawak ng mga kamay ko na nakapatong lang sa lamesa.

Umupo na din siya at tinanggal ang salamin, pero hindi ko pa din makita ang kabuuan ng mukha niya dahil sa mask na nakabalot sa pangibabang bahagi nito.

Itinaas ko ang kilay ko noong inilapit niya ang upuan niya at ipa-ikot na ang braso niya sa braso ko, tinanggal na din niya ang jacket na nakapatong sa balikat na hindi bumabagay sa outfit niya.

Napansin kong nakasuot siya ng puting crop top na mayroong tatlong botones, mahabang green skirt, beads necklace, round glasses, sandals at may dalang hand bag. Napataas ako ng kilay.

Sino ang magsusuot ng ganito para magkape? Nahiya tuloy ako sa suot ko.

“Miss?” Kinalabit ko siya.

“Sorry ha, may humahabol kasi sa akin,” tinanggal niya ang mask niya.

Dito ay napagtanto naming kakilala namin ang isa’t-isa.

“Ms. Callie? Sinong humahabol sa inyo?” Tumingin-tingin ako sa paligid, nanlaki ang mga mata ko noong masulyapan ang isang lalaking nag lalakad na may nakasabit na camera sa leeg. Agad kong naintindihan ang gusto niyang mangyari.

“Ikaw yung Jaxsean from my last book signing...pwedeng favor? Paalisin muna natin siya please,” nagmakaawa siya.

“Okay...” pinagsiklop ko ang mga daliri namin at mas lumapit pa sa kaniya.

Sa sobrang lapit ay ramdam ko na ang mabilis na pagtibok ng puso niya.

Makalipas ang ilang minuto ay nagsalita na siya, “I think he’s gone now, sorry for this,” nginitian niya ako bago naglakad papunta sa coffee bar, doon ay sigurado akong nagorder siya.

Bumalik siya kung nasaan siya naka-upo at iniusog ang upuan. Ilang minuto lang ang hinintay niya para makuha ang iced coffee na inorder niya.

Noong bumalik siya ay hindi na siya umupo, alam niyang tapos na akong magkape kaya inaya niya na akong umalis.

“Gusto ko ng umuwi...please, help me, hanggang sa parking lot lang please,” bulong niya habang sinasabayan ko siyang maglakad.

“Sobrang lambot ng palad mo, may iba ka pa bang ginagawa bukod sa pagsusulat, miss?”

“Just call me Callie, alam mo hindi lang pagsusulat ang ginagawa ko sa buhay, naghuhugas ako ng plato, nagtatrabaho, naglilinis ng bahay, nagwawalis, bumubuo ng mga crafty things and pumupirma.” Random lang ang lahat ng sinabi niya.

“Okay...pero patingin nga ulit ng kamay mo,” hinayaan niya aking kunin ito at paglaruan, ngunit noong lumingon ay nakita ko nanaman ang rason kung bakit ako kasama ni Callie ngayon.

Pinagsiklop ko ang mga daliri namin at agad siyang nagulat dito, “Nand’yan siya.” Bulong ko sa kaniya, ngunit isinakto ko ang labi ko sa pisnge niya habang nagsasalita para magmukhang hinalikan ko siya.

Pakiramdam ko ay sobrang layo ng parking.

Noong mahanap niya ang kotse niya ay agad siyang nag pasalamat at nag mamadaling umalis.

Hindi mo talaga inaasahan ang lahat ng posibleng mangyari sa isang araw. Ngayon ay nahawakan ko ang kamay, naasar at nakasamang magkape ang isang sikat na manunulat.









Untold StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon