“ElLie” “ElLie” “ElLie”
Dumagundong ang nakakabing ingay dahil sa pinaghalong tili at pagsigaw nila ng pangalang ‘yon. Ang inaasahan ko ay mayroong isa pang sikat na writer ang lalabas doon sa pinangalingan nila, ngunit nagkamali ako.
Napatingin ako kay Seah dahil siya ang nakakakilala sa lahat, kanina kasi ay muntikan na kaming dalawa matumba dahil sa pagyugyog niya sa akin sa sobrang tuwa at kilig.
Inginuso ko ang direksyon ng kinauupuan ng mga author, “Anong nangyayari, bakit ang ingay?” Inosente niya akong tinignan bago manlumo, ang mga mata niya ay nangungusap, ang mga labi niya ay kumibot-kibot, tila may nais na sabihin pero nagdadalawang isip na isatinig dahil alam niyang maaapektuhan ako. Gano’n ang nababasa ko kay Seah ngayon. “Sabihin mo na,” sabi ko ng walang lumalabas na boses dahil alam kong hindi niya ‘yon maririnig dahil papalakas ng papalakas ang kanilang mga sigaw, tila nagwawala na ngayon, at ang sound na galing sa dalawang napakalaking speaker ay dumaragdag.
“Love team ‘daw’ ang ElLie sabi nila,” nilingon niya ang lugar kung nasaan sila.
“Si Ms. Callie ‘yon at si Axel....pinagsama nila ang pangalan ng dalawa,” nagpakawaka siya ng hangin sa kawalan bago itutok ang kaniyang walang buhay na mga mata sa akin, pinapakiramdaman ako.
Bigla ay nanlumo ako, dalawa ang dahilan, ang una ay iyong dahil kay Callie at sa Axel na ‘yon at ‘yong ikalawa naman ay para sa pagsira ko ng magandang mood ni Seah.
Tinitigan ko ang dalawa, magkalayo man ang mga upuan ngunit batid kong bagay sila. Mapait akong napangiti.
Palagi akong walang pantapat sa mga lalaking nakikilala kong malapit sa kaniya, wala akong tiwala sa sarili.
Gustuhin ko man magtiwala ay isip ko rin mismo ang tumatalo sa akin. Nasasaktan ako na ako din ang dahilan. Nasasaktan na ako hindi pa man ako umaamin. Sakit na ako lang ang nakakaramdam. Sakit na ako lang ang makakapansin dahil duwag ako, duwag na umamin.
Mula sa pwesto ko ay kita ko ang pagtititigan ng dalawa bago sila sabay na natawa. Natutuwa ba sila na sinosuportahan sila ng mga tao o natatawa dahil kahit ilang beses na nilang sinabi na hindi sila aabot sa pagiging ‘couple’ ay patuloy pa rin ang mga fans sa pag-asa na posibleng maging sila? Pati ako ay hindi alam.
Hindi pa man ‘yon nasasagot ay nalulungkot na ako. Napabuga ako ng hangin na siyang napansin ni Seah, paunti-unti nang bumabalik ang nasirang mood niya kanina kaya naman nginitian ko siya nang lumingon para malaman niyang maayos lang ako.
Nagsimulang magpilahan ang mga tao para makakuha ng sign na paborito nilang author. Hila si Seah ay nagmamadali kaming naglakad papunta kay Callie.
Pumila kami, inaasahan ko nang may makakakilala sa akin dahil do‘n sa picture kung nasaan ay nakapila ako sa isang event para kay Callie at nagpose ako no’ng makita na may kumukuha ng litrato sa akin.
Tinitigan ko ang mga mata ni Callie nang mapalapit ako sa kaniya. Nginitian niya ako na sinuklian ko naman kaagad. Nagpumilit si Seah na kuhaan kami ng larawan na magkatabi at napapayag naman niya si Callie. “Salamat sa pagpunta, Jaxsean.” Ramdam ko ang sinseridad. May kung anong umalon sa puso ko.
Kung kasing sikat din kaya ako ni Callie ay may chance kayang magugustuhan niya rin ako?
BINABASA MO ANG
Untold Story
RomanceUnwritten, untold and unknown love story of a writer and a photographer. Jaxsean thought he was crazy, he liked a famous author even though he know he had no chance to be with her. UNTOLD STORY (Short Story) Written by Kyeries [Cover is inspired to...