Chapter 9

3 2 12
                                    

Ring ng cellphone ang gumising sa akin, magagalit na sana ako dahil sa aga ng naging gising ko pero noong makita na si Aria ang tumatawag ay mabilis na naglaho ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ring ng cellphone ang gumising sa akin, magagalit na sana ako dahil sa aga ng naging gising ko pero noong makita na si Aria ang tumatawag ay mabilis na naglaho ito.

Si Aria ay isa sa mga naging katrabaho ko, mabilis kaming naging close kaya ngayong ako ulit ang kinuha ng companya nila para sa isang photoshoot ay hindi na ako magaalala para sa mga bagay na kailangan bago at matapos magsimula ang shoot.

Napangiti ako no’ng sabihihin niyang si Callie ang napili nila endorser ng produktong ilalabas nila. Matapos ang meeting noong nakaraan ay sinabihan na nila akong maghanda dahil tatawag na lang sila. Ang hindi nila alam ay bago pa magsimula ang meeting na ‘yon ay handa na ako dahil sa isip ko, si Callie ang kukukunan ko sa araw na ‘yon.

Kinabukasan ang araw ng photoshoot, mas maaga ako kaysa sa usual no’ng dumating doon, sinabi kong nagkataon lang dahil maaga akong nagising noong tanungin nila kung bakit, pero hindi ko na lolokohin ang sarili ko, masyado akong excited kaya mas maaga akong nagising, mas maaga pa sa isinet kong alarm.

Hindi pa nagtagal ay dumating na nga ang hinihintay ko, dalawang oras bago ang shoot. Napakagat ako sa ibabang labi no’ng masulyapan siya pumasok sa pinto. Gusto kong ang atensyon ko ay nasa ginagawa ko lang na pagaayos pero ito ako ngayon at pinakikiramdaman kung ano ang magiging galaw niya.

Noong mapansin na siya ng iba pa ay inanyayahan nila itong umupo upang doon maghintay. Ano kaya ang gagawin niya sa dalawang oras na ‘yon?

Kahit pinakiraramdaman siya ay hindi ko mabasa ang mga ikinikilos niya dahil nakatalikod ako sa kaniya. Bakit ako kinabahan?

Bigla ay mayro’ng tumapik sa balikat ko, mabilis akong humarap at ang magandang ngiti ni Callie ang bumungad sa akin. Hindi ko namalayan ang kusang pagngiti ko mula sa pagtitig sa mukha niya.

“Good morning, Jaxsean.”

“Magandang umaga rin!” Pero ang gusto kong sabihin ay mas maganda pa siya sa umaga.

“Gusto mo ng maiinom?” Matagal kong inisip kung ano ang pupwedeng sabihin pero ‘yon ang lumabas sa bibig ko.

“Okay...” hindi ko sigurado kung nawirduhan ba siya o natawa dahil out of nowhere ay nagtanong ako.

Sumunod siya sa akin pero hinayaan ko na lang siya sa tabi ko dahil gusto kong maamoy siya, hindi ko malaman kung cologne ba ang naamoy ko dahil sa bango.

Nagpunta kami sa coffee shop na malapit at piniling manatili doon. Open area ang buong lugar kaya nakakatuwa, napapalibutan din kami ng mga puno kaya hindi gano’n kainit.

Habang hawak niya ang tasa ay naisipan kong kunan siya. Gusto ko sanang hindi niya mahalata pero papaano kung ang camera ko na gamit sa pagtatrabaho ang dala ko?

Pumikit siya, dinadama ang hanging humaplos sa maganda niyang mukha tapos ay napangiti. Saktong tumapat sa araw mukha niya ng magdilat.

Bakit lahat ng gagawin niya ay magandang kunan para sa akin?

Wala akong pake sa kape kong
unti-onting lumalamig dahil patuloy ako sa pagpindot sa camera ko.

“Wala pa akong ayos Jaxsean,” natawa siya ng sa wakas ay mapansin niya na ako.

“Maganda ka, may ayos o wala,” napakagat ako sa pangibabang labi dahil nasabi ko kung anong laman ng isip ko.

“Can I hold your hand?” Aniya. Napatitig ako sa palad niyang hinihintay ang akin.

Ipinatong ko ang palad ko sa palad niya, pinagsiklop niya ‘yon at inilabas ang phone niya, itinutok sa akin ang camera at narinig ko ang pagclick niya rito.

Hinayaan ko siya kahit na hindi ko alam ang dahilan.

Pero kahit na natapos na iyon ay hindi niya binitawan ang kamay ko na siyang nagdulot ng kakaibang kaba sa akin, ‘yong kaba na parehong nagdudulot ng takot, kilig at tuwa.

“Ang warm mo...I mean ng kamay mo,” natawa siya. Pinakita niya ang mga picture na kinuha niya sa phone. Ang akala kong ang kamay lang namin ang kinuhanan niya ay nagkamali ako, dahil nando’n ako, kasama ako.

“You look good here, there...” napatigil siya sa paglilipat ng picture dahil kasalukuyan niyang nilalabanan ang titig ko, “everywhere,” biglang aniya. “You too.”

Ipinakita ko rin ang mga kuha ko kanina, ang tanging nagawa niya lang ay mamangha na hindi ko alam kung bakit dahil wala namang kakaiba o maganda sa mga larawang ’yon bukod sa kaniya.

Ginawa namin ’yon ng magkahawak ang mga kamay, magkasiklop, nagbibigay ng init sa palad ng isa’t isa laban sa malamig na hangin. Sigurado akong maliit na bagay lang ‘to para kay Callie, pero sa akin ay hindi na sigurado akong dahil sa nararamdaman ko.

Untold StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon