Epilogue

4 2 20
                                    

Ipinagamit niya ang kotse niya sa akin dahil baka mahirapan daw kami kung ang motor ang aming dadalhin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ipinagamit niya ang kotse niya sa akin dahil baka mahirapan daw kami kung ang motor ang aming dadalhin.

“Can you drive?” Nakakatunaw ang ngiti niya.

“Yes.” Pinagbuksan ko siya ng pinto. “Saan tayo pupunta, Jaxsean?” Tanong niya ng maka-upo. Napakasarap talagang pakinggan ng pangalan ko galing sa bibig niya. Bigla ay gusto kong pasalamatan si mama sa pagpapangalan niya sa akin no‘n.

Hindi ako sumagot at sumakay na lang. Nagsimula akong magmaneho, ang buong atensyon niya ay naro’n sa labas ng kotse, pansin ko rin ang pagbigat ng mga talukap niya.

“Tulog na...” mahinang pagkanta ko. Bigla ay napalingon siya at matapos suriin ang kalahati ng mukha ko ay isinandal niya ang ulo niya sa salamin.

Ipinagpatuloy ko ang kanta, ngunit humming na lang iyon. Tulog na siya nang lumingon ako.

“Nasa Diplomat Hotel tayo?” Ani niya nang makababa. Nanlalaki ang mga mata niyang tumingin sa akin. “Jaxsean, nasa Dominican Hill Retreat House tayo!?” Bakas ang pagiging masaya niya, pati ako tuloy ako ay nadamay sa ngiti niya.

Madali lang ang makapasok. Binigyan ko ng face mask si Callie na agad niyang isinuot. Napakaganda talaga kahit na nakatakip na ang kalahati ng mukha.

Parang bata niya akong hinila papasok sa loob. Kakaunti kang ang tao, karamihan ay kabataan pa.

Tama lang na binigyan ko siya ng mask dahil amoy urine ang loob. Nakakalungkot na gano‘n ang mga tao sa historical na lugar na ’to.

“Sabi nila may mga headless spirits daw ang narito...they are asking for justice, sabi ng mga dating workers. Nakakapaniwala naman,” ini-ikot niya ang paningin sa lugar na pinasukan namin.

“Hindi ka ba natatakot?” Tanong niya nang hindi ako tinitignan, panay ang libot ng mga mata niya, ang mga paa niya’y gusto ng pumaroo’t parito. Gusto na talagang maggala hindi lang ng mga mata. Ako na ang humila sa kaniya.

“Hindi...” roon ko lang siya sinagot.

“Nawe-weirdan?” Muli ay umiling ako. “Ayaw akong samahan dito ng kapatid ko...I‘m happy that I completed something sa bucket list mo...I also like it here...” napatitig siya sa akin at umiling sabay ngumiti.

“I wonder how someone killed a person here...did they rape them? What kind of torture did they do? How did the massacre happen? What did they do to those nun and priests?” Puno siya ng katanungan. Parte rin ba ’to ng pagiging writer niya o ganito talaga siya kapag mysteries ang pinag-uusapan? Kahit na ano ang sagot ay sigurado akong mas dadagdag lang ’to sa pagkakagusto ko sa kaniya.

“You don‘t look scared at all, Jaxsean.” Natawa siya. “Why? Do I looked...inlove?” Tinignan ko siya, ’yong tingin na kayang iparamdam sa kaniya ang nararamdaman ko. Napahinto siya sa pagtingin sa likod ko.

“Congrats! With who, though?” Nang-aasar ang mga tingin niya. Umaasa akong makita ang kuryosidad sa kaniya pero tila gano‘n siya kagaling magtago.

“Let’s go back na...We have to eat pa.” Nauna siyang maglakad at kalaunan ay huminto. “So I can‘t hold your hands na kasi you already have someone you like...”

Nagulat ako pero nang makabawi ay ako na mismo ang kumuha sa kamay niya. Nanlalamig ito, hindi ako sigurado kung dahil ba sa klima o dahil do‘n sa sinabi ko. Masiyado akong umaasa.

Naupo kami sa likod ng kotse niya at doon kinain ang pagkain na binili namin kanina sa drive thru.

“Hindi ka talaga natatakot?” Mabilis akong umiling. “Kahit na sabihin kong may nakikita akong bata kanina na sumasabay sa atin?” Parehas kaming natawa nang magkatitigan. Ang mga mata niya ay tila may hipnotismo

“How did she make you feel, Jaxsean?...I’m talking about that someone that you liked...”Biglang aniya matapos ang mahabang katahimikan.

Ano ang iniisip niya? Na may gusto akong iba? O masiyado nanaman akong nalulunod sa masarap kong pakiramdam na nagdudulot ng pag-asa kong nagseselos siya kahit na ang totoo ay binabalot lang siya ng kuryosidad.

“She makes me feel...” napatitig ako sa kaniya. Naghihintay siya ng sagot.

“How did you make me feel?” Nangunot ang noot niya. Cute.

“I’m talking about that ‘someone’ Jaxsean,” inis na ba ang boses niya? Napakasarap pa rin kasing pakinggan.

“You are that ‘someone’ Callie,” Bawa’t salita ay binanggit ko nang malinaw at may diin.

“I like you, Callie.” Pumikit ako, natatakot sa magiging kasagutan niya pero ilang minuto na ang nakalilipas ay wala siyang nasabi.

“C-can I court you?” Unti-onti kong idinilat ang isa kong mata at isinunod ang isa pa nang makita siyang nakatitig lang sa akin.

Bigla ay nawala ang tunog ng lahat, naging blanko ang isip ko, naging bingi ako ng panandalian, ang tanging tunog lang na naririnig ko ay ang sariling tibok ng puso ko, tibok na sunod-sunod. Gustong kumawala ng puso ko kasama ng nararamdaman ko kaya ibibigay ko na ang pagkakataong ito para mapanatag ang puso‘t isip ko.

“Okay lang kung hindi ka papayag...” nagbaba ako ng tingin sa mga daliri ko at pinaglaruan ’to.

Gamit ang isang daliri ay itinaas niya ang mukha ko at ipinatitig sa kaniya. Hawak niya ang baba ko gamit ang isang daliring ’yon. “Hey...you know, hindi lang ang pangalan mo ang maganda sa ’yo, pati itong tinititigan ko rin...” nakatitig siya sa mukha ko. Agad akong namula.

“Nagkagulo ang mga readers ko dahil may reader daw ako na kasing gwapo mo, Jaxsean...” napakagat ako ng labi habang siya napa-iling.

Nakangisi niyang inilapit ang mukha sa akin at ibinulong ang mga salitang gusto kong marinig mula sa kaniya.

“You can court me, Jaxsean,” pamilyar ang pwesto namin dahil ’yon din ang ginawa ko no’ng nagpanggap ako na boyfriend niya sa mall.

Nagwala ang puso ko nang dumikit ang labi niya sa pisnge ko. Nginitian niya ako.

Nakakatawang sa nakakatatakot na lugar ko naisipang umamin, ang akala ko’y magiging weirdo dahil first time ko ’to peri sadyang kakaiba siya, ipinaramdam niyang ito ang tamang pagkakataon.

She makes me feel that it’s okay to be weird.

Our book isn’t closed but our untold story is now told. I’ll write our names in red for it is the color that symbolizes love.

End

Untold StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon