Chapter 16

4 2 9
                                    

“Sasama ka sa book signing?” Tanong ko kay Seah kinabukasan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“Sasama ka sa book signing?” Tanong ko kay Seah kinabukasan. Binigyan niya lang ako ng isang tango at ngiti.

Nakangisi si mama habang makahulugang nakatingin sa aking mukha. “Proud ka ba sa itsura ko ma?” Sumilay ang aking maliit na ngisi.

Tila napipilitan pa siyang tumango.

Nabilang ko ang mga araw. Masiyadong itong naging mabagal para sa akin at alam kong ngayong magkikita muli kami ni Callie ay magiging mabilis nanaman ang ikot ng orasan.

“Seah, bilisan mo!” Kinatok ko ang kwarto niya. Binuksan niya ito at tumambad sa akin ang bagong gising niyang mukha, umawang ang labi ko sa gulat dahil ready na akong umalis habang siya ay mabigat pa rin ang mga talukap, gusto pang matulog.

Excited ako masiyado dahil alam kong 3 oras pa bago ang book signing kaya hindi ko mapapagalitan o masisisi si Seah. Bumuntong hininga ako bago siya nginitian. Pinatalikod ko siya sa akin at doon ay hinawakan ko ang mga balikat niya bago siya mabagal na itulak papunta sa banyo. Habang naglalakad ay hinila ko rin ang isang nakasampay na twalya sa kung saan at inilagay ito sa kaniyang batok.

Nang matagumpay ko siyang maipasok sa banyo ay lumakad ako papunta sa closet niya. Sa dami ng damit niya ay alam ko na kaahad kung ano ang pipiliin niya ro’n, gano’n ko kakilala si Seah.

Inilabas ko ang isang kulay peach na dress. Melapit na ang dulo no’n sa tuhod niya kaya sigurado akong susuotin niya ‘yon, bahala na siya kung ano ang susuotin niya para sa kaniyang mga paa. Naglabas din ako ng isang jacket, iyong kahit sino sa amin ay pupwede gumamit kapag nilamig dahil sigurado akong may aircon ang pupuntahan namin, mabilis kasing lamigin si Seah, isa pa ay kung gusto niya mang takpan ang mga braso niya ay pupwede niya ‘yong suotin.

Lumabas na ako sa kwarto niya at isinilid  sa isang paper bag ang mga librong inihanda na niya kagabi, hindi lang kasi si Callie ang author na makikita namin doon, sayang naman ang pagkakaton kung hindi namin sila malapitan.

Sigurado ako na kahit anong dami ng mga author ang nando’n mamaya ay kay Callie lang mapupunta ang buo kong atensyon. Tanggap ko na kasing kapag nariyan siya ay palagi akong nalulunod katititig sa kaniya, may kung ano kasi sa ganda niya na tila hinihipnotismo ako upang itutok lang ang buo kong atensyon sa kaniya.

Mapapansin niya kayang naro’n ako mamaya?

Bago pa ako makapag-isip pa a naputol na ito nang marinig ko ang mga hakbang ni Seah pababa sa hagdan.

Nakakapanibago ang suot ni Seah, parati ko kasi siyang nakikita na nakahoodie lang at pajama sa loob ng bahay, nasanay na siguro ako na masiyado siyang balot at naging bago ang pagsusuot niya ng mga gano’ng kasuotan.

“Ang ganda at gwapo ng mga anak ko! Jaxsean! Seah!” Nagkunwari si mama na mayroong pinupunasang luha. “Sige na, umalis na kayo,” itinulak niya kami palabas ng pinto.

Mabilis kaming nakasakay at nakapunta sa venue. Kakaunti pa lang ang tao, palibhasa’y maaga kami ng isa’t kalahating oras.

Binasa ko muna ang librong dinala ni Seah. Maya-maya pa’y napagtanto ko na marami nang tao. Tinawag isa-isa ang mga author at parang mga maiingay na trumpeta ang kanilang mga fans dahil sa walang tigil nilang pagtili.

Wala pa si Callie...

Kapansin-pansin ang lalaking nakaupo sa gitna, hindi lang dahil pamilyar siya, kung hindk dahil din sa patuloy na pagsigaw ng mga kababaihan, puros pangalan niya ang naririnig ko, kahit si Seah ay hindi maitago ang kilig, kagat-kagat niya ang pang-ibabang labi na halatang para pigilan ang paglabas ng kaniyang ngiti. Pero anong dahilan? Bakit ayaw ipakita ng kapatid ko ang ngiti niya?

“I think we all know her, but I’ll still introduce her...” ngayon ko lang napansin na naro’n na sa harao ang nagsasalita. Kinabahan ako, sa tingin ko’y si Callie na ang susunod na lalabas kaya tinitigan ko ang lugar kung saan sila nangagaling

“Ms. Callie Farrah, also known as Callaine!”

Hindi nga ako nagkamali. Sa oras na napunta sa kaniya ang paningin ko sa kaniya ay natahimik ang lahat na tila pati ang bawa’t hakbang niya ay naririnig ko na. Nababaliw na ako.

Lumingon-lingon siya, tila mayro’ng hinahanap.

Hindi inaasang magtatama ang mga paningin namin, nagulat siya ngunit hindi gustong ipahalata bago pa ‘yon mapansin ng mga fans niya todo ang tilian, pati ang mga babae ay kinikilig dahil para siyang isang model na naglalakad sa red carpet, sigurado akong nananalaytay na sa dugo nila ang gano’n dahil kahit na ang kapatid niya ay napapansin kong gano’n din.

Ngumiti siya at kinamayan ako. Naestatwa ako nang dagdagan niya ito ng isang kindat, para akong nakuryente.

“Si ate Callie, ang ganda ganda niya,” bulong sa akin ni Seah.

“Totoo...” hanggang ngayon ay pakiramdam ko ay nasa itaas ako ng lahat, para akong nasa ulap dahil alam ko na ngayong napansin niya ako.

Untold StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon