Nagdilat ako matapos marinig ang alarm clock kong nag iingay na, mabilis kong kinapa ang cellphone ko.
Nasilaw ako no’ng buksan ko ang cellphone dahil sa brightness nito. Tumayo ako at nag handa para sa trabaho.
“Good morning,” binati ko ang lahat ng katrabahong makita ko.
Iniready ko ang gagamitin ko para sa araw na ito, ilang oras pa ay dumating na ang model at doon nagsimula ang tunay kong trabaho.
Napagod ako ng matapos kaya mas maaga akong umuwi kaysa sa iba.
Naligo ako bago humiga sa kama at kunin ang cellphone. Bumungad sa akin ang isang post na nakaattach ang litrato namin kahapon ni Callie sa mall!
Jessa Quen
Yesterday at 6 pm • PublicI don’t understand why you guys stan Callie so much. Her novel isn’t even that impactful and beautiful. Sobrang hype niya and ng novel niya, marami diyan na mas deserving, siguro dahil lang siguro ‘yon sa mukha niya? Pretty faces always win, hays
Nagpadala ako sa social media na maganda daw to
Bakit kayo ganiyan? nagsayang lang ako ng pera para bilhin yung isinulat niyang hindi naman pala ganoon kaganda, refund po please!
Siya yung nasa picture, nakita ko kahapon sa coffee shop, secret na lang kung anong itsura nung lalaki!
Paulit-ulit kong tinitigan ang picture naming dalawa, hindi na ako masyadong nagtaka sa mga comment no’ng inakala nilang boyfriend niya ako.
Sikat na si Callie dati, bakit ngayon lang nila siya ginagawan ng ganitong mga issue?
Napatingin ako sa mga comments, mayroon pang idinagdag na picture ang nag post, iyong nagkunwari akong hinahalikan siya. Nanlaki ang mga mata ko.
Tuloy ay nawalan ng pake ang mga tao kung para saan ang post niya, natuon ang atesyon nila sa lalaking nasa picture na kasama ni Callie. Napakagat ako ng pangibabang labi dahil sa kahihiyan, hindi ko inaasahan na magiging ganito at magmumukha talagang hinahalikan ko siya kahit na iyon ang gusto kong mangyari.
Hindi ko na rin alam kung pinaglalaruan lang nila ang nagpost dahil ang lahat ng comments ay patungkol sa aming dalawa.
Noong mabasa ulit ang post ay nag init ng bigla ang ulo ko, napatitig ako ng masama sa kawalan. Gusto kong may pagbuntunan ng galit, kaso masyado kong pinahahalagahan ang mga gamit na naipundar ko para sirain lang ’to.
Nagtatalo ang puso’t isip ko na mag send ng message kay Callie kaya tinimbang ko muna ang sitwasyon.
Sa libo-libong nag comment at nag react sa post na ’yon ay sigurado akong makakarating ’yon kay Callie. Pero paano kung may taong malapit na alam na ang patungkol do’n at hindi lang sinasabi sa kaniya dahil ayaw nilang mag karoon siya ng sakit ng ulo?
Natawa ako, paano kong nagawa na guluhin at pagisipin ang sarili kong utak? Masyadong na nga akong nag aalala para kay Callie, dumagdag pa ang sarili ko, nangangamba akong may makaalam na ako ang taong kasama niya.
Lalo na ang pamilya’t kapatid ko na kilalala pati ang likod ko, ano ang masasabi ni Seah?
Saglit kong naagaw ang atensyon ng mga fans ni Callie dahil sa ginawa ko no’ng book signing niya, paano kaya kapag may nakaalala at nakilala sa ’kin?
Nagulo ko ang buhok ko dahil sa dami ng iniisip.
Gano’n din kaya si Callie?
BINABASA MO ANG
Untold Story
RomanceUnwritten, untold and unknown love story of a writer and a photographer. Jaxsean thought he was crazy, he liked a famous author even though he know he had no chance to be with her. UNTOLD STORY (Short Story) Written by Kyeries [Cover is inspired to...